"Lola! Lolo! May ipapakilala po ako sa inyo!" I shouted.
Tumatakbo kami ni Knox habang magkahawak kamay kaming tumatakbo patungo sa rest house namin dito sa Ilocos Norte.
Narinig ko naman ang halakhak nina Mama at Papa dahil sa akin.
Kabababa pa lang namin sa sasakyan, pero heto ako excited na ipakilala ang unang boyfriend ko.
"Oh sino 'yan, apo?" Naglakad palapit sina Lolo at Lola para salubungin kami.
"Si Knox po! Boyfriend ko!" I said cheerfully.
"Hello, po." Lumapit si Knox sa grandmother ko. Yumuko siya at kinuha ang kamay ni Lola. "Mano po," he said to Lola. Then, he approached my grandfather, "Mano po".
Napangiti naman si Lola at Lolo sa ginawa ng boyfriend ko.
"Wow naman, ang aga magboyfriend ng apo ko," wika ni Lola.
"Ipinagpalit mo na si Lolo mo Sam?" Madramang sabi ni Lolo at napahawak sa dibdib niya.
"Lo! Hindi po! Love ko pa rin kayo ah, the best lolo kayo eh!" Kinindatan ko siya.
"We support you, hija. As long as you're happy with him." Lola smiled to me and took a glance to Knox.
"Welcome to the family, hijo!" Lola open her arms wide for a hug. He hugged Knox for welcoming him warmly in our family.
"Knox, tikman mo ang mga niluto ko." Binigyan ni Lola si Knox ng plato at nilagyan ito ng pagkain.
"Lola, masarap po ang luto niyo!" Sagot ni Knox.
"Asus, bolero ang boyfriend mo, hija. Kaya siguro nahulog ka." Pagbibiro ni Lola kaya natawa ako.
Napatingin naman sa akin si Knox at kumindat. Aba ang loko may pakindat kindat pa. Akala mo naman gwapo, mukhang gwapo lang ang pangalan hindi siya damay ang baduy niya.
"Baliw," I mumbled.
"Baliw sa'yo." He smirks at me.
"Oh kumain muna tayo mamaya na ang usapan," suway ni Mama.
"Kumain ka lang diyan, Knox. Baka sabihin pa ng Dad mo na hindi kita pinapakain ah. Huwag kang mahiya, feel free to stay at home. Hindi ka naman others." Sabad ni Papa habang inaasikaso ang kapatid kong si Baby Cassidy.
"Opo, tito. Don't worry."
"Pasyal lang kayo dito anytime ha?" Saad ni Lola habang nakikipagbesohan sa amin dahil pauwi na kami sa Manila.
"Ikaw Knox, huwag kang mahiya sa amin, you're now part of the family." Dagdag ni Lola.
"Sure po, Lola!" He chuckled.
"Paalam na, Ma at Pa." sabay na saad ni Mama at Papa kaya naglingunan silang dalawa.
Natawa naman kami ni Knox.
"Galing pumili ni Samantha, gwapo talaga ni Knox. Same vibes kami," parang bagets na sabi ni Lolo.
"Uy tanders, ang feelingero mo."
"Kunwari naman 'to. Kaya nga naging asawa kita eh. At saka ang gwapo ng anak natin oh. Ang ganda at gwapo pa ng mga apo natin." kumindat si Lolo sa amin ng sumulyap siya.
BINABASA MO ANG
In a Secret Relationship With My Professor (Series 1)
Fiksi RemajaWARNING: SPG | R-18 | Mature Content Professor and Student shouldn't be in a relationship, right? It is prohibited, according to the Teaching Profession's Law. But when cupid played the arrow, love will conquer all even if it 's dangerous. Let's see...