kabanata 37

10 0 0
                                    

Kabanata 37

"Mommy, I'm fine po here."

"I know. Behave ka hah?" She nodded. "Bond with your dad. Uuwi rin naman ako after."

"No." Nagulat ako kaya sumimangot ako. "I'm really fine here, mommy. Mag-gagabi naman po. Dito ko na lang po papatulugin si daddy if it is okay with you. Sabi kasi ni Daddy Ninong mag-isleep over kayo after ng concert ni tita ninang at tito ninong." Si Chessca at Persues ang tinutukoy niya. "Go on, mommy. Miss ka na nila. Pag-ibig na ako sasama na rin ako sa panonood ng concert nila," nakangiting sambit niya.

Months have already passed. Her relationship with her dad is okay naman. Still like how we treat each other okay para kay Star.

I open my arms to hug her. Hindi ako nabigo ng mas mahigpit pa ang yakap niya sa yakap ko. She's very smart as ever. Nagmana sa ama pero okay lang ang mahalaga madiskarte ako.

"Basta behave ka lang dito okay?" She nodded and gave me a peek kiss on my lips. "You're so sweet. Don't worry babawi naman si mommy sayo after. Kinukulit na kasi ako ng mga tita ninang mo at yung daddy ninong mo eh."

"It's okay, mommy. I understand beside I'm with daddy naman po so huwag ka na mag-worry." Tumango na lang ako.

Para siyang matanda. Hindi ko na kailangan pa ipaliwanag ang mga bagay-bagay para maintindihan niya. She can do it on her own. I just need to watch and support her na lang talaga.

I decided to wear high waisted pants and a crop top sleeveless pinatungan ko lang ito ng black leather jacket and I also paired it with my black leather shoes. I put some makeup too para hindi naman ako mapag-iwanan ng mga babaeng iyon. After fixing myself paglabas ko ay nasa salas na si Zyle.

"Hi," he greeted.

"Hello. Kumain ka na?" I asked while I'm putting on my earrings. "There's food in the refrigerator and if you want to cook feel free to cook. You know our daughter is very—'

"Mommy!" I chuckled when I didn't even finish my words. "I'm not matakaw kaya."

I heard Zyle chuckled.

"Fine you're not."

Nang magvibrate ang phone ko ay nagpaalam na ako kay Star at kay Zyle. Sa bahay ko matutulog ang mag-ama dahil sa hindi raw dapat ako mawala sa most awaited anniversary concert nina Chessca at Persues as a couple.

Nagdala ako ng sasakyan kaya kailangan ko sunduin si Joanne. Dinaanan ko na lang siya sa condo niya at laking gulat ko na kasama niya si Jk. Dumiretso na lang kami sa venue at si Jk na ang nagdrive para sa amin. Ako yung may-ari ng sasakyan pero ako ang nasa backseat. Hustisya.

Pagdating namin sa venue ay nauna na kami sa loob. Since friend namin yun kaya nasa pinakaunahab kami. VIP is real. Nadatnan na namin sina Worth, Ally, Aishe, at Ecka. Late na naman si Jelayza for sure. Akala mo walang mga anak tao rito.

As of today dalawa lang talaga ang anak nina Ecka at Shawn. Sina Aishe at Perdix isa rin. Sina Jelayza, Ally, at Joanne nagpapakasaya pa sa buhay. Sina Chessca focus pa raw muna sa career nila. Takot daw manganak well ako rin naman sadyang naaksidente eh. No choice kailangan ilabas.

"Usog naman, Ally. Ang pangit mo."

"Nagsalita ang akala mo g'wapo," sabi naman ni Aishe.

"Mas pangit ka, kingina," sabi naman ni Ally habang nag-aambang susuntukin si Worth. "Kaya kung ako sayo huwag ka ng magsalita."

Napailing na lang ako. Parati na lang. Riding-rindi na ako sa bardagulan ng tatlong ito. Nanahimik na lang si Worth dahil sa tabi niya naupo si Jk. Naupo naman ako sa tabi ni Joanne.

STRIPPING THE TRUTHS [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon