CHAPTER 12

9.8K 158 6
                                    

First day of midterms exam, one seat apart kami habang nag-eexam. Umabot pa ang iba sa hallway. Sa puwesto namin ngayon, talagang mahihirapan ka ng kumopya kung may balak ka pang mangopya.

Ang pwesto ko naman ay sa pinakadulo ng classroom, napapasandal ang ulo ko sa pader kapag iniisip ko ang sagot o 'di kaya kapag tapos ko na ang test.

Ang adviser naman namin ay nakaupo sa kanyang upuan, nakapuwesto ito sa gitna. Mariin siyang nakamasid sa amin, animo'y parang cctv para tignan kung sino ang makikita niyang kokopya.

"Psst..." napatingin ako sa paligid kung sino man 'yun. Si Shainah pala. Napakagat ako sa labi ng makita ko si Ma'am na tumingin sa akin, kaya itinuon ko na ang aking mata sa aking sinasagutan.

Matapos kong sagutan ang test namin sa isang subject, dinoble check ko ang mga nasagutan ko.

Medyo nangangalay ang aking ulo kaya nag-angat ako ng tingin, napatingin ako sa kinaroroonan ni Vince at Sofia, sa pinakaharap ang pwesto nila.

Napangiti ako ng makita si Vince na nakayuko na nagsasagot, kulang na lang magdikit ang kanyang mukha at question paper.

"Woah! Medyo nakahinga na ako ng maluwag tapos na ang tatlong subject ngayong araw!" Vince took a deep breath while he said those words. I took a deep breath too, parang nahawaan sa kaginhawaan na naramdaman ni Vince.

Nandito kami ngayon sa labas ng University, hapon na at nagsisiuwian na ang iba. Maraming tao dito sa labas dahil maraming nagbebenta ng streets foods.

Nakatambay kaming magkakaibigan sa isang lamesa dito sa ilalim ng puno, hinihintay ang order namin na isaw, fishball, kwek kwek at barbecue.

"Kuha lang ako ng palamig, nauuhaw na ako kakahintay sa order natin," sabi ni Shainah at tumayo na.

"Samahan na kita." Nginitian ko si Sofia ng napatingin siya sa akin, tumayo na siya at sinundan si Shainah.

"Ang hirap ng test natin, Nics! Hindi ako sure sa mga sagot ko!" pagmamaktol ni Vince habang nagc-cellphone ito.

"Wala namang madali na test eh, nasagutan mo ba lahat?" baling ko sa kanya. Itinulak ko ang kanyang noo para mabaling ang atensyon niya sa akin. He shot a death glare to me.

"Tss, oo nasagutan ko lahat! Baka makatsamba eh!"

"Good boy." Ginulo ko ang kanyang buhok dahilan ng pagkunot ng kanyang noo.

"Hindi ako aso, Nics!" he rolled his eyes. I chuckled to his reaction.

"Bad mood ka? Okay, bahala ka diyan." I rolled my eyes at him too.

Hinanap ng mata ko kung nasaan sina Shainah. Nakatingin ito sa akin at sinesenyasan na lumapit sa kanila. Tumayo na ako at iniwan ko ang bag ko sa aking upuan.

"Luto na ang order natin, kunin mo na ang mga iba. Babalikan na lang natin kung hindi natin mahawakan lahat," mahabang litanya ni Sofia.

"Sige," pagsang-ayon ko sa kanya at napatango rin. Kinuha ko na ang isang plate na barbecue at isaw, naiwan ang fishball at kwek kwek dahil hindi ko na mahawakan pa.

Napatingin ako sa nakasagi sa akin si Vince pala 'yun. "Sorry," sambit niya. At saka kinuha niya na ang mga iba naming order.

Nakaupo na sa puwesto namin sina Sofia at Shainah. Nauna na akong naglakad at hindi na hinintay pa si Vince.

"Hay buhay! Talaga kapag midterm exam parang hell! Ramdam ko ang intense!" saad ni Shainah at kumuha ng isang stick na isaw na dala ko at isinawsaw ito.

Kumuha ako ng barbecue at kinain ito, natatakam na kasi ako sa amoy nito.

"Demonyita ka kasi," pambabara ni Sofia kay Shainah. Nahila tuloy ang nakataling buhok ni Sofia kaya nagulo ito. Napatawa na lang si Sofia dahil sa pambabara niya kay Shainah.

In a Secret Relationship With My Professor (Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon