Excited akong gumising ngayon dahil magbabalik skwela na. Nag-aalala din ako at the same time. Madalang at malamig kasi ang mga naging text sa akin simula noong birthday ng lolo ko.
"Char!"tawag ko kay Charmaine na papasok sa gate
Lumingon siya sa akin at excited na tumakbo at niyakap ako.
"Namiss kita hoy!"sabi niya at hinampas pa ako
"Ako din!"maligaya kong sabi
Marami siyang dinaldal sa akin ngayon habang papasok kami. Excited na daw siyang malaman kung sino ang magiging kaklase namin ngayon. Ganon din naman ako.
Inisa-isa namin ang mga classroom at nang makita na magkaklase ulit kami ay ganon nalang ang saya namin. Sa pagsasaya namin ay naagaw ng pansin ko ang una at huling apelyedo na nasa listahan
Nagkatinginan kami ngayon ni Charmaine ngayon at sabay na ngumisi.
"Acera!"
"Zamora!"
Sabay kaming natawang dalawa ngayon. Nang pumasok sa akin ay pamilyar na mga mukha ang sumalubong sa amin. At gaya last school year ay sa likod ulit ako naupo dahil matangkad ako. Si Charmaine naman ay umupo sa tabi kong upuan.
"Oh! Ibakante niyo yung dalawang harap na upuan ni Charmaine at Xianna ah! May uupo na diyan!"asar ng isa naming kaklase na kaklase din namin last year
Hindi nalang namin pinansin ang pang-aasar nila. Sa dalawang lalaki na hinihintay namin ay unang dumating yung boyfriend ni Charmaine. Nginitian ko siya tsaka niya binaling ang tingin ngayon jay Charmaine. Umupo siya ngayon sa harap ni Charmaine kaya sobrang laki nang ngisi nung isa.
Bumukas ang pintuan sa likod kaya napalingon kaming lahat sa nagbukas non. Walang emosyon sa mukha ngayon na pumasok si A. Natigilan pa siya nang makita ako.
Sumakit bigla ang puso ko ng makita siya. Bakit kaya? Ganon ko ba siya kamiss?
Nginitian ko siya ngayon nang maglibot siya ng tingin at parang naghahanap ng mauupuan. Bumigat naman agad ang pakiramdam ko nang gawin niya 'yon pero nawala din nung umupo siya sa harap ko.
"Good morning"bati ko sa kaniya
"Morning"
Yan lang ang sinabi niya at kinuha ang earphones niya ngayon. Bumigat agad ang nararamdaman ko nang gawin niya 'yon. He don't want to talk to me. May nagawa ba ako? Galit ba siya sa akin?
Palihim akong sinundot ngayon ni Charmaine. Nang balingan ko siya ay nagtatakang nginuso niya si A na ipinagkibit-balikat ko lang. Hindi ko din alam kung bakit siya ganito ngayon. Wala naman akong ginawa sa kaniya.
Hanggang nagsimula nalang ang klase ay hindi niya ako kinausap. Panay lang ang sulyap ko sa kaniya pero hindi niya man lang ako tinatapunan ng tingin.
"A, lunch na. Hindi ka ba kakain?"subok kong yaya sa kaniya
Saglit niya lang akong tinignan bago binalik ang tingin sa ginagawa niya.
"Nagbaon ako. Kayo nalang kumain sa cafeteria"malamig niyang sabi
Napakuyom ang kamao ko dahil sa sinabi niya. Nagtitimpi na ako ngayon na huwag mainis sa kaniya. Ano bang problema niya?! Dapat nga ako yung magalit sa kaniya nung naging malamig bigla yung trato sa akin habang nasa syudad pa ako!
Napansin yata ni Charmaine na konti nalang talaga ay puputok na ako sa galit kaya hinila na niya ako sa galit. Inis ako ngayon habang hinihila ako ni Charmaine papuntang cafeteria. Kahit nong nakaupo ako ay busangot pa din ang mukha ko.
YOU ARE READING
Fated Stars
RomanceNo matter how much suffering you've been through, you never wanted to let go of those memories from the past. Xianna Fate Villegas, the inborn rich and supermodel with no memories from the past decided to go back to her home country to answer the qu...