Maaga akong gumising ngayon. Hindi na ako nag-almusal at tumulak nalang papuntang skwelahan. Hindi din ako nagcommute. Naisipan ko lang maglakad papunta sa school ngayon.
Kakasikat lang ng araw kaya wala pa masyadong sasakyan na napapadaan. Ngayon ko lang narealize na isa lang ang nagustuhan ko sa pagpunta ko dito. Yun ay ang pagiging tahimik ng lugar na ito. The peacefulness of this place made me feel relaxed.
May mga studyante din akong nakakasabay ngayon papasok sa school. Nagulat yata sila na maaga ako ngayon.
Pagdating ko sa classroom ay konti palang kami. Kagaya nang mga studyante kanina nung papasok ako ay nagulat din sila. Hindi ko sila pinansin at umupo sa upuan ko. Yumuko ako sa lamesa at pinikit ang mga mata ko.
Kakasimula palang ng umaga pagod na ako. Ganito ba talaga kapag ayaw mo sa lugar, wala ka pang ginagawa nakakapagod na.
"Oh! Xianna! Good morning! Ang aga mo ah!" masiglang bati ni Charmaine ngayon kaya napaangat ako ng tingin sa kaniya
"Good morning"bati ko tsaka bumalik sa pagkakayuko
Tahimik si Charmaine kaya nilingon ko siya ngayon. Nakatayo pa din siya sa harapan ko. I gave her a confuse look kaya natauhan siya at umupo sa upuan niya tsaka humarap sa akin.
"Binati moko"hindi makapaniwalang saad niya
I probably had no choice but to get along with people here. Charmaine is not bad. Mabait siya kahit sinusungitan ko siya. Yun nga lang masyado siyang mabait kaya natetake advantage siya ng mga tao. Very different form me.
"Is it bad?"tanong ko sa kaniya ngayon
"No! Syempre hindi! Masaya lang ako" sabi niya ngayon tsaka ngumiti
"Oh Axel!" tawag niya ngayon sa kung sino man ang nasa pintuan
Masyado talaga siyang agaw atensyon. Kapag nandyan siya lahat ng atensyon nasa kaniya. Kinalma ko ang sarili ko at tinignan siya. Weird that I didn't feel anything when I saw him.
Nang magtama ang paningin namin ay wala akong naramdaman na kahit ano. I'm probably tired of being angry at him. Syempre hindi ko pa din nakakalimutan ang sinabi niya sakin kahapon. Something about his words hit like a dagger in my heart yesterday.
Actually, I get his point. They're poor so they probably think having money will make them happy. Money will make you happy of course, but one thing I know for sure is that money won't complete you. Kaya ganon nalang ang galit ko sa kaniya nang sabihin niya 'yon.
Kapag marami bang pera kailangan masaya na at kontento na sa buhay? I'm sorry then but that's not me. Palagi akong tinatawag na matapobre, maarte at demonyita. Hinahayaan ko lang sila pero ang totoo napapaisip ako kung may tao bang nakakakita na hindi lang ako isang matapobre, maarte at demonyitang babae?
Nanatili ang tingin namin sa isa't-isa habang papasok siya ngayon sa classroom at lumalapit sa banda namin. Tumigil siya sa harap ko kaya tiningala ko siya mula sa pagkakaupo.
What does he want again? I'm not in the mood to fight with him. I'm also not in the mood to get angry now. I just want to relax and be at peace today. I'm so tired.
"Narinig ko maaga ka daw dumating. Kumain ka ba?" yan ang unang lumabas sa bibig niya ngayon
Hindi ko alam kung sinasadya niya bang marinig nang lahat yon pero wala na akong pakealam. Binaling ko ang tingin ko sa harap at nakatingin lang silang lahat sa amin. Hindi ko siya pinansin at nanatiling tahimik.
"Here. Maliit lang yan na pagkain pero magkakalaman ang tyan mo nyan. Sorry din kahapon"
Napalingon ako sa kaniya ngayon pero dali-dali na siyang umalis at iniwan sa mesa ko ang supot ng pagkain sa harap.
YOU ARE READING
Fated Stars
RomanceNo matter how much suffering you've been through, you never wanted to let go of those memories from the past. Xianna Fate Villegas, the inborn rich and supermodel with no memories from the past decided to go back to her home country to answer the qu...