I din't directly went home. Hindi ako pamilyar sa lugar na 'to pero naglakas loob akong maglibot ngayon. Hindi pa nga pala ako nakapaglibot dito sa ilang buwan ko na panantili dito.
Hindi ko na alam kung saan ako napunta ngayon sa paglalakad ko. Nakarating ako sa simbahan. Luma ito pero maganda.
Napadpad din ako sa park nila dito. Hindi ko inaasahan na may nga ganito din pala sa probinsya. Akala ko puro kalabaw lang sila dito at kakahuyan.
Nang maghapon na ay umihip ang malamig na hangin. Napayakap ako sa sarili ko at sinikop ang buhok kong inihip din ng hangin. Ilang oras pa akong nakamasid sa tanawin sa harap ko bago ko naisipan na umuwi na.
Habang naglalakad ako ay tumigil ako. Hindi ko na alam kung paano umuwi! Nilibot ko ang tingin ko at naghanap ng tricyle. Nakita kong may nakaparada sa malapit kaya dahan-dahan akong lumapit doon.
"Oh ikaw pala hija!"saad ng driver sa akin ngayon
Siya yung driver na naghatid sa akin nung unang araw ko sa school. I gave him a small smile tsaka sumakay sa tricycle.
"Uuwi po ako, manong"sabi ko ngayon
Pinaandar niya na ang tricycle niya ngayon. Nagsimula nang umandar ang tricycle. Kasabay sa ihip ng panghapong hangin ay siya ding paglipad ng isipan ko sa kung saan.
Sumagi sa isipan ko ang nangyari kanina. Agad akong umiling at winaglit yun. Hindi ko dapat iniisip 'to. Wala akong pakealam. Wala dapat akong pakealam pero....
Hindi ko man lang napansin na nasa harap na pala kami ng bahay namin ngayon dahil sa layo nang nilipad ng isip ko.
Binuksan ko ang gate namin tsakantuluyang pumasok. Bago ko pa mabuksan ang front door ay binuksan na ito ng babaeng ayaw na ayaw ko sa buhay ko
"Xianna! Where have you've been? Your friends came---"
"I'm tired."I cut her off even though she sound really worried
Bumaba ang tingin niya sa leeg ko at kamay ko na may kalmot ngayon. Hinawakan niya ang mga 'yon at nag-aalalang tumingin sa akin. Inis ko binawi ang pagkakahawak niya ngayon at tinalikuran siya.
"Xianna, what happened? Who did this to you?" tanong niya
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad at hindi siya nilingon pa.
"Xianna!"
Nang makaakyat na ako sa hagdan ay tsaka ko lang siya nilingon. Walang emosyon sa mukha ko ngayon. Pagod na pagod na ako. Galit ako sa lahat ngayon pero wala akong gana para ipakita 'yon sa kanila.
"Stop acting like you're my mother. You are not and will never be"huling sinabi ko tsaka siya tinalikuran at nagpatuloy sa pag-akyat papunta sa kwarto ko
Kinabukasan ay nagising akong mabigat ang pakiramdam. Masakit ang ulo ko at umiikot ang paningin ko. Hinawakan ko ang sarili ko at naramdaman na medyo mainit ako.
Kahit ganon ang nararamdaman ay tumayo ako at naghanda papunta sa skwela. Papasok ako ngayon. Baka kapag lumiban pa ako isipin nilang mahina ako dahil lang sa nangyari kahapon. My pride could never take it. Them, looking down on me.
Pagkapasok ko pa lang sa gate ay pinagtitinganan na naman ako. Kahit pagkadating ko sa classroom ay nakatingin din sila sa akin. Tumingin ako sa banda nila Perry, takot naman siyang nag-iwas ng tingin ngayon
Sinalubong ako ni Charmaine nang pagbati pagkaupo ko sa upuan ko. Hindi ko siya binati pabalik. Hindi dahil hindi ko gusto kundi dahil nanghihina talaga ako ngayon.
Yinuko ko ang ulo sa mesa ko at pinikit ang mata ko dahil sobrang sakit ng mata ko ngayon. Sobrang init ng pakiramdam ko ngayon.
Hindi ko man lang napansin na nakaidlip na ako at hindi na nakapakinig sa klase. Sanay na naman sila sa akin kaya siguro hinayaan lang nila ako. Nagising nalang ako nung tinapik ako ni Charmaine.
YOU ARE READING
Fated Stars
RomanceNo matter how much suffering you've been through, you never wanted to let go of those memories from the past. Xianna Fate Villegas, the inborn rich and supermodel with no memories from the past decided to go back to her home country to answer the qu...