Kabanata 8

9 1 0
                                    

Kabanata 8

Gusto ko puntahan si Ally pero kailangan ako ng team ni tito. Pinaghanda ko ang mga gamit nila, tagabantay din ako doon at nakatulala ako habang ang iingay nila. Hindi ko na matawagan si Ally, nakapatay din ang mga social media accounts niya.

[I think they need time. Kasi kahit ako yun din ang kailangan ko. Dito tayo masusubok pero alam ko balang araw, babalik at babalik tayo sa dati. Let's just focus on our own lives now, Sha. Let's get in touch pa rin kung kaya. Lets trust them. I mean, lets trust him.]

I sobbed.

"Kaya ba natin na wala na talaga ang isa't-isa?" I asked.

[Kakayanin natin. Sabi nga ni Ally, masyado na tayo nakadepende sa isa't-isa diba? Siguro college life ang magiging way para magsarili rin tayo.]

Nakanguso ako dahil pinipigilan ko na naman ang mga luhang nais pang kumawala. Hindi man lang sumagi sa isip ko na hahantong kami sa ganitong sitwasyon. .

"Hindi ko naisip na ganito kalala." Nang bumukas ang pinto ay kaagad ako nagpunas ng luha ko. "Bye, Jo. Let's try to communicate again kapag kaya pa. Stay safe."

Tumabi sa akin si tito kaya kagat-kagat ko ang labi ko. Ang hirap magpigil ng luha kapag may tao sa paligid.

"I know that sometimes being alone is quite lonely but always remember it's worth it." He held my hands. "Pamangkin, be a better person on your own. Ganyan talaga, may mga taong hindi mag-istay pero pwedeng bumalik with a perfect definition of their self again. Don't grow alone, let them grow too. Let them be independent kasi iba na kapag may kani-kaniyang priority."

Niyakap ako ni tito habang hinahagod ang buhok ko.

"Akala ko handa ako na malayo sa kanila, tito. Kagabi ko lang narealize na masakit pala at mahirap."

"Kasi walang madali sa buhay, pamangkin. Don't worry, I'm here."

This is the reality. May mga issues at mga bagay na hindi natin inaasahan. Malalayo at malalayo talaga tayo sa mga mahal natin sa buhay. Hindi habangbuhay ay magkakasama at magkakadikit-dikit tayo. Mahirap, at masakit pero tama si Ally... masyado na kaming nakadepende sa bawat isa. Nakalimot na kami paano nga ba mag-isa. Nakadepende na rin kami kay Worth na parati siyang nasa tabi namin na handang rumesbak. 

Pasalamat na lang talaga ako kay tito ay kinupkop niya ako. Nakakapag-padala ako kina mama. Yes, dahil sa pagtulong ko kina tito ay binabayaran niya ako. Ayoko sana pero sabi niya malaking tulong yun dahil alam niyang pinaghihirapan ko.

Yes, tumigil ako sa paggamit ng social media. Wala nga talaga akong balita sa kanila. Nakakaginhawa talaga na wala kang social media account na naka-active. Nakakaiwas stress. 

Hanggang sa nagsimula ang klase ay naging busy ako. Maging ang mga talent ni tito ay weekend na lang kung dumating sa bahay. Yung mga hindi na nag-aaral ang siyang natitira. Si Zyle ay nauwi pa rin sa bahay ni tito dahil malapit lang ang school niya sa bahay nina tito.

Mayaman si tito. Yung tipong ikaw na ang matatakot gamitin ang mga gamit sa bahay dahil sa mahal. May sarili akong k'warto at sa mga talent niya ay sama-sama pero magkahiwalay ang boys at ang girls. 

I choose BSED major in Mathematics. Hindi ko rin alam pero hindi ako matalino pero math kinuha ko. Para akong naghukay ng sarili kong libingan. Sa isang sem ay nakita ko na tatlo na subjects kaagad ang math at may isang specialized by what field I choose at minot subjects na lang ang iba.

"Ano ba naisip ko?" tanong ko sa sarili ko ng makita ko na ang matriculation form ko. "Math? Seriously, self?"

Tawang-tawa si tito at ang mga kasama namin na sina ate Diane at tita Jess. Katulad din ni tito si tita Jess and sila talaga yung halos parati ko nakakasama.

"Sa tingin niyo kaya ko?" tanong ko sa kanila.

"I believe in Sharise Alyssa Del Mundo supremacy," tito said while laughing. "Don't worry kung hindi mo kaya shift ka na lang," dagdag pa niya.

No! Tatapusin ko ito!

"Igogora ko ito," natatawang sambit ko sabay kunwaring may inaabot ako. "Basta huwag niyo ako itakwil."

"Naku, kung wala kang maintindihan sa math nandito lang ako. Nandito lang ako para pagtawanan ka kasi wala kang mapapala kasi wala rin akong alam diyan." Binato ni tito si tita Jess ng kutsara.

"Wala ka talagang masabing matino."

"Sir, si Sharise?!" Kaagad ako hinila ni ate Diane at pinagtago ako sa likurang bahagi ng counter nang marinig nila si Zyle. "Nasaan po?"

"Bakit? Sabi ko sa'yo pagtuonan mo ng pansin ang mga ipinapartner ko sa'yo huwag ang pamangkin ko, Zyle." Masungit na sagot ni tito. "Ano? Papunta na si Glyssa, maglive ka at ng makuhanan kayo na kunwari hindi scripted."

"Opo."

Nang sumenyas si tito na lumabas ako ay bahagya niyang hinila ang iilang hibla ng buhok ko.

"May nagsiship sa inyong dalawa niyang si Zyle," bulong niya sa akin. "Kayo walang script pero ang lakas ng dating pero kapag inutusan ko siya sa iba, ewan hindi ako kinikilig."

"Sila na lang kaya ang ipagpair mo." Suhestiyon ni tita Jess. "Mukhang komportable ang batang yun dito."

"Magkano ba sweldo diyan, tita Jess?" tanong ko. "Yayaman ba ako diyan?" tanong ko habang nakatingin kung saan ay nag-aayos na si Zyle at naghahanda para maglive.

"Yayaman ka basta marunong ka," natatawang sagot ni tita Jess.

Kinuha ko na lang ang matriculation form ko at Id at nagpaalam ako na aakyat na muna ako. Nang madaanan ko ang likurang bahagi ni Zyle ay nagulat ako ng lumingon siya sa gawi ko.

"Sama ka raw. Request nila," sabi nito. Ngumuso ako. "Kahit ilang minuto lang or sumagot ka lang raw ng ilang questions."

Lumingon ako kay tito. Natatawa sina ate Diane at tita Jess habang umiiling. Sapilitang tumango si tito kaya umikot ako sa kabilang bahagi ng sofa. Naupo ako sa tabi ni Zyle sabay kamay. 

"Hi," I greeted them with a smile. "Good afternoon."

"I'll read some question for you." I nodded. "Ate Sharise, ilang taon ka na po?" Pagbabasa ni Zyle sa question. 

"Age doesn't matter, guys." I chuckled. "It's just a number. Yun lang."

Lumingon si Zyle habang umiiling. 

"Are you single po?"

"Single? Yes but I have a lot of husbands. Some of them are real in this world but they will never be mine coz I am a fan. And a lot of them don't exist because they are fictional characters from the book."

Marami ang nakarelate kaya nama pati ako natawa habang nakikibasa na rin sa mga comment. Pasensya na taong marupok lang. 

"Sa jeep kami una nagkita, epic. Basta yun," sagot ko. "Uhm... ewan basta mukhang uod ito. Yes, bestfriend kami."

Kung anu-ano pa ang mga sinagot ko hanggang sa dumating si Glysa kaya nagpaalam na ako dahil kailangan ko ayusin kalat ko sa k'warto ko.

Nanood din ako ng live nila habang nasa k'warto ako at mukha namang bagay sila. Crush ko yan pero isiniship ko sa iba. Awit. 

Inayos ko na lang ang kalat ko at pinatay ko ang pinapanood ko. Mas maganda pang manood ng kdrama. Broken na ako pero mas lalo pa ata ako nabroken dahil sa plot kaya itinigil ko na lang. 

Dagdag problema pa talaga kung minsan. Nakakainis. Auto uncrush pero how? Grabe hindi lang math ang nagpapasakit sa ulo ko pero pagpapakafangirl ko kay Zyle na kasama ko na nga pero mukhang pandagdag lang ako sa mga kaibigan niya. 

STRIPPING THE TRUTHS [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon