NINETEEN

7 1 0
                                    

Maaga akong nagising at nag-ayos kinabukasan. Exemption muna sa pagiging simple today, sinuot ko ang mga branded clothes ko. Pinili ko lang yung pinakasimpleng dress na meron ako. Nagsuot din ako ng heels at kinulot ko sa baba ang nakalugay kong buhok. 

Bumaba na ako at sumabay na kaming kumain ng stepmom ko. Nagpaalam agad ako at excited na pumara ng tricycle papuntang school.

Papapasok palang ako sa gate ay sobrang ingay na nang paligid. Binabati ko ang mga kakila komg nadadaanan ko. Walang nakauniform ngayon kaya nanibago ako sa kanila.

Papapalapit pa lang ako sa classroom ay nakita kong busy na ang boys sa pagkabit ng mga desenyo sa labas ng room namin. Nang pumasok ako ay sinalubong agad ako ni Charmaine na nagkakabit din ng desenyo kanina.

"Wow! Ms. Intrams, blooming tayo ah! I mean, maganda ka na naman talaga pero iba yung glow mo ngayon ah" sabi niya at hinead to toe pa ako

Tumawa lang ako at hindi na siya pinansin. Tumulong din ako sa pagdedesenyo ng classroom namin. Ilang minuto pa ay dumating na ang may dala ng costume namin. Excited naman silang lahat na sinuot 'yon. Wala na din akong nagawa dahil hinila na ako ni Charmaine para magbihis.

Huli akong lumabas kaya napatingin silang lahat sa akin. Nahihiya kong inayos ang damit tsaka sila binalingin. Nagcheer sila agad kaya mas lalo akong nahiya. Panay pa ang palakpak ni Charmaine ngayon at ngiting ngiti tsaka ako kinunan ng picture.

"Send ko 'to sayo mamaya"sabi niya pa

Nang magalas otso na ay handa na kaming lahat para buksan ang booth namin. Madami ding taga-lower grade ngayon ang pumipila para bisitahin ang booth namin.

"Good morning, my lady. Please enjoy your stay" bati ko sa babaeng taga lower grade

Nakangiti siyang pumasok ngayon. Tinignan ko ang loob at madami nang tao. Kita ko pang tuwang tuwa talaga si Charmaine dito sa ginagawa namin ngayon.

"Good morning, master. Please enjoy---"

Natigil ako sa pagbati ngayon nang inaangat ko ang tingin at nakitang si Axel 'yon. He's wearing a polo shirt with a red badge in his right arm. He smirked at me after hearing me say those words. My face immediately flushed because of embarassment. What the hell?!

"Master, huh?"nakangisi niyang sabi ngayon

Natuptop ang bibig ko at hindi na nagsalita pa. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa tsaka inangat ang tingin sa mukha ko at ngumisi. Hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya masama ko siyang tinignan ngayon. Tumawa lang naman siya kaya mas lalo akong nainis.

"Axel! Patrol ba? Pasensya ka na ginawa muna naming maid yung my lady mo!"sigaw nang isang kaklase ko na nagluluto ngayon

I was assigned to greet in the entrance kasi hindi naman ako marunong magluto. Naka assign na din ang ibang kaklase ko at ito lang ang pwede kong gawin dahil wala naman ako nung nagplano sila dahil sa practice ko sa Ms. Intrams kaya wala akong choice kundi ang bumati dito sa entrance at magserve sa mga studyante! Natatapakan talaga ang pride ko dahil dito! Dagdagan pa ng costume! Mag-aaral na talaga akong magluto para next time hindi ako mahihiya ng ganito!

"Oo nga Axel! Di ka ba papasok? Ayaw mo bang pagsilbihan ka ng my lady mo?" nang-aasar na tanong ngayon ni Charmaine kaya sinamaan ko siya ng tingin

Hinawakan ni Axel ang ulo ko ngayon kaya inis akong napalingon sa kaniya, ngumisi lang siya. He patted my head! Like how a master do to his loyal dog!

"Huwag na. Baka makakita pa kayo ng maid na nagalit at pinalayas ang amo niya" biro niya kaya tinampal ko ang kamay niya na nasa ulo ko

Inis ko siyang tinignan ngayon pero nakangiti parin siya. Kabanas. Pinagtitripan niya talaga ako ngayon.

Fated StarsWhere stories live. Discover now