CHAPTER 36

9.1K 171 6
                                        

“Sweetie, gusto mo ipagluto kita ng cookies?” tanong ni Mama.

"Opo ma, lutuhan mo rin ako ng shanghai, tapos sawsawan ay mayonnaise na may egg.

Nakita kong ngumiwi ang aking kapatid ng marinig ang sinabi ko. Natawa naman si Mama ng mahina.

Nandito kami sa sala nanonood ng tv habang kumakain ako ng mashed potato na linagyan ko ng Mang Tomas ketchup sa ibabaw. Si Cassidy naman ay nakahilata sa isang sofa. Kami lang ang nandito sa bahay wala si Papa dahil nasa opisina na ito.

“Psst,” I called Cassidy’s attention pero hindi man lang lumingon at nakatutok ang mata niya sa pinapanood niya.

“Cass, pakikuha mo nga ako ng tubig,” utos ko sa kapatid ko.

“Sige po, ate.” Tamad itong tumayo at nagtungo sa kusina.

Simula noong nalaman ni Cassidy na buntis ako ay tuwang tuwa ito. Kapag may iniuutos ako ay sinusunod niya na kahit na tinatamad siya.

Mahilig ko rin pagdiskitahan ang kanyang pisngi, pinipisil ko ito minsan naman ay hinahaplos. Nagpapaubaya naman siyang ganun ang ginagawa ko sa kanya dahil noong unang pinisil ko ang pisngi niya ay nagalit siya dahil masakit ito kaya naiyak na lang ako dahil do’n. Ang emosyonal ko talaga.

“Thank you…” I said to Cassidy when he handed a glass of water.

He smiled at me.

Naubos ko na ang mashed potato ko kaya uminom na ako ng tubig. Sumandal na muna ako sa sofa at ipinikit ang mata. Dinadalaw na naman ako ng antok katatapos ko lang kumain

I took a deep breath and caressed my tummy. Malaki na tiyan ko, limang buwan na ito. Pero kung titignan ang tiyan ko parang anong oras manganganak na ako pero hindi kasi natural lang na ganito dahil kambal nga at saka ang lakas ko ng kumain kaya malaman na rin ang aking katawan.

I don’t care kung tumaba man ako dahil sa pagbubuntis ko. Ang mas mahalaga sa akin ay ang mga anak ko. Kahit hindi na ako makabalik sa pagmomodel, ang priority ko na ngayon ay ang anak ko.

Hindi na ako masyadong lumalabas ng bahay kasi tinatamad naman akong lumabas, at saka mas madalas naman akong matulog. Wala na rin akong balita kay Knox, sinabi ko rin sa kaibigan ko na huwag nilang banggitin ang pangalan niya kapag magkakasama kami.

Mahal ko pa rin, masakit na pinakawalan ko siya pero kailangan kong magsakripisyo dahil may dalawang buhay na mapapahamak kung sakali pang magsama kami.

Hindi malaya ang aming relasyon tapos mas humahadlang pang Blythe na obsessed kay Knox.

“Knox…n-natatakot ako.” Nanginginig ang aking boses ng sambitin ko ‘yun.

“Just hold my hands tight, baby. Hindi kita hahayaan na mapahamak.”

Magkahawak kamay kami habang patuloy siya sa pagpapatakbo para maiwasan ang mga nakasunod sa amin at binabaril pa kami.

Umalingawngaw ang sunod-sunod na putol galing sa sumusunod sa amin.

Napatakip ako sa aking tainga at dumapa dahil sa sobrang takot na nararamdaman, napakalakas at mabilis ang tibok ng aking puso dahil sa sobrang kaba. Patuloy na rin ang pagdaloy ng luha sa aking pisngi dahil sa pag-iyak.

Masayang masaya pa kami ni Knox kanina dahil nagdate kami pero habang nagroroad trip kami bigla na lang may sumalubong sa amin na armadong tao sakay ng Van.

“Knox!” Sigaw ko ng maramdaman kong nabangga ang aming sasakyan.

“Diyan ka lang, Samantha,” seryosong saad nito. Umiilag siya habang nagmamaneho, gumegewang na rin ang aming sasakyan.

In a Secret Relationship With My Professor (Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon