TWENTY-ONE

10 1 0
                                    

Ilang oras pa akong nag-iiyak don ay hindi pa din nauubos ang luha ko. Parang ang dami kong inipon na luha at ngayon ko lang nalabas.

Bigla kong naalala ang pag-iwan sa akin ni dad dito. Kung gaano siya kadissapointed sa akin kaya nagawa niya akong hayaan lang dito. Naiiisip ko ngayon na deserve ko talagang iwan niya dito dahil sa ugali ko noon.

Ngayon naman ay pagkatalo ko dito. Nabigo ko ang mga kaklase ko. Ang suporta nila sa akin. Ang puspusan kong practice na nabalewala lang.

At si A...na nasa tabi ko para suportahan ako. Si A na tumulong sa akin. Si A na lagi akong hinihintay pagkatapos ng practice. Nasayang ko lang ang effort niya at suporta niya sa akin

Bumukas ang pintuan ng classroom at tumambad ang taong iniisip ko ngayon-ngayon lang. Ang taong kahit kailan hindi ako binigo. Ang taong walang ibang ginawa kundi suportahan ako sa kabila ng ugali ko. Ang taong naging dahilan para mamulat ako sa reyalidad ng buhay.

Dahan dahan siyang naglakad palapit. At ngayon ko lang din napansin na may hawak siyang gitara. Naupo siya sa sahig sa harap ko ngayon at nakangiting nakatitig sa akin habang basang basa ang mukha ko ng mga luha.

Nilapag niya sa gilid niya ngayon ang gitara at dahan dahan na lumapit sa akin at inangat ang mukha ko para magsalubong ang tingin namin. Marahan at may pag-iingat niyang pinunasan ang luha ko.

Sumakit ang puso ko dahil sa ginawa niya kaya mas lalo lang umagos ang luha ko. Sobrang sakit ng puso ko ngayon habang tinitignan siyang marahan na inaalis ang luha sa mga mata ko ngayon pero kahit anong pagpapaalis niya doon ay napapalitan lang ng bagong mga luha 'yon.

Yumuko ako ngayon habang hawak hawak niya ang mukha ko. Hindi ko na napigilan at kumawala na ang mga hikbi ko. Nang maramdaman kong yumakap siya sa akin ay napahagulhol na ako.

"You did well. I'm so proud of you, Fate"  bulong niya habang hinahagod ang likod ko at hinahaplos ang buhok ko

Mas lalo lang akong naiyak sa sinabi niya. Sa mga salita niya pakiramdam ko hindi lang sa pageant ang nais niyang ipahiwatig. Sa tono ng boses niya parang sinasabi niya na proud siya buong pagkatao ko. Na para bang napakalaking achievement ng pinagbago ko dito.

Sa mga yakap niya sa akin ay bigla kong naalala ang kuya ko. Maliban kay Dustin ay si kuya lang naging kakampi ko noon. Lalo na sa bahay. Sa tuwing mag-isa akong umiiyak noon ay lagi niya akong niyayakap kagaya ng pagyakap sa akin ngayon ni A. Mahigpit at madamdamin.

Kalaunan ay kumalma na ako dahil sa yakap niya. Bumitaw ako sa kaniya at pinunasan ang luha sa mga mata ko bago bumaling sa kaniya.

"May sasabihin ka diba? Sabi mo nung nakaraan, may sasabihin ka pagkatapos ng contest. Sasabihin mo lang ba yun kung nanalo ako? Sorry, talo eh"sunod sunod kong sabi at napakamot pa sa leeg at ngumiti ng pilit

"Panalo ka. Panalo ka parin sakin. Kahit kailan hindi ka matatalo pagdating sa akin"seryoso niyang sabi ngayon

Ngumiti lang ako sa kaniya ngayon at naghintay sa sasabihin niya. Kinuha niya ang gitara at nilagay sa harap niya ngayon.

Nagulat ako na marunong pala siyang maggitara. Sa susunod aasahan ko na na alam niya na lahat para hindi na ako magulat.

Nagsimula na siyang magstrum ng gitara ngayon. At nang buksan niya ang bibig para kumanta ay nagkarerahan agad ang puso ko.

"Kung may taong dapat na
Mahalin ay walang iba kundi ikaw"

Unang banggit niya sa lyrikong iyon ay ganon nalang ang bilis ng tibok ng puso ko. Lalo na nang tinignan niya ako nang banggitin niya ang huling salita.

Fated StarsWhere stories live. Discover now