CHAPTER 23

7.7K 114 2
                                    

Having a vacation at Ilocos Norte during our sem-break is fun.

Pinasyalan namin ang mga magagandang lugar dito sa Ilocos, pumunta kami sa Paoay Church, Laoag Sand dunes, Kapurpurawan, Saud Beach, Hannah's Resort, White House at iba pa.

Palagi kong nakikita si Knox sa isang linggong pagbabakasyon ko doon dahil sumasama siya sa pamamasyal namin, okay lang kina Lolo at Lola na sumama siya at okay din para sa akin para makita at makasama ko siya.

Oh mas naging maganda at masaya ang sem-break ko.

Minsan nagpupunta ako sa kabilang isla dahil doon nga siya nag istay, buti pinapayagan naman ako nila Lolo at Lola. Minsan naman siya ang pumupunta dito sa rest house, na gustong-gusto naman nila Lolo at Lola.

Ayos na ayos lang sa akin ang pagpunta ni Knox sa rest house para makita siya, at ito namang lalaking ito sa galing ng ninja moves niya nakakahalik siya sa akin sa bahay.

Hindi ko alam kung may idea sina Lolo at Lola sa pagpunta ni Knox dito sa bahay. Porque sinabi nila Lola na pumunta lang siya dito kahit kailan niya gusto ay araw araw naman ito nagpupunta. Wala naman itong ginagawa kung 'di magkukuwentuhan lang sila ni Lolo at minsan patago niya akong nilalandi na okay lang naman sa akin dahil medyo marupok ako, "medyo" lang.

At eto nga pala! Hindi ko rin alam kung may idea ang magulang ni Knox noong nakita ako ni Papa niya na buhat ako noong may nangyari sa amin, at noong nakisabay kaming nagbreakfast kasama ang Mama at dalawa niyang kapatid! At bakit nakalimutan ko 'yun? Kainis. Tignan mo nga naman ang lakas ng epekto ni Knox sa akin. Minsan nakakalimutan ko ang mga bagay bagay dahil sa kanya.

Pero baka okay lang sa parents ni Knox na kami na? Dahil nasa tamang edad naman na si Knox eh para magdesisyon sa buhay niya.

Ako lang itong hindi okay sa parents niya dahil kay Papa eh! Tapos isa akong student tapos siya ay Professor, nasa iisang university pa naman kami! Oh, talagang maiisue kung nagkataon.

It's Saturday afternoon, ngayon na kami uuwi ni Cassidy. Naka-empake na lahat ang mga gamit namin pauwi.

Hindi kami mag-eeroplano pauwi ni Cassidy dahil may maghahatid daw pauwi sa amin. It will be 9 hours, long drive from Pagudpud to Manila.

"Cassidy bumaba ka na diyan! Nandiyan na yata 'yung sasakyan na maghahatid sa atin!" Narinig ko kasi ang ilang beses na pagbusina ng sasakyan habang papasok dito sa malawak na rest house.

Nakaupo kami dito sa couch dito sa sala, magkakaharap kami nina Lolo at Lola.

"Baka nakatulog na 'yun ah."

"Baka ayaw ng umuwi."

Napatingin ako sa sinabi nila Lolo at Lola. Natawa sila sa ng makita ang reaksyon ng aking mukha.

"Lo! Gising na gising 'yun kanina. Kumakain nga ng chocolate ng iwan ko siya sa kwarto namin eh."

"Baka tumae!" Nanlaki pa ang mata ni Lolo ng sabihin niya 'yun.

"Lolo kung ano anu sinasabi!"

"Joke lang apo."

"Hindi halata na joke 'yun lo." Pambabara ko. Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko sa couch, iniwan ko na muna sina Lolo para tignan kung ano ang ginagawa ni Cassidy bakit ang tagal.

"Cassidy!"

"Cass!"

"Chubby Cass!"

Wala pa rin siyang sagot kahit na tinignan ko na ang ilang kuwarto dito sa second floor. Pumunta ulit ako sa kuwarto namin at binuksan ang banyo pero hindi ko mabuksan.

In a Secret Relationship With My Professor (Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon