It's been almost a year since A and I engagement. We really let our wedding to happen last because we want everything to be settled already.
Our house is already married. Of course, it finished quickly because he's the one who engineered it. Plus Charmaine is the Architect.I didn't do anything, he just asked me if the house's design was okay for me and of course it was okay, it was Charmaine's design afterall.
"Are you done packing?"he asked
Ngumiti aki at tumango. Uuwi kami ngayon ng probinsya. Ang sabi ni Axel may highschool reunion daw na nagaganap kaya napadesisyunan naming umuwi.
Napadesisyunan din namin na doon na magpakasal. I smiled thinking about it. Ang lugar kung saan kami nagsimula. Ang lugar na naging saksi ng pag-iibigan namin. Ang lugar kung saan natapos ang unang parte ng storya namin. At ang lugar na gaganapan ng kasal namin na panibagong yugto ng buhay naming dalawa.
"Nakikita mo pa ba yung mga kabatch natin noon kapag umuuwi ka ng probinsya?"tanong ko sa kaniya nung nasa sasakyan na kami
"Yung iba. Yung iba naman sa syudad ko lang nakikita"sagot niya
Tumango-tango ako. I wonder if they still know me.
"Do you think...they still know me?"mahina kong tanong
Lumingon siya sa banda ko at natatawang binalik ang tingin sa daan.
"Sino pa bang hindi nakakakilala sayo?"natatawa niyang ani
I pouted. Oo nga naman. Kahit naman hindi nila ako kabatch ay kilala nila ako dahil nga sa trabaho ko.
Sinandal ko nalang ang ulo ko umidlip dahil mahaba-haba pa ang byahe. Pagkagising ko ay maliwanag na. Pagkatingin ko sa labas ay agad akong napangiti sa pamilyar na nararamdaman.
Binuksan ko ang bintana at nilanghap ang sariwang hangin ng probinsa. The vast greenlands are still there. Malinis pa din ang paligid pero mas marami na nga lang bahay ngayon kaysa noon.
Tumigil ang sasakyan sa harap ng bahay kung saan ako lumaki bilang isang babae. Pagkababa ko ay tinitigan ko ang bahay namin. It looks old already but it still looks pretty.
"Xianna! Axel!"tawag ni tita sa entrance ng bahay namin
Lumapit ako sa kanila habang si A naman ay kinukuha ang mga bagahe ko. Hinalikan ko sa pisngi si tita at si dad na nakatayo na sa gilid niya ngayon. Bumati si A sa kanila at pinapasok na kami sa bahay.
"You'll stay at your place?"tanong ko kay A nung nasa kwarto ko kami at inaayos ang mga gamit
"Do you want me to stay here?"tanong niya pabalik
Umiling ako at ngumiti. "You should be with your family. They must have missed you so much"
Ngumiti siya at tumabi sa akin para tumulong sa pagliligpit. Nang matapos kami ay nagbihis na ako para sa lakad namin mamaya.
"Dad, tita, alis na kami"paalam ko sa kanila
They know we're going to Axel's place for today. Alam din nilang aattend kami ng reunion pagkatapos naming dumalaw kina A.
"Ingat kayo"
Agad kaming tumulak ni A papunta sa kanila. Tinahak namin ang pamilyar na daanan papunta sa kanila. Nang huminto kami sa harap ng isang maliit na pasilyo ay natanto kong hindi sila lumipat. Yun pa din ang lugar nila.
Dala-dala ang mga regalo na binili namin ay bumaba ako ng sasakyan. Kinuha niya ang iilan sa mga dala ko at ang hawak ko lang ay yung regalo ko kay Astra.
"Axel! Buti nakabalik ka ulit dito!"
"Balita ko ikakasal kana!"
Sinalubong siya ng iilang kabit-bahay nila. Binalingan nila ako ngayon kaya magalang akong ngumiti at yumuko.
YOU ARE READING
Fated Stars
Storie d'amoreNo matter how much suffering you've been through, you never wanted to let go of those memories from the past. Xianna Fate Villegas, the inborn rich and supermodel with no memories from the past decided to go back to her home country to answer the qu...