EIGHTEEN

5 1 0
                                    

Pagkauwi ko sa bahay ay nagbihis lang ako tsaka ng pambahay. Nagsuot ako nung heels na gagamitin at tsaka nagpractice ng paglalakad.

Kahit anong puri nila sa akin ay hindi talaga ako nakokontento sa lakad ko. I was born greedy of everything kaya siguro ganon.

Patuloy lang ang pag-eensayo ko nang may biglang kumatok sa pintuan ko. Sumilip ang stepmom ko doon kaya tumigil ako sa ginagawa ko.

"Uh..sorry to disturb you, Xia. I just want to ask what do you want for dinner. Pupunta akong palengke para mamili"sabi niya sa akin ngayon

Umupo ako sa couch na malapit sa akin tsaka tinaggal ang heels ko. Oo nga pala. Nakalimutan ko. She wasn't rich before she married my dad. Mahirap lang siya. She was used to simple life.

Nilingon ko siya ngayon. Nandoon pa din siya sa harapan ng pintuan ko at hindi pumapasok.

Maybe...I can ask her about living a simple life. Pwede naman sigurong magpaturo ako sa kaniya kung pano mamuhay ng simple? Magpapaturo lang ako sa mga bagay na ginagawa ng mahihirap. It's not like I'm doing this para bumagay ako kay Axel. I'm doing this for myself. Kasi...baka dito na talaga ako mamuhay. Kapag lumaki na ako hindi naman ako pwedeng umasa sa magulang ko kaya dapat siguro matuto na ako.

"S-Sasama ako"nahihiya kong sabi ngayon

Natigilan siya sa sinabi ko kaya nauna na akong bumaba sa kaniya.  Sumunod agad siya sa akin at masayang pumara ngayon ng masasakyan.

Nang makarating kami sa palengke ay sobrang ingay. Madumi din at may naamoy akong masangsang na baho mula sa kung saan. Napalunok ako ngayon at dahan dahan naglakad papasok.

Nilingon pa ako ng stepmom ko para tignan ang reaksyon ko ngayon sa mukha pero nagpanggap akong ayos lang ako. Tiniis ko ang lahat ng 'yon. Nilibot ko ang tingin at marami ngang binebenta doon. Sa unahan ay may mga nagbebenta din ng damit at laruan.

I just observed my stepmom as she choose foods that she will cook for tonight. Maingat siya sa pagbili ng mga pagkain at talagang tinitignan niya. Hindi ko napigilan na tanungin siya sa ginagawa niya, masaya niya namang pinapaliwanag sakin 'yon at kahit papaano ay natututo ako sa sinasabi niya.

"May gusto ka pa bang bilhin?"tanong niya sa akin ngayon  matapos niyang bilhin ang mga kakailanganin niya

Napalingon ako sa banda na may nagtitinda ng damit. Tinuro ko 'yon sa kaniya. Mababasa sa mukha niya na hindi niya inaasahan 'yon pero ngumiti din siya sa huli at sinamahan ako doon.

May nakita pa ako doon na kaeskwela ko na nagulat nang makita nila ako doon. Binati pa nila ako kaya bumati din ako sa kanila. Nakatingin lang ako sa mga damit na nakahanger doon at hindi alam kung paano pumili.

"Is this...thrift clothes?"tanong ko nang binalingan ko siya

Ngumiti siya at tumango sa akin ngayon. "Ukay-ukay kung tawagin nila"

Tinignan ko ang isang damit na nasa hanger. It looks okay. Simple lang. I looked at the price and its so cheap! It's even cheaper than my notebooks!

"Uh...can you help me choose?"tanong ko sa kaniya

Lumiwanag ang mukha niya at masayang tumango at tumungo sa banda ko para maghanap ng damit na babagay sa akin.

Ilang oras pa kami doon bago namin napagdesisyunan na umuwi na dahil maggagabi na. Andami kong binili na damit pero mura lang ang nabayaran ko.

Nang makarating kami sa bahay ay tumulong pa ako sa pag-aayos ng mga kasangakapan na binili niya. Nanunuod din ako sa kaniya na nagluluto ngayon. Baka may matutunan ako. Next time nalang ako magpapaturo.

Fated StarsWhere stories live. Discover now