Kabanata 5
Matapos ko umiyak ay nagbihis na ako. Hihiga na sana ulit ako ng marinig ko si tito sa labas kaya lumabas ako. Nangilid ulit ang mga luha ko ng makita ko na may dala siyang cake.
Feeling ko tuloy ay favorite niya ako. Kasi buti pa siya naaalala niya. Buti pa siya may regalo. Buti pa siya inaalala ako.
"Bakit mugto ang mata ng pamangkin ko?" tanong niya pero tumakbo ako papalapit sa kaniya saka yumakap. "Sinabi mo na ba sa kanila?" tanong niya.
"Ang ano?" masungit na tanong ni papa. "Ano?!"
"Ako na magpapaaral sa kaniya. Isasama ko na siya. Wala man lang kayong celebration? Ang galing niyong magulang, naturingan ngang mga teacher hindi makaintindi."
"Sasama ka?" malumanay na tanong ni mama. "Sige. Sumama ka na. Ng mabawasan na ang pakainin dito sa bahay. Mayaman naman yang tito. Yan naman ang gusto mo diba?
Wala. Ibang-iba talaga sila pagdating sa akin. Nakakapanakit. Para namang hindi nila ako anak. Bakit kailangan naman na ipamigay talaga nila ako. Ang sakit mag-expect lalo na kung yung mga taong pinag-bubuhusan mo ng pagmamahal mo ang dali ka lang bitawan.
Inilabas ni tito ang mga pasalubong niya kasabay ng pag-iimpake ko. Kapos kami sa pera pagdating sa akin. Kung nandito ako hindi ako makakapag-college kaagad dahil gusto nila na magstop ako kahit isang taon. Kahit hindi ako magaling sa acads, gusto ko mag-aral. Gusto ko makapagtapos.
Umiiyak ako habang nag-iimpake ng pumasok si Dawin. Ngayon pa lang ay nagsosorry na ako sa maiiwan sa kaniya.
"Alagaan mo sila ah. Mga babae pa naman yan. Bantayan mo, kapag nakakuha ako ng trabaho ay magpapadala ako. Sayo ko ipapadala, okay ba yun?" tanong ko. "Huwag kang mag-alala, magiging ayos lang si ate. Mag-aaral ako at magtatrabaho para makapag-aral ka kaya naman pag-isipan mo na course na gusto mo."
"Ingat ka doon, ate."
Sa lahat ng kapatid ko kay Dawin ko ramdam yung pagiging kapatid. Nandiyan para sunduin ako sa may kanto. Kahit noon, dalhan ng payong kapag wala akong dala at yung protection. Kahit na ako ang panganay sa aming dalawa nagagawa niyang protektahan ako na ate niya.
Habang patapos na ako sa mga damit na dadalhin ko ay pumasok si mama. Dala niya pala ang mga iilang dokumento na magagamit ko sa college pag nag-enroll na ako. Napangiti ako ng mapait.
"Kahit hindi kami close ng tito mo ay huwag kang maging sakit sa ulo sa kaniya. Ayusin mo rin ang buhay mo, Sharise. Pag-aaralin ka niyan kaya umayos ka." I nodded. "Pag-aaral mo na lang ang isipin mo. Huwag kang maging disappointment sa pamilyang ito."
Awit. Ako na naman.
1 am ng umalis kami sa bahay. Pati si papa sinabihan si tito na once may ginawa akong katarantaduhan ay iuwi ako. Kapag bumagsak ako uuwi ako dahil masasayang lang daw ang pera ng tito ko kung kita naman na hindi ko deserve kapag may ginawa akong hindi maganda.
Dumiretso kami sa hotel kung saan nakacheck in ang tito ko. May trabaho pa raw kasi siyang kailangan tapusin. Sa isang k'warto ay may apat na kama. May shoot daw kasi ang mga batang hawak niya kaya kailangan namin magstay sa hotel.
Tulog na ang dalawang kasama namin sa k'warto. Pinatulog na rin ako ni tito. Maaga silang umalis, hindi na ako sumama pa. Nagstay na lang ako sa hotel at minabuti ko na lang makipag-usap kay Ally.
[Pinuntahan ko kagabi kanina pero hindi man lang ako nilabas. Ayaw talaga eh, gusto mapag-isa.]
"Eh si Worth, nasaan?" I asked. "Pinuntahan ba?"
I heard her sighed.
[Papunta na yun. Magdidate yun for sure. Baka mamaya nakauwi na si tita. Hindi ko alam kung bakit biglaan.]
"Ayos lang kaya si Aishe?" I asked.
[Magiging okay yun. Hindi nga ako pinapasok eh. Tsaka kasama non si Worth. Bye na, Shâ. Aalis ako eh, nandito pinsan ko.]
Dahil sa wala akong magawa ay nagcellphone na lang ako. Pinahatidan din ako ng tito ko ng pagkain galing sa kabilang room. Nagstay lang ako sa loob kasi hindi ko talaga kaya na makipag-usap. Wala ako sa mood.
Hapon na ng dumating si tito. Lalaki pala kasama namin sa room at isang transwomen. Laking gulat ko pa ng si Zyle ang lalaki at si Lili naman ang isa.
"Zyle, ipapartner kita kung kani-kanino. Try natin kung sino ang papatok sa madla. Ipagpatuloy mo lang ang ginagawa mong pakikipag-challenge-challenge sa mga kasama mo." Tumango naman si Zyle. "Bukas tayo aalis, Shâ. Wala ka naman ng naiwan no?"
"Okay na po."
Nang panandaliang lumabas si tito at naiwan kami ni Zyle ay bigla namang tumawag si Ally. Sinagot ko na lang para hindi awkward kasi kasama ko crush ko na vlogger.
[Wala ka pala sa inyo. Gaga!]
"Ay oo nga pala. Nakalimutan ko sabihin. Bakit pinuntahan mo ako?"
[Oo, malamang. Isasama sana kita sa gala. Kasama ko si Shawn ngayon weekend eh tsaka gagala kami kasama crush mo.] Nasamid ako ng sarili kong laway dahil sa sinabi niya. [Isasama ako ni Shwan tapos magkikita sila ni Zyle. Samgyup daw sana.]
Lumingon ako kay Zyle na kasalukuyang nag-aayos ng mga gamit sa bag niya.
"Saan ba?" tanong ko.
[Donno kay kuya.]
"Ano... kasi kasama ko friend ng kuya Shawn mo now." Nag-angat ng tingin sa akin si Zyle. "Ano kasi magkakilala sila ng tito ko and kasama ko si tito."
[Pakausap daw sabi ni kuya.]
Inabot ko ang phone ko kay Zyle. "Kakausapin ka raw ng pinsan ni Ally." Siya mismo ang lumapit sa gawi ko at nakapamewang na kinakausap ang pinsan ni Ally.
"Sure. Okay." Nang tumingin siya sa gawi ko ay napaiwas ako ng tingin. "Okay. Papunta na kami. Sure, ako bahala."
Nang iabot niya ang phone sa akin ay end na. Hindi man lang ako kinausap ulit ni Ally. Bwiset, gusto ko sumama. Nakakahiya naman magsabi rito kay Zyle. My gosh, minsan wala akong hiya pero pagdating kay Zyle nagiging mahiyain ako.
"Tara. Malapit na sila. Malapit lang naman dito ang place na sinabi ni Shawn. Magpapaalam lang tayo kayo, sir." Napa-kurap-kurap pa ako ng mga mata ko. "Sabi ni Ally isama kita. Tara na."
Tumayo naman kaagad ako. Naka-shorts at hoodie jacket naman ako samantalang siya naka-shorts at loose shirts. Nagsuot siya ng mask bago kami lumabas. Dumiretso kami sa kabilang k'warto at nandoon nga si tito.
"Sir, alis lang saglit. Sa baba lang may kikitain." Lumingon naman si tito. "Uhm kasama ko pamangkin mo."
"Magkakilala kayo, Sharise?" takang tanong ni tito.
"Uhm... not really. Ano po kasi yung friend niya ay kasama yung friend ko, si Ally. Sumama raw po ako kasi kasama siya ng friend nito." Turo ko kay Zyle. "Kasi aalis na po tayo gusto niya po ako makita."
"Okay. Ibalik mo yan ng buo, Zyle. Malilintikan ka sa akin. Ingat kayo." Ngumiti ako kay tito. "Oy pamangkin ko iyon si Sharise, ganda noh?" Ding ko na sinasabi ni tito at doon ko lang narealize na nagla-live sila.
Nagulat na lang ako ng higitin ako papalabas si Zyle. Nakakahiya yun. Hindi nama kasi sinabi ni tito na nagla-live pala siya. Nakakahiya. Sobra pang lakas ng tibok ng puso ko dahil hawak ni Zyle ang papulsohan ko.
Paano na ako kakalma nito? Wala na, parang may fireworks na ang loob ng katawan ko. Isipin mo parang noong isang araw lang panay ang panonood ko sa mga video niya tapos ngayon kasama ko siya. Gosh! Huwag kang lumandi, Sharise. Kailangan mo makagraduate. Mapapatay ka talaga ng magulang mo kaya umayos ka, paalala ko sa sarili ko. Nakakakaba naman ang future ko.
BINABASA MO ANG
STRIPPING THE TRUTHS [COMPLETED]
Teen FictionInfinity Series #3 Sharise Del Mundo The truths between off-cam and on-cam. Posted: July 28, 2021 Finished: November 29, 2021