CHAPTER 37

9.2K 148 11
                                        

“Momma…Momma!” I shifted my gazed when I heard a shout. I saw baby Sam running towards me. I smiled when I saw how her cheeks bounced as she ran.

Ang bilog ng pisngi niya kasi, parang monay. Mabibilog din ang pangangatawan niya, malakas kasing kumain at maggatas. Tapos nagvivitamins pa.

Nandito ako ngayon sa opisina ko, sa Sam Shine Clothing Shoppe, nagtatrabaho ako kasama ang kambal. May isa silang yaya na nagbabantay sa kanila. Malikot kasi si baby Sam habang si Aidan naman ay hindi.

“My baby Sammy, what do you want?” I asked using my soft voice then I  carried her and sat her on my lap. “Ang bigat ni Baby Sammy!” she just giggled to me.

“Nom nom, Momma!” I smiled when I heard her tiny voice asking for a drink. Then, I felt her small hands pulled my hair. I silently flinched in pain.

I shook my head to Sam stopping her from pulling my hair. “No… no baby…” I mumbled. She just smiled at me innocently, at tinanggal niya na rin ang kanyang kamay sa buhok ko.

“Momma! Papap!” Baby Aidan shouted while watching cocomelon on my Ipad. Nakaupo ito sa couch katabi niya si Carla, ‘yung yaya ng mga anak ko.

Mabibilog din ang pisngi ni Baby Aidan, same lang sila ni Baby Sam kung gaano kabilog ang pangangatawan nila dahil nga magaling silang kumain at maggatas, plus nagvivitamins pa.

“Sure, baby. Wait lang…” I said.

“Carla, pakikuha nga ‘yung bag na dala nila. Bigyan mo nang chuckie si Baby Sammy at Dandan,” utos ko. Sammy ang nickname ni Sam habang si Aidan naman ay Dandan.

‘Nom nom’ ang sinasabi nila kapag humihingi sila ng maiinom. ‘Papap’ naman ang sinasabi nila kapag humihingi ng pagkain. Paborito nila ang chuckie, breadstick na biscuit at cupcakes. May tag-isang backpack na maliit si Baby Sam at Aidan kapag isinasama ko sila dito, at kapag sila ay isinasama ni Papa sa opisina minsan. Ang laman lang naman ay tagdalawa silang bottle ng gatas, breadstick, at capcake. Uuwi rin naman kasi ang kambal kapag lunch kasi pinapatulog ko sila.

Dalawang taon na ang kambal, marami na silang nabibigkas. Alam na nilang bigkasin ng deretsahan ang Mama, Lolo, Lola, Kuya. Alam na rin nilang magbilang ng 1-10, alam na rin nila ang huni ng mga hayop, at alam na rin nilang sabihin ang alphabet pero minsan hindi kompleto kung sabihin nila ito.

Matalino ang kambal, at their age, they understand what I am telling them to do or not. Kapag naman may inuutos ako sa kanila ginagawa nila.

“Oh, here’s your chuckie. Drink it carefully.” Baby Sammy nodded as a response. I gave to her the chuckie and she started drinking it.

I shifted my gazed to Baby Aidan. I saw him holding a cupcake while his other hands is holding his chuckie. Magana itong kumakain habang nanonood sa Ipad na hawak na ni Carla.

Aidan really look like his father. Kung tinitigan ko ang kanyang mukha, nakikita ko sa kanya si Knox Aiden. Lalong lalo na ang asul na mata nito. Kahit hindi ko man nakikita si Knox at kahit hindi ko man marinig na binabanggit nila ang pangalan niya, nakikita ko naman siya kay Aidan, his mini me version.

Si Sam naman ay habang lumalaki nagiging kamukha ko siya, akala ko si Knox na naman ang kamukha noong una ko siyang masilayan  dahil nga mata pa lang kuhang kuha na nila kay Knox.

Ang lakas ng genes ni Knox, ang ganda ng lahi.

Ang bilis lumipas ng panahon, mahigit dalawang taon ko ng hindi nakikita si Knox. Hindi na pumupunta ito sa bahay, balita ko nangibang bansa ito, ‘yun lang ang nabalitaan ko sa kanya. Sinabi ko kasi sa magulang ko at kaibigan ko na huwag banggitin ang pangalan ni Knox  kasi kapag mas naririnig ko ang pangalan niya hindi ko maiwasan mangulila sa kanya.

In a Secret Relationship With My Professor (Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon