END

12 0 0
                                    

My life was bland. It was boring and lifeless. The color of the world I always see is black and white.

Kontento na ako sa lahat ng mayroon ako. Mahirap man ay kompleto ang pamilya ko. Hindi ko pinoproblema ang skwela ko at ganon din ang ibang tao.

"Do you think I'll be a good wife to you?"mahina niyang bulong habang nakasandal sa akin

I smiled. "You are the best already,Fate"

Bumaling siya sa akin at malapad na ngumiti sa akin. Nang halikan niya ako ay para akong nalililyo. Ganito ako lagi sa kaniya. Sa kaniya lang.

The first time I heard of her name, I felt something. Everyone was talking about a Villegas transferring to our school. Sikat ang pamilya niya dito. May mga imprastraktura na pinatayo ang pamilya niya dito kaya ganon nalang ka misteryoso sa lahat na sa skwelahan namin siya magtatransfer.

"Nakausap ko yung si Xianna! Masungit pero pakiramdam ko mabait yun eh!" kwento ni Charmaine nung magkita kami nung break time

"Masungit?"nakakunot-noo kong tanong

Tumango siya habang sumusubo ng sandwich na binili niya.

Masungit, huh? Syempre mayaman eh! Ano pa bang inaasahan nila?

The first time we saw eachother, she gave me a deadly glare. Like I did something really wrong to her. I didn't know where my smirk came from. Maybe I find it amusing 'cause someone as rich as her is here.

Noong una ay natutuwa lang akong asar-asarin siya sa pangalan niya. Fate. Fate brought her here.

Hindi ko alam kung bakit sa kaloob-looban ko kahit na alam kong masama talaga ang ugali niya ay nararamdaman ko pa din ang lambot sa loob niya. Pakiramdam ko siya yung isa sa mga mayayaman na naghahanap ng taong iintindi at magmamahal.

"I will leave this place! I'm not even a bit happy about being here.No. I'm not even happy with my life so don't compare me to you all"gigil niyang saad nung kinulit ko siya

She's not happy with her life?

"Mayaman ka na nga hindi ka pa masaya"wala sa sarili kong saad

Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko kung bakit nasabi ko bigla ang mga katagang ayaw kong sabihin sa kaniya.

"How dare you...say those words to me?"nakayuko niyang bulong

Natigil ako. May diin ang bawat salita na binulong niya ngayon.

"What do you know about my life?! What do you know about me?! You don't know anything about me!Mayaman na ako pero hindi pa din ako masaya? Hah! Then ikaw maging ako, lets see if you'll be happy! You don't know me"huling niyang sabi tsaka umalis sa harap

I just stepped on a landmine. Tama nga ako. Siya yung ganong klaseng tao. Nagpapanggap na maarte para hindi kaawaan. Naglalakwatsa para mapansin ng hindi ko alam kong sino.

Pinagsisihin kong sinabi ko 'yon. Hindi ko inaasahan na papatawarin niya ako agad. Lalo na nung naging okay ulit kami pero nakagawa na naman ako nang mali. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanila ni Perry pero nahusgahan ko siya. Nung magkasakit siya at nakita ko ang mga kalmot sa katawan niya ay dinapuan agad ako ng guilt at galit sa sarili.

Hindi ko deserve na mapatawad niya. Hindi na ako umasa na magiging maganda ang tungo namin pero sinubukan ko pa din. Kaya nung napangiti ko siya nang dalhin ko siya sa isang mumurahin na fastfood restaurant ay parang may nabuhay sa puso ko.

Nakita ko siyang ngumiti. Parang sa kaloob-looban ko ay nagpaparty na ang puso ko. Her smile...brought color to my bland world. Just one smile and I can suddenly see different colors around me.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 16, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Fated StarsWhere stories live. Discover now