CHAPTER 27

7K 120 5
                                    

Ang deal namin ni Knox na, “no sex for a month” talagang tinotoo! At hindi lang one month, naging two months! Nagtatampo yata si Knox sa akin. Bahala siya diyan! Ayokong manuyo.

Inihatid namin ng maayos si Vince ng gabing ‘yun, the night when he confessed to me. He really looked wasted that night, buti na lang pumayag si Knox na akayin si Vince papunta sa bahay nila. Ang mommy naman niya ay todo paumanhin sa amin dahil daw naabala pa kami ng dahil kay Vince.

Vince’s mother looked dismayed when I told her before that I have a boyfriend already. He thought it was his son, because we are so close to each other. And he really wants me to be his son’s girlfriend as what she said to me before. But then, he accepted the fact that his son and I aren’t meant for each other.

The closeness between Vince and me are back, it’s been two months since he distanced himself to me. Naiintindihan naman nila Shainah at Sofia ‘yun. Nakakapanibago noong una pero kailangan namin gawin ‘yun. Para mas madaling makamove on si Vince at para hindi na siya mas masaktan pa dahil sa akin. Minsan ako na rin ang umiiwas eh. Ang hirap iwasan ang taong nakasanayan mong kasama pero kailangan, para rin naman ito sa kapakanan ni Vince.

“Vince, pahingi ako ng melon juice mo! Ubos na ‘yung baon ko!” kumakain kami ng tanghalian dito sa cafeteria.

“Sige na!” pagpupumilit ko kahit na kumakain siya.

“Ayie, nakakamiss din kayong dalawang tignan na ganyan,” saad ni Sofia.

“Pakibigay nga kay Nics, Ynah. Gutom na gutom ako eh, tapos ginugulo ako.” nagsasalita pa habang may laman ang bibig nito.

“Don’t speak when your mouth is full!” he just rolled his eyes on me. Iniabot naman sa akin ang tumbler ni Vince.

“Thank you.” I smiled to Shainah when she handed me the tumbler. Napangiti ako, malamig pa ang melon juice ng malasahan ko ito.

It’s been a tiring days for us dahil marami na kaming ginagawang requirements dahil malapit na ang Christmas break, minsan isinasantabi na lang namin kumain para lang maka-accomplished ng requirements. Kaya ayun patay gutom kung makakain kami.

Tahimik naman si Sofia na kumakain sa aking tabi kaharap si Shainah.

“Oh!” napatingin kami kay Shainah ng bigla siyang magsalita. May itinuro siya sa labas kaya sinundan namin ito ng tingin.

Si Knox kasama si Blythe nakalingkis pa ang kamay nito na parang ahas. Alam niya na ngang may girlfriend ‘yung tao ganyan pa umasta. Is she testing my patience? Heto naman si Knox, okay lang sa kanya?! Kaya ba niya in-extend ang isang buwan ang no sex deal namin dahil nandiyan naman si Blythe? Ay putangina naman, Sir! Walang ganyanan. Sarap batukan ni Knox! Hindi kami bati mamaya.

Nabulunan pa si Vince sa nakita niya, “Ay putcha!” Mabilis niyang kinuha ang ininuman kong tumbler niya at uminom din ito.

Binatukan naman siya si Shainah, “Kumakain tayo, ‘yang bibig mo.” Vince groaned when Shainah hit his head. “Ang sakit naman!”

“Ang sakit nila sa eyes nuh, Nics?” Itinuro niya pa sina Knox at Blythe.

“Ang higad ba naman, kapit na kapit,” komento ni Sofia at sumubo ng kanyang pagkain.

Shainah laughed, “Ahas kamo, nakapulupot kamay oh.”

My eyebrows furrowed as I looked at them walking, akala ko ba ayaw ni Knox makita si Blythe? Eh bakit ngayon nakalingkis ang kamay sa kanya? What the hell Knox! Is there something wrong? Nagpauto ka na rin ba diyan sa Blythe saltik?

“Kung nakakamatay lang ang titig, patay na ‘yun.” Vince chuckled.

“Pigilan niyo si Nics, baka sugurin niya ‘yung babae.” I rolled my eyes to him. “Loko!”

In a Secret Relationship With My Professor (Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon