Kabanata 7
Nakakaadjust na ako. Hindi naman katulad nina Ally na mahiyain. Yes, mahiyain pa si Ally sa lagay na yun. Well... wala akong hiya. Bakit pa ako mahihiya?
Nakapagtake na ako ng college admission test. Ang bobo ko sa part na BSED major in math kinuha ko. Well buti na lang at nakaabot ang GWA ko kasi 90 raw pataas kung mag-eeduc. Buti umabot.
Nang malaman ko na may shoot ulit ay isasama raw ako ni tito. Syempre gora ako. Nasa sasakyan kami at katabi ko na naman si Zyle na nakatulog na ngayon sa braso ko. Hindi na nga siguro niya namalayan.
Joanne:
Can I call? This is important.
I sighed. What's happening na naman kaya?
Me;
Go on.
Ilang minuto nga lang ay tumawag na siya. Kaagad ko sinagot kahit na tulog si Zyle. Sana lang hindi siya magising. Hininaan ko na lang ang boses ko.
"Ano? May problema ba?" tanong ko. "Kinakabahan ako sa'yo, Joanne. Ayusin mo."
[This is the tea. So pumunta na nga sa Manila si Aishe, right?] Tumango ako kahit hindi niya kita kasi call lang kami. [Ito nakita ko lang sina Ally at Worth na nag-aaway. So I asked Worth, he loves Ally daw.]
Nanlaki ang mata ko.
"Seriously, Jo? Hindi ka ba nagbibiro. Prank yan ano?"
[And hindi ko makausap si Ally. Panay iwas daw ni Ally at habol naman ito ng habol. Paano ito? Paano si Aishe?]
"Let him do his job. Kausapin natin. I think later pwede ako since malapit lang ang area na pupuntahan ko. Park will do, Jo."
Buti na lang at pumayag si tito na isama ako. Nang makarating sa isang hotel ay nagpaalam kaagad ako kay tito. Buti na lang at pinayagan ako lalo na at pagabi na. Bukas pa naman ang shoot na kailangan nina tito puntahan kaya't nagpupumilit si Zyle sumama. Wala raw kasi ako kasama mas mabuting kahit papano ay kasama ko siya.
Mas close talaga ako sa kaniya. Parati rin niya ako sinasamahan sa tuwing wala siyang ginagawa. Ang daldal niya rin pala kaya naman nagkasundo kami. Patuloy pa rin ang pagsiship sa kaniya sa kasamahan niya kaya lumalayo ako sa tuwing nagrerecord ng content ang mga artist ni tito.
"Shâ, dali na."
"I'm sorry, Zyle. My friends needs me. Babalik naman ako eh."
I sighed.
"Hihintayin lang naman kita para may kasama ka po kasi pagabi na."
Nang makarating ako sa park ay si Chessca na lang ang hinihintay. Hindi nakibo si Ally habang nakayuko naman si Worth.
"So... ano na?" tanong ko. Nasa malayo si Zyle dahil ayaw talaga magpaiwan. "Ano ang nangyayari sa inyo... sa atin?"
Nanatili akong nakatayo habang nakaupo Joanne sa isang concrete chair. Napapagitnaan nila si Ally na tahimik na nakatulala. Nakayuko naman si Worth habang nakaupo sa swing.
"Joanne, Chess, kailangan natin tipunin ang squad." Napatingin si Chessca dahil sa sinabi. "May tsaa na sinabi si Ecka. Mukhang may problema."
"What happened?" Chessca asked.
Nang makarating kami ay nakaupo sina Jelayza at Ecka. Napapagitnaan ng dalawa si Ally na galit na galit. Si Worth naman ay nasa swing at nakayuko habang nakatakip sa mukha nito ang mga palad niya.
"Anong nangyayari? Sabihin niyo," sunod-sunod na tanong ni Chessca.
"Worth confessed to Ally that he loves Ally." Naningkit ang mga mata ko sa sinabi ni Ecka. "Mahal niya si Ally kahit iba naman girlfriend niya. T*ngina kasing lalaki yan, magjowa-jowa tapos confused pala," dagdag nito.
"Alam na ba ito ni Aishe?" tanong ni Joanne.
"Ayoko malaman niya," umiiyak na sambit ni Ally.
"This is cheating, Ally. Pinsan mo yun!" sigaw ni ko.
Tumayo si Ally upang harapin ako. "I didn't do anything! Kagagawan niya lahat!" sigaw niya sabay turo kay Worth. "Why? Nakipagrelasyon ba ako? Cheating? Worth cheated pero hindi ako! Natatakot ako okay!? Natatakot ako na hindi na ako makapag-explain dahil sa kagagawan ng lalaking yan! Hindi ko na yan kilala!" sigaw ni Ally habang galit na galit na umiiyak.
Sumobra ata ako.
Hindi ko kasi magets. Bakit kailangan mag-confess kung may girlfriend ka na? Sana tumahimik na lang siya.
"Hindi kita mapapatawad! Dahil sayo hindi ko alam kung paano pa ako haharap sa pinsan ko! Ano sasabihin ko?! Na yung boyfriend niya mahal daw ako? This is bullshit, Worth! Gago kang ha*yop ka! Hindi mo alam ang nararamdaman ko! Pinoprotektahan ko siya sa nananakit sa kaniya, binalaan na kita, na huwag na huwag mong sasaktan ang pinsan ko." Nang tumakbo papalayo si Ally ay susundan sana si ni Worth pero hinawakan siya ni Jelayza.
"Naalala mo naman siguro yung kasunduan, Worth." Napa-angat ng tingin si Worth kay Jelayza. "Wala kang kawala."
Napapikit si Worth nang ambang susuntokin na siya ni Jelayza pero napailing ito saka pinitik sa ulo si Worth. Napamulat si Worth kasabay ng pagtulo ng mga luha niya.
T*ngina!
First time ko na makita na magalit ng ganoon si Ally. First time ko makita na umiyak si Worth. Feeling ko ang sama rin namin kasi kahit ako hindi ko kaya na ako yung magsabi kay Aishe. Natatakot din ako. Sure na masasaktan siya.
"Sapat na sigurong marealize mo ang kasalanan mo," ani ni Jelayza.
"This is your punishment, Worth. Hanggat wala kang naayos, mawawala rin muna kami sayo," pagkasambit ni Ecka ng mga salitang yun ay napaluhod si Worth. "Ally and Aishe is our friend, kaibigan ka rin namin pero hindi namin tinotolerate ginawa mo. Sana bago mo jinowa si Aishe, sigurado ka. Nawala lang yung tao saka ka nalinawan na mahal mo si Ally? Total, magkakahiwa-hiwalay din naman tayo sa college pwes ayusin mo ang buhay mo. Ayusin mo ang gulo mo at sabihin mo ang lahat kay Aishe. Gusto ko man sabihin kay Aishe ang lahat pero gusto namin na ikaw ang magsabi. May tiwala kami na sasabihin mo."
Tinalikuran ko sila. Wala eh, naiinis ako. Naiinis ako na nagagalit sa sarili ko. Ako yung isa sa tumatayong ate sa kanila pero bakit wala akong napansin? Sa pamilya ko wala na nga akong k'wenta pati rin ba sa mga kaibigan ko?
"Shâ?" Hindi ko pinansin si Zyle. Hinabol ko si Ally. "Wait lang."
Nakita ko na napaupo si Ally habang yakap niya ang sarili niyang mga tuhod.
"Ally." Hindi siya nag-anggat ng tingin. "I'm sorry. Nabigla lang ako. Nadala lang ako."
"Gusto ko na lang lumayo," sabi niya na may halong paghikbi. "Gusto ko na lang lumayo. T*ngina! Masyado na akong nakasandal sa inyong lahat. Ayoko na muna, pagod na pagod na ako sa lahat. Ang sakit-sakit na. Hindi niyo alam kung ano pinagdadaanan ko kahit na mga kaibigan ko kayo. Well... kasalanan ko naman kasi hindi ako palak'wento. Pero sana pagbalik ko kaya ko na ulit maging si Ally." Nang sandaling nag-anggat siya ng tingin ay tila nakita ko lahat ng lungkot at bigat na dala niya.
"Ally."
"Sorry." Nang sandaling sinabi niya yun ay mabilisan siyang tumayo at tumakbo paalis.
Kasabay ng pagkawala ni Ally sa paningin ko ay panghihina ng tuhod ko. Matutumba sana ako pero nakaalalay kaagad si Zyle sa akin.
"It's okay. You can cry, Shâ. I'm here."
Tila isang magic lahat ng sinabi niya dahil hindi ko na napigilan ang mga luha at paghikbi ko. Nagsisisi ako. Nasaktan ko lalo si Ally dahil sa paraan ng pagtingin ko sa kaniya. Tila sinisi ko pa siya.
Am I a good friend? Kita ko sa mga mata niya yung sakit na hindi siya paniwalaan. Ano ba itong nagawa ko? Bakit may pinanigan ako?
BINABASA MO ANG
STRIPPING THE TRUTHS [COMPLETED]
Teen FictionInfinity Series #3 Sharise Del Mundo The truths between off-cam and on-cam. Posted: July 28, 2021 Finished: November 29, 2021