Ilang oras pa akong linamon ng isipan ko bago ko napagpasyahang magbihis na at umuwi. Tinignan ko ang relo ko at nakitang alas otso na pala. Buti nalang pala kumain ako kanina bago ako pumunta dito.
"Uhmm..Fauzia"
Nilingon ko ang isang magandang babae na tumawag sa akin. Nahihiya yata siya. I remember she's also a model before.
"Invite lang po namin kayo--hal wait nakakaintindi kaba ng tagalog?"
Natawa naman ako doon at tumango sa kaniya
"Hayss buti nalang. Sama ka ba? "
"Saan?"
"After party. Sa bar malapit dito"
Ilang segundo pa akong nag-isip bago pumayag sa anyaya niya. Sumama ako sa kaniya palabas at sobrang palakwento niya. Nahihiya pa daw siyang ayain ako kanina dahil baka busy ako kaya natawa nalang ako.
I texted my manager also that I'm going to a bar. She just reminded me not to make an issue so...
Nang makarating kami sa bar ay maingay na. Napatingin sa amin ang mga nasa loob at agad na nagpakilala ang mga nasa loob. Wala akong kilala. Of course. Umakyat kami sa taas dahil doon daw ang VVIP na nireserve nila. Pagkadating namin doon ay nandon din ang ibang modelo kasama yung babaeng assummera.
Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa at kung hindi ko pa pinigilan ang sarili ko ay pagtatarayan ko na 'tong babaeng to. She's insulting me with that. Iniwas niya naman ang tingin sa akin pagkatapos gawin 'yon at uminom sa inumin niya.
Hinila ako ni Daphne, yung nagyaya sa akin papunta sa U couch na katabi lang. Nagsimula nang ilapag ang inumin sa lamesa namin.
Noong una ay pa unti-unti lang ang iniinom ko pero kalaunan ay napapadami na yata ako. Parang gusto kong magpakalasing ngayon sa dami ng iniisip ko.
Unang-una si A! Kailan ko ba siya makikita?! Impossibleng hindi niya alam na nandito ako! The news about me being here is all over the national tv and social media sites. Ayaw niya ba akong makita? Bakit? Ngayon ko lang din naisip na pwede naman palang hindi ko siya hanapin! Mahahanap niya naman ako kung gusto niya! Pero bakit hanggang ngayon hindi pa din siya nagpapakita sa akin? Ayan tuloy, nagkagusto na ako kay Axel!
Isa pa yang lalaking yan! He's giving me mix feelings! He doesn't even like me but why does he act like he do?! He already have his ex-girlfriend! Why does he always bother me?! I hate him!
He's giving me hope and I don't like it! Biglang nangilid ang luha ko habang tinitignan ang inumin ko. Men. Why are they giving me headache?! This is why I don't involve myself with men! They're nothing but a bunch of cowards and assholes!
Tinaas ko ang inumin ko at binangga sa baso ni Daphne na tumatawa din ngayon. Lasing na din. Iinumin ko na sana ulit ang shot na 'yon nang may kumuha 'non sa kamay ko.
"The hell!"
Nilingon ko kung sinong kumuha non at nang makitang si Axel 'yon ay mas lalo akong nagalit. He looks angry now. He looked pissed before but now he's angry.
"What?!"
Binawi ko ang baso at iinuman na sana 'yon nang hinablot niya ulit iyon at tinapon ang inumin sa loob non. Nanlaki ang mata ko sa ginawa niya at nagulat din ang mga kasamahan ko na nandito siya at nakita ang ginawa niya.
Lumapit si Lara sa gilid niya ngayon, tinitignan kung anong nangyari. Napatingin sa akin si Lara at hindi ko alam kung saan siya kumukuha ng lakas ng loob na ngumisi ngayon pagkatapos makita ang ginawa ni Axel ganina.
"You're drunk. Let's go"
Hinawakan niya ako sa palapulsuhan ko kaya napatayo ako. Kinuha niya ang purse ko at hihilahin na sana ako paalis doon pero marahas kong binawi ang kamay ko mula sa kaniya at matalim siyang tinignan
YOU ARE READING
Fated Stars
RomansNo matter how much suffering you've been through, you never wanted to let go of those memories from the past. Xianna Fate Villegas, the inborn rich and supermodel with no memories from the past decided to go back to her home country to answer the qu...