CHAPTER 19

9.8K 150 16
                                        

“Ate, Sam! Ate, ate, ate!” Pangungulit ni Cassidy sa akin at hila hila ang laylayan ng aking damit. Bumababa tuloy ang aking off shoulder crop top, narereveal tuloy ang aking cleavage.

“Ate, let’s swim!” Cassidy said cheerfully and jumped in excitement.

Nawala ang atensyon ko kay Knox at napatingin sa kapatid kong sumigaw na excited na lumangoy sa dagat.

Hinawakan niya ang aking kamay at hinila ako patungo sa dagat. Nagpatianod na lang ako sa kanya, sa pagmamadali niyang tumakbo patungo sa dagat, lunalaki ang aking hakbang para masabayan siya kaya hindi maiwasan na humarang ang aking buhok sa aking mukha.

Itinaas ko ang aking kamay para ilihis sa aking tenga ang buhok na humarang sa aking mukha.

Binitawan ni Cassidy ang aking kamay at basta niya na lang ibinaba ang khaki shorts at tinanggal niya ang kanyang damit. Akala ko brief ang matitira na kanyang damit pero nakasuot na pala siya ng swimming trunks niya. Halatang excited.

“Bolaga!” Cassidy shouted at winiwisikan niya ako.

“Stop it, Cassidy! Mababasa si Ate!” lumayo ako sa kanya para maiwasan na mabasa. Tinawanan niya lang ako

“Nyenyenye….” Saad niya  at patuloy siya sa pagwisik sa akin.

Nilayuan ko si Cassidy at hinanap ng mata ko kung nasaan na si Lolo at Lola. Nandu’n na pala sila sa isang cottage inilalabas ang aming dalang pagkain.

I wandered my gaze and I saw Knox with his friends Kean and Klue if I’m not mistaken, ‘yun ang dalawang palaging kasama ni Knox kapag nagpupunta sa Neon Nights club. Klue is wearing an unbutton shirt while Kean is half naked. Knox, Klue and Kean showing off their toned abs.

Tsss. Ibinabalandra niya ang abs niya, hmp!

Talagang nakakaagaw sila ng atensyon dahil ang mga tatlo ay kabilang sa bachelors at kilala sa business world.

I did some research about them, and Sofia is right about what he explained to us about them last time. Ako lang talagang itong walang pakialam sa mga nalilink in na kalalakihan sa socmed.

I secretly rolled my eyes, kitang kita ko naman ang lantaran pagtitig ng mga kababaihan sa kanilang tatlo.

Tinanggal ang aking damit at shorts, leaving my red two piece bikini. I flaunt my sexy body, ibabalandra ko rin ang akin, hindi lang siya. I ramped as I went to the sea.

Lumusong ako sa tubig at lumangoy patungo sa malalim, I don’t know if Knox already see me. Baka naman naghahanap siya ng babae diyan, eh maganda naman ako ano pa bang hahanapin niya?

“Ateeeeee!” Cassidy shouted. Hindi niya siguro ako makita, kaya napaahon ang ako ng wala sa oras. Napaawang ang aking labi dahil sa gulat at bigla na lang napatingin ang mga tao sa direksyon ni Cassidy.

Naagaw ni Cassidy ang atensyon ang mga tao kaya napatingin sila sa kanya dahil sa pagsigaw niya.

 Mabilis akong tumakbo palapit sa kanya, nakaupo lang siya sa tubig at nagtatampisaw ang mga kamay at paa niya.

“Anong nangyari?” nag-aalalang tanong ko.

“Wala ate, samahan mo nga ako. Tabi ka sa akin.” Itinuro niya pa ang kanyang tabi para daw umubo ako sa tubigan.

I heaved out a deep sighed, akala ko kung ano na ang nangyari.

“Oh, sige. Basta huwag ka nang sumigaw ng malakas, naagaw mo tuloy ang atensyon nila.” He nodded to me. I took a heavy sigh, umupo ako sa tabi niya at napakislot ng maramdaman ang malamig na tubig.

In a Secret Relationship With My Professor (Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon