CHAPTER 5

11.4K 204 43
                                    

Kakastalk ko kay Sir Aiden, friends ko na siya sa facebook at finallow back niya ako sa instagram. Oh, ‘di ba? Swerte ko nuh? Charot. Akala ko kasi gagawin niya akong followers buti na lang hindi.

At dahil stalker niya ako, kachat ko na rin si Sir. Nakaka-intimidate rin siya kapag kachat kaya taga greet ng good morning at saka good eve niya ako buti nagrereply din siya pero lately, naging madaldal na si Sir sa chat buti na lang para hindi naman ako medyo magdalawang isip na replyan ang chat niya.

Nawala ako sa pagmuni-muni ng magsalita si Pres. namin.

“Guys! Guys attention!” Bungad ni Gio ng makapasok siya sa classroom namin. Siya pa rin ang President ng classroom namin dahil walang lumaban sa kanya ng nag-elect kami sa President.

Tumahimik naman kami at nagtungo sa kanya-kanya naming upuan. Itinuon ko sa kanya ang atensyon ko upang pakinggan ang kaniyang iaanunsyo.

“We are all aware that tomorrow is the start of the  Sport fest as well as foundation day, alam na naman natin ang magaganap 'di ba?” tanong niya. Napatango ang iba at ang mga iba naman ay sumagot sa kanya ng “Yes,”.

“This year, third year college ang naasign na may magrepresent as a Muse and Escort ng Business Management Department,” sabi niya. Sport fest at foundation day ay nagsasabay. Bale three days ito ang ganap. Syempre hindi mawawala ang Muse at Escort per Department at sila rin ang sasabak kung sino ang magiging Mr. and Ms. Salvero International University for this year.

Kami nina Sofia at Shainah ay may sport na sasalihan na which is Volleyball habang si Vince ay Basketball. Ako ang Volleyball Captain ng Department namin kapag Sport Fest. Ako rin ang Captain ng University sa Volleyball kapag may Competition outside the University. Ako ang spiker ng team, si Shainah naman ay blocker at si Sofia ay setter ng Team.

 
Sa walang nasalihan na sports, sa club sila nasali tulad ng editorial club, music club at iba pa. Editorial club, ang mga nasali diyan ang nakaasign sa gaganaping event. Music club incharge sila sa pagtutugtog, obviously. At may pa-food stalls ang ibang club at kung ano-anu pa. Dahil sport fest at foundation day ay big event ng University pwede rin makapasok ang mga outsider para manood sa mga gaganapin.

Ang bilis ng panahon, parang kamakailan lang ang opening tapos ngayon, ganap na ang big event ng University which is Sport Fest at Foundation Day.

“May napili na ba kayo kung sino ang sasabak na magrerepresent sa atin?” He said and wandered his gazed to all of us.

“Pressss!” malakas na sigaw ni Shainah at itinaas pa ang kamay. Napatakip pa ako sa tainga ko dahil sa lakas ng sigaw niya.

“Pres!” tawag ng iba at itinaas ang kamay nila, habang ako ay tahimik lang dito sa gilid.

“Wait!” Gio shouted, he even raised his hands to shut them up.

 
“Isa-isa lang, mahina ang kalaban, So sino ang napili niyo?” Tanong niya at inisa isa niyang tinuro ang mga nagtaas ng kamay.

 
“Samantha!” Sigaw ni Vince.

“Samantha!” sigaw ng ibang classmate ko.

“Sofia!” “Micah!” nabanggit din nila si Sofia na tahimik lang na nakikinig. Pati rin si Micah, ang loner sa aming classroom.

“Shainah!” ayan ang mga pangalan na binanggit nila.

“Sa dami ng napili niyo, magvote na lang tayo, kung sino ang mananalo siyempre siya ang automatic na Muse representative ng Business Management Department.” Sabi ni Vince at tumalikod na, kinuha niya ang pentelpen at nagsulat na siya sa whiteboard. Isinulat niya ang pangalan ng mga namention kanina.

In a Secret Relationship With My Professor (Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon