CHAPTER 44

6.8K 110 3
                                    

Kinuha ko ang cellphone ko ng magring ito, sinagot ko ang video call galing sa group chat namin.

“Hi,” nahihiyang bati ko sa mga kaibigan ko.

I bit the inside of my cheeks when I saw their facial expressions.

“Samantha, nakakatampo ka!” Pagmamaktol ni Sofia na parang bata.

“Aba totoo nga! Katabi mo pa sila, baka naman nakaabala na kami sa’yo, nakakahiya naman Sam,” masungit na sabi ni Shainah.

“Baliw, Sam ‘yung anak niya, Samantha naman siya,” singit ni Vince. Nakasandal ito sa kanyang swivel chair at nakasuot ito ng office suit.

“Eh sa nasanay ako eh!” Shainah rolled her eyes.

“Hmm, guys sasabihin ko naman sa inyo eh. We just want to spend more time then after that we’ll gonna tell you about us, guys.” Bumangon na ako mula sa pagkakahiga at sinuklay ko ang buhok ko gamit ang aking kamay.

“At saka don’t blame Vince, he just accidentally found it. Nasa bahay kasi siya that time, pasulpot sulpot, alam niyo naman na kabute si Vinsyong.”

Vince glared at me when he heard me mentioning his hated nickname that I used to call him when we met.

“Miss ko na ang kambal,” malungkot na wika ni Sofia. Kumaway kaway pa sa screen akala mo naman makikita siya ng kambal eh tulog na tulog ang mga ito sa piling ni Knox.

“Ako rin, miss ko na ang mga bulilit na ‘yan. Ilang linggo na tayong ‘di nagkikita. Busy kasi kaya late man lang tayo sa balita.” Bumuntong hininga si Shainah matapos siyang magsalita. Ang lapit lapit ng mukha nina Shainah at Sofia sa screen, naduduling ako sa kanila.

“Ano ‘yan? Lumayo nga kayo Fia at Yna! Kitang kita ang airport niyo eh!” Singhal ni Vince.

“Tinitignan lang namin ang kambal, gago!” Namura tuloy ni Shainah si Vince.

“Makapagsalita ang ‘to! Mas malapad naman airport mo oh, tangek!” Sofia said to Vince, she even rolled her eyes.

“Miss niyo na ang kambal? Pwede naman kayong pumunta dito.” Nakangiting saad ko. Nakita ko naman na mas lumapad ang ngiti ng mga babaita at nagtakip pa ng bibig na parang kinikilig.

“Okay lang ba kay Knox?” Tanong ni Sofia.

“Yeah, it’s fine.” I heard Knox voice behind me.

“Omg! Thank you, Sir!” Hiyaw ni Shainah. Ang ingay talaga ng babaitang ‘to.

“Ayiee…” Sofia said. I bit my lower lip when Knox rested his chin on my shoulder.

“Ala shet sakit sa mata.” Tinakpan pa ni Vince ang mata.

I scoffed to Vince. “Ang bitter mo!”

“Babye na. We are going na there sa bahay niyo,” conyong sabi ni Shainah.

“Sure, I’ll chat you the address.” I waved my hands to them when the girls waved their hands at me.

“Sama rin ako!”

“No.” Knox said in a stern voice.

Napasimangot si Vince. “ Please, Sir! Please!” Pagmamakaawa niya na parang bata.

“Okay. Dali na bago pa magbago pa isip ko,” sagot ni Knox.

“Hey babes! Kindly bring us foods! Bye bye!” I said to them.

“Sure! No worries!” They waved their hands to me and ended up the call.

I sent the address in our group chat. I placed my cellphone to the nearest couch.

In a Secret Relationship With My Professor (Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon