TWENTY-SEVEN

6 0 0
                                    

The whole crowd of the school started cheering for me as the host for today's event called me as the Ms. Intrams for this year.

Time passed by like a wind in summer. I spent my past months happily with the people around me.

I waved at all of them as the former Ms. Intrams put the crown on me. I smiled and waved at my classmates cheering loudly for me at the side.

Nang matapos ang ilang batian ay dali-dali akong pumunta sa banda ng mga kaklase ko. Patakbo akong lumapit sa kanila na naghihintay sa akin ngayon.

"Galing! Sabi na eh mananalo ka"ani ng class president namin at pumalakpak sila ngayon

"Bumawi ah!" si Charmaine

Ngumiti ako at tinignan ang lalaking naging inspiration ko sa lahat. Nakangiti siya sa akin ngayon at kahit wala siyang sabihin ay alam ko na ang tumatakbo sa isipan niya ngayon. Mas lalong lumapad ang ngiti ko dahil doon.

"Congratulations"ani niya ngayon

Walang kapantay na ang ngiti at saya ko ngayon sa isang salita niya lang na 'yon.

"Congrats lang? Wala bang pakiss dyan,Axel?" asar ng kaklase ko sa kaniya

Tumawa kaming lahat doon at binalewala lang namin ni Axel 'yon. Nasasanay na din kami na madalas nila kaming asarin kaya hinahayaan na namin.Pumunta siya sa gilid ko ngayon at pasimpleng nilagay ang kamay sa likod ko.

Bumalik kami sa classroom namin at nagcelebrate. Habang nagkakasiyahan sila ay napansin kong nawala si A sa kalagitnaan. Bumalik din kalaunan at napangiti na naman ako nang may dala siyang bulaklak ngayon kaya ayon na naman ang asaran.

"Taray! May hinanda pala!"si Charmaine na nang-aasar ngayon

"Syempre meron yan!"dagdag pa ng kaklase ko

Binigay niya sa akin ang bulaklak ngayon. It was just a small boquet of roses but I appreciate it so much. May bulaklak na ako galing kanina sa pagkapanalo ko pero mas gusto ko 'tong bulaklak na bigay niya.

Habang nagkakasayahan ang mga kaklase ko ngayon ay nandito lang kami sa likod nakaupo. Hinalungkat ko ang bag ko at kinuha doon ang regalo ko sa kaniya.

Inabot ko sa kaniya ngayon ang isang silver locket necklace na may picture naming dalawa sa loob. Tinignan niya muna ako bago tinanggap 'yon. Binuksan niya 'yon at sumilay agad ang ngiti sa labi niya nang makita ang nasa loob non.

Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako paupo sa tabi niya. Sumandal ako sa kaniya ngayon habang tinitignan ang mga kaklase kong nagkakasiyahan pa din hanggang ngayon.

"Happy Anniversary"malambing na bulong niya sa akin ngayon

Yeah. It's been a year since we started dating. Isang taon na ang lumipas pero hindi pa din ako nasasanay sa mga matatamis niyang salita.

Hindi pa din ako makapaniwala hanggang ngayon na isang taon na kami. Madalas man kaming mag-away pero nasosolusyunan naman naming dalawa 'yon sa pamamagitan ng pag-uusap.

"Happy Anniversary"nakangiti kong baling sa kaniya

"To more months and years with you"nakangiti at mahina niyang sabi

Tumango ako. Yes, to more years with you, my love. I really hope we'd end up together. We started out young and some says that young love don't last but I hope our story will be different from others.

"Pasensya ka na ah,naabala ka pa"hingi ng tawad ni A ngayon sa akin

Andito kami sa labas ng skwelahan ng kapatid niya. May nilakad daw kasi yung mama niya kaya siya ngayon ang susundo. Sinamahan ko naman siya kaya hindi abala para sa akin 'to.

Fated StarsWhere stories live. Discover now