It's crazy how fast time flies and how things progress. That one day, I only wanted to leave this place. I never thought that after spending more time here I've grown fond of the place and the people here.
Sa mga lumipas na buwan ay mas lalong umayos ang kalagayan ko dito. Maayos na din ang trato sa akin ng mga tao dito at marami na din akong naging kaibigan sa mga nagdaang buwan ng pamamalagi ko dito.
"Mayaman-mahirap tandem! Woh!"
Sabay kaming natawa ni A ngayon pagkatapos marinig 'yon mula sa schoolmate namin. Yan yung madalas nilang tinatawag nila sa aming dalawa. Wala lang naman sa amin 'yon kaya hinahayaan lang namin sila.
"Char!"tawag ko kay Charmaine ngayon na nauna kanina sa cafeteria
She waved at us. Lumapit kami sa kaniya at umupo sa bakanteng upuan sa harap niya ngayon. Kasama niya ngayon ang isang lalaki sa kabilang section. Nang-aasar ko siyang tinignan kaya tinawanan niya lang ako tsaka binigyan din ako ng makahulugang tingin at binaling kay Axel ang atensyon.
"Kamusta exam mo, Axel?"tanong ni Charmaine nang makaupo kami
"Tinatanong ba yan?"natatawa kong sabi bago nilingon si Axel na napangiti sa sinabi ko
Tumayo siya at lumingon sa akin ngayon.
"Anong gusto mo?"tanong niya habang nakatingin sa akin
"Ikaw daw"pang-aasar ni Charmaine
Pinandilatan ko siya ng mata pero tumawa lang siya kaya napairap nalang ako tsaka bumaling kay Axel.
"Kahit ano, hindi naman ako gutom"sabi ko sa kaniya
Tumango lang siya tsaka tumulak na para bumili ng pagkain. Tahimik ngayon ang lalaking nasa gilid ni Charmaine. Panay lang ang sulyap niya sa aming dalawa. Kapag kinakausap naman siya ni Charmaine ay mahina lang ang boses niya.
Naririnig ko din ang usapan tungkol sa dalawang 'to. Yun nga lang ay hindi ko masyadong pinapaniwalaan. Kapag tinatanong ko naman si Charmaine tungkol sa kanilang dalawa ay nababalisa siya. Napangisi nalang ako ngayon habang tinitignan silang dalawa. Nahuli ako ni Charmaine na nakatingin sa kanilang dalawa kay nagkibit-balikat lang ako.
"Kamusta ang Filipino mo Xia? Okay lang ba? Nahirapan ka ba sa pagsagot?"biglaang tanong ni Charmaine ngayon
I smirked at her. Natatawa siyang umirap ngayon dahil kahit hindi ko siya sagutin ay alam niya na ang sagot doon. Syempre hindi, magaling magturo yung isa diyan eh
Speaking of, pabalik na siya ngayon sa lamesa at dala-dala ang pagkain na binili niya. Ngumiti ako sa kaniya at nagpasalamat. Nilapag ko ang bayad ko na agad naman ikinakunot ng noo niya. Isasauli niya sana 'yon pero kinurot ko ang kamay niya at masama siyang tinignan kaya wala na siyang nagawa kundi tanggapin iyon.
Habang kumakain kami ay marami kaming pinag-usapan. Kahit papaano ay nagsasalita din naman yung lalaking kasama ni Charmaine pero most of the time ay talagang tahimik lang siya. Mahiyain yata.
"Alam mo ba, Axel? Iyang si Xia ginawa naming representative sa Ms. Intrams!"kwento ni Charmaine ngayon kay Axel
Napatingin siya sa akin pero nagpatuloy lang ako sa pagkain. Malapit na ang intrams namin. A is also starting to get busy aside sa exam na kakatapos lang kanina ay busy din siya para sa magaganap na intrams ng school. He's the president afterall. Hindi ko nasabi sa kaniya na ako ang magiging representative ng section namin para sa Ms. Intrams dahil busy siya.
"Talaga? Hindi niya nasabi sakin"
Nilingon ko siya ngayon dahil nahimigan ko ang pagtatampo sa boses niya ngayon. Parang yun lang eh.
YOU ARE READING
Fated Stars
RomanceNo matter how much suffering you've been through, you never wanted to let go of those memories from the past. Xianna Fate Villegas, the inborn rich and supermodel with no memories from the past decided to go back to her home country to answer the qu...