TWENTY

7 1 0
                                    

Ang pangalawang araw ng intrams namin ay para sa mga sports at Mr. And Ms. Intrams. Ang umaga ay para sa mga sports event habang ang hapon naman ay para sa pageant.

Nandito kami sa classroom ni Charmaine ngayon at tumatambay. Wala akong ganang manood ng kahit anong sports event ngayon kasi wala din naman akong papanoorin. May mga kaklase naman akonh sumali pero hindi naman ako interesado.

Tinignan ko si Charmaine ngayon na kanina pa busy sa cellphone at mukhang may katext yata. Sinamahan niya nga akong tumambay dito pero nasa iba naman ang atensyon niya.

Nang makarating din ako dito sa school kanina ay hindi ko man lang nakita si A. Walang ni isang anino niya man lang ang nagpakita sa akin ngayon. Ayaw ko naman siyang itext dahil baka isipin niya hinahanap ko siya.

"Tara, punta tayong basketball court! Malapit na magsimula game nila"aya sa akin ni Charmaine ngayon na ikinakunot ng noo ko

"Nila? Sinong nila?"nagtataka kong tanong ngayon

Naguguluhan niya akong tinignan tsaka biglaang suminghap.

"Hindi mo alam?!"gulantang niyang tanong

"Ang ano?"naguguluhan ko pa ding tanong

Natigilan siya saglit. Nakahawak pa siya sa bibig niya na para bang gulat siya sa sinabi ko. Kalaunan ay biglaang tumawa kaya mas lalo lang akong nagtaka sa inaasal niya.

"Bumabawi!"saad niya sa natatawang boses

"Si Axel! May laro 'yon ngayon! Hindi yata sinabi sayo! Bumabawi!"tawang tawa niyang sabi ngayon

Axel?! Basketball?! Matalino na nga siya sporty pa?! Hindi niya sinabi sa akin! Bumabawi ba siya kasi hindi ko sinabi yung pagsali ko ng Ms. Intrams?

"Mukhang hindi mo talaga alam! Tara na! Tsaka muna yun sungitan kapag natapos na yung game!"

Sabay kaming tumayo at naglakad papunta sa basketball court. Hindi naman ako galit. Ayos lang naman kahit hindi niya sinabi sa akin. Ganon din naman ang ginawa ko.

Hindi pa kami nakakarating doon ay marami nang tao ang nakapaligid sa court. Walang hiya hiya na sumingit si Charmaine habang hawak hawak ako sa kumpulan ng mga tao doon.

Nang makadating kami sa harapan ay nakita ko agad si A na nakajersey. Kasama niya ang team niya ngayon at mukhang may pinag-uusapan yata.

"Axel!" tawag ngayon ni Charmaine sa kaniya

Bumaling siya sa banda namin at nakita kong medyo nagulat siya na nandito kami ngayon. Patakbo siyang lumapit sa banda namin ngayon at tumigil sa harap namin.

I crossed my arms, slightly raising a brow at him. Nakatingin lang siya sa akin ngayon, nagtataka yata pano nalaman na nandito siya ngayon. Bestfriend mo yung kaibigan ko kaya syempre malalaman ko. O baka naman alam niya nang malalaman ko talaga kay Charmaine, kunwari pa 'to.

"Dinala ko siya dito. Sorry hehe. Akala ko nagbibiro ka lang na ayaw mong manuod siya sa game mo"sabi ngayon ni Charmaine

Nagulat siya nang ibulgar siya ni Charmaine kaya hinila niya 'to palayo sa'kin. My brows immediately raised now getting annoyed because of what Charmaine said. He doesn't want me to watch his game? Bakit? Nakakadisturbo ba ako dito? Wala naman akong ginagawa ah.

"Ah! Kakabahan ka pag nandito siya?!"pagpaparinig ngayon ni Charmaine kaya nahila na naman siya

"Rinig mo yung sabi ko? Huwag kang mag-alala. Kinakabahan talaga yan pag nandito ka"sabi ni Charmaine ngayon nang makabalik siya sa tabi ko

"Kabahan? Diba dapat mainspire pa siya na galingan kasi nandito ako?"wala sa sarili kong sabi

Tsaka ko lang narealize ang sinabi ko nang tumahimik si Charmaine kaya binalingan ko siya. Unti unting sumilay ang malademonyo niyang ngisi ngayon at sumigaw

Fated StarsWhere stories live. Discover now