Kabanata 16
Turtledove
I woke up to the smell of toasted pancakes, butter and vanilla. Rubbing my eyes using my knuckles, I didn't have the chance to take a good look around the house. My vision's so blurry and my head is spinning. My head's throbbing, maybe because I know that my cycle's coming near. Dressed with my silk pajamas, I graced our living room—only to find Atticus and Zina, sitting on our couch.
"Good morning," Ngiti ni Atticus sa akin.
Kumaway naman si Zina sa akin at nilapag ang kinakain na spaghetti.
"Zina!"
Mabilis akong lumapit sa kanila. Kaagad ko siyang niyakap. She giggled. "Namiss mo ba ako?"
"Oo naman!"
"Eh ako?" Si Atticus naman.
Ngumisi ako at lumapit sa kanya at niyakap din siya. Kinamusta ko silang dalawa dahil nabigla akong narito sila. Anila'y nagpaalam sila kina Papa na tutulong sila sa isang mock trial sa Cagayan de Oro. May puntos din naman daw iyon sa kanilang subject, at dagdag credentials daw. Buti na lang ay pumayag daw ang dalawa.
Ngumuso ako. Gusto ko sanang kausapin sila tungkol kay River. I'm not sure if he's serious that he really wants to fetch me before going to school, and to send me home from now on. But it's better if I'll talk to my parents first.
Kagabi, hindi ko na kasi sila naabutan pa. Pag-uwi ko'y wala pa sila. Ate Nene told me that they have an important meeting with Tito Armadeon and Tito Malidous somewhere in Makati. River wanted to meet them, so he can for formally introduce himself.
"Kain lang akong brunch," Paalam ko sa dalawa.
"Samahan ka na namin." Ani Zina at dinala ang spaghetti niya papunta sa dining.
Kumuha ako ng pancake. I decorated it with pretty blueberries, strawberries, and whipped cream.
"I already prepared a Kale juice for you," Ani Atticus.
I smiled. Natutuwa na hindi niya talaga nakakaligtaan ito. Kapag narito siya, hindi puwedeng hindi niya ako igagawa ng Kale juice. And it tastes so much better when he makes it.
My phone beeped. Sinulyapan ko iyon at agad napangiti nang makita ang pangalan ni River.
River Gaisano:
Good morning, Lei!
Gising ka na ba?
If you're still asleep, I hope you read this when you wake up. Nasa shift ako ng trabaho ko sa supermarket pero umuwi ako sandali dahil bumili na ako ng mga alak at inimbitahan ko na rin sa chat ang ilang mga kaklase natin.I bit my lower lip. Natutuwa na agad ako sa simpleng mensahe niya. Yung ngiti ko, unti-unting lumalawak hanggang sa hindi ko na namalayang nakangisi na pala ako. Ramdam ko ang pag-init ng pisngi at naalala na naman ang mga panahon na kasama at kausap ko siya.
Aviva Kamalei Ortega:
Good morning! Gising na ako. I'm having breakfast. Narito si Atticus at Zina. Ano pa ang maitutulong ko sa'yo para sa party?Sa isang araw na ang birthday niya at ang birthday ni Karrie. Pero ang usapan namin ay sa September 12 na nga gaganapin ang party niya na 'yon para makapunta ako.
Nag-angat ako ng tingin sa dalawang nanonood sa akin. I cleared my throat, trying to be serious even though my smile can't possibly falter.
"Who's that?" Si Atticus.
"Napapangiti ka ah," Puna ni Zina at malambing na ngumiti. Tila ba alam niya rin ang pakiramdam na
"Si River." I casually answered like it's not big deal, but deep inside I'm screaming in bright neon lights.
YOU ARE READING
Bay of Strangers (Manila Girls #2)
RomanceIf only she is as cold, arrogant, and snob like everyone sees her, Aviva Kamalei Ortega would have avoided him in the first place. He is nothing but a waving red flag-proud and high. He is broken, troubled, and messy and she does not like any of tho...