Bumalik ako sa table kung nasaan sina A at Charmaine. Nilibot ko ang tingin ko at hindi nakita si Fritz. Yung nakita ko kanina ay hindi matanggal sa isipan ko.
"What happened?"tanong ni A ngayon nang makaupo ako
Umiling ako at tinignan ang inumin sa baso. Love is really tricky huh? It's obvious how they both love eachother. Pwede naman nilang ipaglaban kung anong meron sila, bakit umabot sa ganito?
"Fate"tawag niya ulit
Nilingon ko siya at nginitian. Hindi ko siya masagot. Wala akong isasagot. Tumayo nalang ulit ako kaya napatingin silang lahat sa akin.
"Powder room lang"paalam ko
Naglakad na ako paalis. I can't get it off my mind. I don't have the right to interfere with their relationship. Plus...even though I know Fritz's is hurt, I just know I won't change his mind if I try to convince him. It would also be unfair to Freya since she's trying to move on now.
Nag-ayos ako sa powder room at agad na lumabas. I shouldn't think about it. This is what both of them have decided.
Habang naglalakad ako pabalik ay may narinig ako sa isang pasilyo. It was a silent sobbing. Sumilip ako ng kaonti sa maliit na pasilyo kung saan ko naririnig ang mga hikbing iyon.
Nanlaki ang mata ko nang makita ko si Fritz doon na nakaupo sa sahig. Nakayuko,mahigpit na hawak yung singsing na binigay ko kanina at tumutulo ang mumunting luha sa mga mata niya.
Inalis ko ang tingin sa kaniya ngayon at sumandal sa dingding. He's crying. Alone. In this small aile. Where no one can see him but apprantly I did.
Bumalik ako sa table namin na tulala ngayon. Nang makaupo ay hinarap ko si A na nag-aalalang tumingin sa akin ngayon. Dahan-dahan kong sinandal ang ulo ko sa balikat niya.
"Let's go home" mahina kong bulong
Hinaplos niya ang buhok ko at naramdaman kong tumango siya. Hinawakan niya ako at inalalayan na tumayo.
"Uuwi na kami. Char, pakipaalam nalang kami sa mga Segmundo at Lapaz"ani niya
Nakita kong tumango si Charmaine at nag-aalalang tumingin sa akin. Binigyan ko siya ng ngiti bago ako iginiya palabas ni A at sumakay na sa sasakyan niya para umuwi.
"Bakit...ako yung nasasaktan para sa kanila?"tanong ko habang nasa byahe kami
Hindi siya sumagot hanggang makarating kami sa condo. Nasa labas kami nang condo namin ng balingan niya ako.
"Do you want to stay with me for now?"mahina niyang tanong
Tumango ako. Nagbihis lang ako sa condo tsaka kumatok sa kaniya at pinapasok niya naman agad ako.
Kagaya ng lagi, naupo kaming dalawa sa sofa ng sala niya. He did his usual way of comforting me. I don't know why I'm feeling like this. I didn't know watching two people be hurt could also hurt me as well.
"Are you thinking about Freya and Fritz's situation?"malumanay niyang tanong
Tumango ako.
"Bakit ganon? Mahal naman nila yung isa't-isa, bakit hindi pwedeng maging sila?"baling ko sa kaniya
Bumuntong hininga siya tsaka hinawakan ang mukha ko.
"Fritz must have his own reason for giving up on Freya. We should just give the space. That's their decision"saad niya
Alam ko. Hindi ko lang maintindihan kung bakit hindi pwedeng magkatuluyan ang tao na may ibang estado? Ganon ba talaga? Kung ganon man ang pamilya ko mas pipiliin kong ipaglaban ang taong mahal ko kesa isuko siya. Naduwag ba si Fritz?
YOU ARE READING
Fated Stars
RomansNo matter how much suffering you've been through, you never wanted to let go of those memories from the past. Xianna Fate Villegas, the inborn rich and supermodel with no memories from the past decided to go back to her home country to answer the qu...