Tulala ako sa mga lumipas na araw. Charmaine is treating me coldly. Dustin is still the same as before. And A...is slowly slipping away from me.
"Xia! Let's have lunch?"aya ni Dustin
Tinignan ko si Charmaine ngayon na tumayo na at naunang maglakad. Si Zamora naman ay binalingan muna ako bago sinundan si Charmaine na nakalabas na.
"A, hindi ka pa ba maglalunch?"tanong ko sa lalaking nasa harap ko
Humarap siya sa akin. Tinignan niya muna si Dustin bago binalik ang tingin sa akin at ngumiti. Yung ngiting kahit kailan ay ayaw ko ng makita pa
"Mauna na kayo. May pinapagawa pa si ma'am eh."hilaw na ngiti niyang ani sa akin
I don't know what to do in this kind of situation. Ito ang unang beses na nakaranas ako ng ganito. Dahil walang alam sa kung anong gagawin ko ay nanatili akong nakatayo at tulala na naman.
Hinila na ako ni Dustin palabas at lumilipad pa din ang utak ko. Pagkadating sa cafeteria ay nakita kong nakaupo sina Charmaine sa upuan ng mga kaklase ko. Naupo kami ngayon ni Dustin sa upuan na kung saan kami lang dalawa ang magkaharap.
Habang pabalik si Dustin ngayon galing sa pagkakaorder ay tinitigan ko siya. Dustin. Gusto kong isipin na wala nga siyang ginagawa pero laging pumapasok sa isipan ko ang mga katagang binitawan ni Charmaine noong araw na 'yon.
"Dustin, what is your real purpose of coming here?"I asked him unconciously after he sat down.
His brows furrowed in an instant because of my question. "What do you mean,Xia?"
"You have a life in the city. Unlike me you have a lots of friends there. So why are you here?"
Unti-unting nagbago ang expression niya dahil sa dagdag kong tanong. Biglang nanlamig ang expression sa mukha niya ngayon habang tinitignan ako.
"I told you, I am here because I want to stay with you. Why are being like this, Xia?"malamig niyang tanong
Umiling nalang ako at hindi na nagsalita pa. Naramdaman kong nagmamasid si Dustin sa mga kilos ko ngayon. I tried to act as normal as I usually do but I just couldn't.
"Xia? Is something bother you this past few days?"tanong ni tita sa akin isang araw
Sasagutin ko na sana si tita pero nang makita kong bumaba si Dustin mula sa hagdanan ay sinara ko ang bibig ko.
I smiled at tita. "Nothing, tita. Just school stuffs"
Sa bawat araw na nagdaan ay mas lalong bumibigat ang nararamdaman ko. Mas lalong dumadami ang isipin ko. At mas lalong nagiging masama ang tingin ko sa sarili ko.
Charmaine is still cold to me. Dustin is very cautious now. And A is acting like everything is fine even though its not. Hindi ko na alam kung anong mas masakit sa tatlo.
"Fate"
Nag-angat ako ng tingin sa kaniya ngayon. Lumiwanag agad ang mukha ko dahil sa pagtawag ko. Nahagip ko sa gilid ng mata ko na nakatingin si Charmaine at Dustin sa amin.
"Sabay na tayo umuwi"nakangiti niyang yaya sa akin
Agad akong tumayo at nagligpit ng gamit ngayon. Nang matapos sa pagliligpit ay nakangiti ko siyang hinarap. Hinawakan ko na ang kamay niya at hinila na siya palabas dahil sa excitement. Hindi ko man lang inalala si Dustin na palagi kong kasama na umuwi nitong mga nakaraang araw.
Masayang-masaya akong naglakad ngayon pauwi habang hawak ang kamay niya. Tahimik man kaming dalawa pero ang kaalamang nasa tabi ko siya ngayon at hawak ang kamay niya ay sapat na sa akin para maging ganito kasaya.

YOU ARE READING
Fated Stars
RomanceNo matter how much suffering you've been through, you never wanted to let go of those memories from the past. Xianna Fate Villegas, the inborn rich and supermodel with no memories from the past decided to go back to her home country to answer the qu...