CHAPTER 28

7.2K 111 3
                                    

Dalawang araw na ang lumipas matapos kong makita si Knox at Blythe na magkasama sa loob ng University, at hindi na ito nasundan pa dahil sa tinotoo talaga ni Knox na hindi na mauulit 'yun. Takot niya raw na mawala ako sa kanya. Binantaan ko kasi siyang hihiwalayan ko siya kapag naulit pa 'yung nakita ko eh.

"Girls, ngayon ang scheduled ng photoshoot ng outfit for Christmas ng business ko," paalala ko.

Nandito kami sa library dahil vacant naman namin. Inukupahan naming apat ang isang parihabang lamesa at dito kami gumagawa ng requirements.

"Oo, noted noted!" tumango pa silang dalawa sa akin habang abala kami sa ginagawa namin.

"Sama ako!" sigaw ni Vince. Kahit kailan talaga ang lakas ng boses nito, parang nakalunok ng mic. I nodded to him, "Oo, sama ka. Shh." I hushed him.

"Pwedeng maging model din, Nics? For free na lang service ko," he whispered to my ears. Napatigil ako sa ginagawa ko at tumingin sa kanya, he was grinning from ear to ear as he looked at me.

"Talaga? Sure na 'yan?" I raised my eyebrows at him.

He nodded, "Oo!" ngumiti ako sa kanya.

"Thank you in advance!" at iniangat niya ang kamay niya at ginulo ang buhok ko. I shoot him a death glare.

Kainis! Ginulo ni Vince ang buhok ko.

I felt my phone inside my pocket beep in notification. I took out my phone and check it out if what was it. A message from Knox flashed on the screen of my phone.

Knox baby:

Come to my office, baby. I brought a melon shake for you.

Nanubig naman ang bibig ko ng mabasa ko ang message niya. I smiled and stood up from my seat.

"Bye muna, may kukunin lang," paalam ko sa kanila.

Nag-angat sila ng tingin sa akin, "Sige." Vince simply replied.

"Sure!" Shainah respond while Sofia just nodded to me.

I am smiling as I entered Knox office. I didn't bother to knock at his door dahil sanay naman na akong pumupunta dito ng hindi kumakatok but to my surprise, Knox and Blythe were kissing! Blythe were sitting to Knox lap while they were kissing.

“Kno—" hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko dahil sa nabungaran ko. I froze on my spot.

Agad naman akong nakabawi at basta na lang silang iniwan. Grabe lang! Hindi man lang naramdaman ni Knox ang presensya ko?!

Ayokong pakinggan ang sasabihin ni Knox na explanasyon tungkol doon! Ayoko. My entire body is filled with jealousy to what I've witnessed.

My sight getting blurry as I walked towards the rest room. Mabilis akong naglakad papunta sa isang cubicles, bumuhos ang aking luhang pinipigilan kanina.

Ang sakit! Ang sakit makita na 'yung taong mahal mo ay may kahalikan! Oo, hindi na naulit pa 'yung pagkalingkis ng kamay ni Blythe sa braso ni Knox pero ito naman ngayon, hinalikan niya ang boyfriend ko!

I stayed inside the cubicles until I felt at ease. Sinigurado kong maayos ang mukha ko bago ako lumabas. Pero nakita ko si Blythe dito sa rest room na naglilipstick sa salamin.

Her lips curved up that form a smirked, "Ang sarap humalik ng boyfriend mo," mapang-uyam na sabi niya. I clenched my fist and took a deep breath.

"Ang landi mo, alam mo na ngang may karelasyon ang tao pinatulan mo pa." I gritted my teeth as I uttered those words.

"Yeah, I am bitch. Just wait until he's mine." Then, she laughed like a crazy.

I just walked away from her. Baka ano pa ang magawa ko sa kanya. Mas mabuti na lang na iwasan ko siya.

In a Secret Relationship With My Professor (Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon