Hindi na ulit nagsalita si Dustin pagkatapos nung nagyari sa park kanina. Tahimik kaming naglalakad ngayon ni Dustin pauwi. Naisipan kong maglakad lang kami pauwi para langhapin ang sariwang hangin.
Nilingon ko sa likod ko ngayon si Dustin nang mapansinsin kong tumigil siya sa paglalakad. Ngayon ay nakayuko lang siya. Inangat niya din ang tingin sa akin kalaunan.
"Hindi ka na talaga babalik sa syudad?"tanong niya
I smiled. "Masaya na ako dito,Dustin"
He sighed. "If you're happy then I guess all I can do is support you"
My smile grew wider because of that. I know he would understand. He's been with me all these years, and I can say he's one the few people who would understand me.
"Pero...paano ako? You know that... I won't be able to live here. Are you gonna be okay?"
Tumango ako. "I will be. I did it the past year that you were not here, I'll be fine"
Bumalik ako sa paglalakad. Sumunod naman siya sa akin ngayon.
"All I want is for you to be happy always,Xianna"sabi niya ngayon sa likod ko
"I am happy"ani ko habang naglalakad pa din
"Because of him?"
Tumigil ako saglit. Inangat ko ang tingin sa langit na nagkukulay-kahel na. Maggagabi na pala.
"Because of them."ani ko tsaka siya nilingon at binigyan ng ngiti
"Just so you know, I'm always here Xianna. If you don't like being with him already, you can always go to me"sabi niya at seryoso ang tingin sa akin
I don't know why that sounded so weird for no reason. It's like he's telling me he likes me or what. I must be imagining things again.
Hindi na ako nagsalita nang sabihin niya 'yon. Hanggang makarating kami sa bahay ay walang salita na ang lumabas pa mula sa bibig namin.
"Xia! Pwede mo ba akong samahan sa history room?"nakangiti niyang sabi isang araw sa classroom
Nilingon ko si A ngayon sa harapan ko. Kausap ko siya sa mangyayaring intrams. Malapit na din kasi 'yon. Wala kaming gagawin dalawa sa umaga kasi wala naman siyang laro kaya nag-uusap kami sa gagawin namin
"Samahan mo na"sabi ni A ng nakangiti
"Babalik din ako"
Tumayo na ako at binalingan si Dustin. Minsan nagtataka na ako sa mga ginagawa ni Dustin simula noong magakausap kami. Pakiramdam ko sinasadya niyang yayain ako sa iba't-ibang bagay kapag kausap ko si A. Ayaw ko naman siyang pag-isipan ng masama kaya binabaliwala ko nalang.
"Anong gagawin niyo sa intrams? May plano kayo?" si Dustin ngayon habang naglalunch kaming lima
"May plano kayo,Xia?"baling ni Charmaine sa akin ngayon
"Hmm. Wala pang plano eh. May gusto ka bang gawin, A?"
Lumingon sa akin ngayon si Axel ngayon. Kanina lang ay malalim ang iniisip niya. Hindi. Noong nakaraang araw pa malalim ang iniisip niya. Hindi ko siya matanong tungkol doon dahil kapag gusto ko siyang kausapin tungkol doon ay lagi namang dumadating si Dustin para kausapin din ako.
"Wala pa kaming plano. Maglilibot lang siguro?"ani ni A ngayon
Nakatingin lang ako sa kaniya at inoobserbahan ang kilos niya. Its not like he's acting weird. Palagi lang talaga siyang malalim ang iniisip.
"Sa hapon may event si Fate, judging para sa ms. Intrams ng highschool, diba?"lingon niya sa akin ng nakangiti
Winala ko nalang sa utak ko ang mga iniisip ko. Ngumiti ako at tinango. Mukhang ako yata ang maraming iniisip sa mga nagdaang araw.
YOU ARE READING
Fated Stars
RomanceNo matter how much suffering you've been through, you never wanted to let go of those memories from the past. Xianna Fate Villegas, the inborn rich and supermodel with no memories from the past decided to go back to her home country to answer the qu...