Kabanata 4

11 1 0
                                    

Kabanata 4

Dahil nga sa mukha ng crush ko na nga si Zyle ay kaagad ko hinanap ang tiktok account niya. Nakuha ko rin naman kaagad at may mga followers rin ito. Halos maubos ko na ang oras ko sa kakapanood ko ng videos niya. As in pilit ko inubos.

Ayoko pa naman magpakafangirling pero kinain ko na naman ngayon ang mga sinabi ko. Heto ako ngayon at nagpapaka-baliw sa nagngangalang Zylex.

Nang matapos ang exam namin ay kailangan na lang namin bumalik para sa mga final requirements namin. Nakakapag-gala na rin kami ng squad kasi pare-pareho na kaming tapos mag-exam.

"Crush ko na siya, Ally." Lumayo siya sa akin at nakapamewang na tumayo sa harapan ko. "Grabe, as in napapakagat labi na lang ako sa tuwing pinapanood ko siya."

"Babaero raw pala yun sabi ni kuya Shawn. Sa iba ka na lang, Shâ. Mag-iba ka ng crush." Umiling ako. "Duh! Tsaka wala kang pag-asa dyan. Pakafangirl ka na lang baka pwede pa."

Napanguso ako. Hindi nga lang pala ako ang nagpapakafangirl kasi lahat kaming pito. Iba-iba nga lang pero mukhang si Ally ay iba talaga ang pananaw. Well, fangirl, we exist but we can't reach them dahil mahal lang naman nila kami as one of those fangirl na nagkakandarapa sa kanila.

Gusto ko na lang maging PA ni Zyle para naman magkasama kami. Artista lang ang peg.

Naging mas madalas ang pagiging sweet ni Aishe at Worth. Pansin ko ang pag-iwas ni Ally at parating si Chessca ang kasama niya at mukhang may jowa na rin si Chessca na sila lang ni Ally ang nakakaalam. Si Jelayza naman panay na talaga ang paglalaro online.

Niregaluhan kami ni Worth ng tig-isang bracelet. Nauna na ang gift para raw makita na niya na suot namin bago pa man ang graduation day.

"So bakit parang umiiwas ka?" tanong ko kay Ally. "Nag-away na naman ba kayo ni Worth?"

Umiling siya at medyo hinila ako papalayo sa mga kaibigan namin.

"May mga maiissue na tao. Ayoko namang magmukhang ewan and tama sila, pag may girlfriend na ikaw na lang ang kusang lumayo. Kahit naman hindi magsabi ang girlfriend hindi niya deserve na may kahati sa oras ng boyfriend niya. Stepping away means respect when you're a girl best friend."

I sighed.

"Pinsan mo yun, Ally." She smiled. "Kaibigan din kami."

"I know. Kaya nga eh. Alam mo na aalis din si Aishe, para naman may time pa sila sa isa't-isa. Nababasa ko kasi sa comment section na dapat daw ako yun at sa iba naman bakit daw ang epal ko. Ayaw ko ng issue, Shâ. Mas okay ng ako na talaga yung lumugar. Alam naman natin na mas close na talaga kami ni Worth and now that he's has girlfriend, alam ko na dapat ako lumugar."

Nang makakita kami ng kumpulan na grupo ay mas lalong napabuntonghininga si Ally.

"Ally, baka naman daw kahit last lunch date." Nanlaki ang mga mata ko pero napabuntonghininga si Ally. "Dali na. Libre niya naman para naman kasama naman kami at sa cafeteria lang."

"Pwede ko isama si Shâ?" Lalo akong nagulat sa sagot ni Ally na tanong din. "Ayoko pag hindi kayo pumayag."

"Sure," sabi ng isang lalaking mukhang may gusto sa gaga. "Tara."

"Sino yun?"

"Ship," maikling sagot niya. "Samahan mo na lang ako. Masyado support ang mga barkada niya eh. Pagbigyan," sabi niya.

Sumama ako sa kanila. Napuno nga ng tawanan ang buong cafeteria sa gulo nila pero napangiti ako ng ngumiti na lang si Ally sa kalokohan ng magbabarkada.

"Pasensya ka na, Ally. Masyado lang kasing torpe eh baka hindi na maka-amin pa kaya kami na gumawa ng paraan," sabi ng isa sabay akbay sa may gusto kay Ally.

"Crush kita pero alam ko naman na hanggang doon lang. Alam ko na wala ka naman gusto lalo na sa taas ng standard mo," sabi nito sabay kamot sa ulo. "Basta huwag mo ako kalimutan. Seth at your service."

Ang haba ng buhok. Sana all. Nakita ko na papasok sana sina Aishe at Worth sa cafeteria ngunit hinila ni Worth si Aishe palayo kaya nangunot ang noo ko.

Halos tatlong linggo ang nakalipas at graduation na. Mamaya ko pa lang sasabihin kina mama ang nais ko. Wala akong award, best in immersion lang talaga at diploma. Si mama ang sumama sa akin sa stage pero hindi siya masaya.

Halata naman kasi eh. Kahit hindi niya ipahalata. Ayaw niya na ang anak niya 90 lang ang average. Yes, lang. Yun naman yun para sa kaniya. Hanggang "lang" lang ang lahat ng ginagawa ko.

Pinipilit lang ni mama na ngumiti sa harap ng mga magulang ni Chessca at Joanne since sila ang kasama ko. Nasa ibang line sina Aishe, Jelayza, at Ally samantalang magkasama naman si Ecka at Worth.

Pangiti-ngiti lang ako pero maiiyak na ako sa pinaparamdam ni mama sa akin.

Sorry naman.

Hindi na ako nakasama pa sa mga kaibigan ko. Diretso kami uwi. Nakakaumay dahil ni hindi man lang nila ako pinapansin. Walang handa, walang kahit ano. Dumiretso ako sa k'warto at kumuha ng kumot at damit na pamalit. Kinuha ko rin ang nag ko bago ako lumabas.

Dumiretso ako sa loob ng k'warto ni Dawin. Sabi ko sa kaniya na kung pwedeng sa sala muna siya. Kailangan ko mapag-isa.

"Ate, parati ka na lang naiyak. Mapagod ka naman sa kakaiyak," sabi niya bago ako iniwan sa k'warto niya.

Lalong bumuhos ang mga luha ko. Tumawag ako kay tito na gusto ko na umalis. Pagod na pagod na akong mag-mukhang katulong na lang nila. Akala ba nila okay lang sa akin ang lahat? Ang sakit-sakit na.

Araw-araw na lang nilang pinakikita at pinapamukha sa akin na hindi ko deserve na maging anak nila. Kay ate proud na proud sila. Kay kuya, wala akong narinig galing sa kanila ng tumigil ito sa pag-aaral, ako lang, ako na lang parati ang nakikita...

Gusto ko lang naman na maging proud sila sa akin. Gusto ko lang naman na ako naman. Ako naman yung kahit papano ituring nilang anak. Ang sakit na teacher sila pero anak nila hindi nila magawang intindihin. Kapag estudyante nila ang may bagsak at kinakausap nila ang mga magulang nito ang gaganda ng sinasabi nila.

"Ayos lang po yan. Makakabawi ang anak niyo."

"Pipilitin po naming maintindihan ng anak niyo ang lesson para hindi siya bumagsak."

"Huwag niyo po sukuan ang anak niyo."

"Kaya niya po iyan. Alam ko na kaya ng anak niyo at magagawa niyang pumasa."

Naiinggit ako kasi pagdating sa akin hindi nila iyon magawa.

Naiinggit ako kina Joanne at Chessca, halata sa mga magulang nila ang pagiging proud sa anak nila. May honor din kasi ang dalawa ako wala. Teacher ang nanay ko pero wala akong honor.

Ikinakahiya ako nina mama. Hindi nila matanggap na may anak silang 90 lang ang average. Parang pasang-awa na yun para sa kanila kasi nag-eexpect sila na mas tataasan ko pa. Na may ibubuga pa ako kahit na yun na talaga ang best na ginawa ko. Yun na. Wala na. Hindi ko na kaya.

Kailan ba nila maiintindihan na hindi ko na kaya. Na ayoko na. Na nasasaktan na ako. Anak ba talaga nila ako?

Mas gusto ko na lang maging isa sa mga estudyante nila para naman pagtuonan nila ako ng pansin. Na hindi nila ako pagsasalitaan ng masasakit na salita. Na icocomfort pa nila ako kapag may mababa akong marka.

STRIPPING THE TRUTHS [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon