The following days were almost the same. Bland. Boring. Wala akong ibang ginawa kundi ang papangitin ang pangalan ko dito. My scores in our tests are terrible and I don't even care even a bit.
"Ms. Villegas, do you have any problem? Your past grades are really high why are you failing this time?"tanong sa akin ngayon nang teacher ko
Hindi ko siya pinansin at binaling nalang sa iba ang pansin ko. I'm rude, yes. Pero mas mabuting itikom ko ang bibig ko para wala akong masabi na pagsisihan ko lang.
"Goodafternoon, ma'am"
Napalingon kaming dalawa ngayon sa lalaking papalapit sa amin. Umirap agad ako sa kaniya. The annoying guy.
"Ah! Good timing, Axel. Can you tutor Xianna here?"
Hindi makapaniwalang tinignan ko ang teacher namin ngayon. She's just looking at him kaya tinignan ko din siya na nasa akin pala ang paningin. Binaling niya ngayon ang tingin sa teacher tsaka ngumiti. Tsk. Sipsip.
"Sure ma'am. We're also friends so that might be convinient for her"he said
Sinamaan ko siya ng tingin ngayon at wala siyang pakealam doon. This part of him is really annoying. No matter how bitchy I get, he just doesn't care. I might be imagining it but I think he finds it interesting.
"That's great. Axel is actually the top student of this school so he could really help you"
Ugh! Gusto ko nang umalis dito. He's arogant face makes me want to punch him. He's really annoying.
Sabay pa kaming lumabas sa office. Nauna na akong maglakad sa kaniya. Nakasunod pa din siya sa akin kaya inis ko siyang tinignan ngayon.
"What do you want?"
"Huh? My classroom is also this way"
Uminit ang pisngi ko dahil sa hiya. This guy! Sinadya niya talaga 'to. Tuwang tuwa pa siya ngayon!
Lumayo ako nang sinabayan niya akong maglakad ngayon. Panay ang sulyap niya sa akin. At kahit wala naman siyang ginagawa ay naasar ako sa pagmumukha niya. He's handsome and all but he's really annoying.
"After class. We'll start your lesson with me"sabi niya ngayon
Sino siya para manduhan ako? Bahala siya. I'm not even dumb. Nagpapabagsak lang naman ako para ipaalis na nila ako dito pero parang wala yata silang balak paalisin ako at talagang binigyan pa ako ng tutor.
"Bakit sila magkasama?"
"Napapansin ko madalas silang magkita simula nung magtransfer siya"
"Maganda siya kaya baka gusto siya ni Axel"
"Gusto ba ni Axel yung may masamang ugali?"
I immediately eyed the girl who said that. Nanginig naman siya ngayon sa takot at umalis sila ng alipores niya. Cowards. They only know how to talk behind people's back. Disgusting.
After the girls left, siya naman ang binalingan ko. Sinamaan ko siya ng tingin at inirapan bago pumasok sa classroom. Natahimik naman silang lahat sa loob kaya hindi ko na pinansin.
"Anong sabi?"salubong ni Charmaine nang makaupo ako
"They let Mr. A tutor me"
Naramdaman kong natigilan si Charmaine doon at kalaunan ay mahinang natawa at ngumiti sa akin.
"Ah si Axel. Matalino 'yon. Siya yung pinakamatalino dito kaya paniguradong matutulungan ka niya"
I rolled my eyes.
YOU ARE READING
Fated Stars
RomansNo matter how much suffering you've been through, you never wanted to let go of those memories from the past. Xianna Fate Villegas, the inborn rich and supermodel with no memories from the past decided to go back to her home country to answer the qu...