Kabanata 33

11 0 0
                                    

Kabanata 33

Kahit super busy talagang pinilit ko na makaattend sa gender reveal ng anak nina Perdix at Aishe. Sinabi ko sa kanila na through video call na lang pero since weekend naman pinili ko makaattend.

"Star, are you ready na ba?" I asked while placing a food snack on her bag. "We're ready to go na."

"Wait, mommy."

I smiled.

Matapos maayos at makita na kumpleto naman na ang lahat ay bumaba na si Star. Ihahatid kami ni kuya sa airport papuntang Manila. Matatagalan kasi kami kapag nagsasakyan kami kaya naman I decided to book a plane ticket since hindi rin naman kami magtatagal. After the celebration morning we will leave Manila.

"Ingat kayo doon. Sabihan mo na lang kami kapag susunduin ko kayo sa susunod na bukas." I nodded. "Sige na. Sakay na."

Nagpaalam ako kina mama at papa bago ako tuluyang pumasok sa sasakyan. Nakatingin lang sa bintana si Star habang naka-earphone. Mukha na siyang matanda. Gustong-gusto niya talaga ng nakakarinig ng kanta. Minsan nga pinilit ko siya kumanta pero ayaw niya talaga.

Kapag din hindi siya nakakatulog ay talagang mas gusto niyang may music siyang naririnig at minsan naman kahit hindi kagandahan ang boses pero maganda ang panlabas at panloob na anyo ay kinakantahan ko siya hanggang sa makatulog.

Ang bilis ng panahon. Dati gustong-gusto ko yung ganito na sana ang bilis lang lumipas ang panahon pero habang nakikita ko na palaki ng palaki si Star gusto ko muna sulitin na bata pa siya. Minsan pinagdarasal ko na dahan-dahan lang. Hindi pa ako handa sa mga pagbabago ng anak ko.

"Mommy, it look like I'm a cat." Nangunot ang noo ko. Hindi siya nakatingin sa akin dahil nasa labas pa rin ng bintana ang paningin niya. Tumingin ako kay kuya at kita ko ang pagbuntonghininga niya. "Kitten are always with their mom but where is their real dad? Bakit po iniiwan lang niya ang kitten." Lumingon siya sa akin at tila ang daming tanong ang nasa mga mata niya. "Why my Daddy is not beside me? If I really have a Daddy where he is? Para po ba akong kitten?"

Kaagad ko hinawakan ang kamay niya sabay ulit-ulit ang pag-iling ko. Ayoko umiyak sa harapan ng anak ko. Mas nagiging palasekreto kasi siya kapag ganoon kasi ayaw na ayaw niya raw na nakikitang umiiyak ako. Lagi niya ako iniisip kahit sa murang edad niya kaya ang sakit. Ang sakit-sakit na siya nagtitiis para sa akin.

Matapos ng mga sinabi ni Chessca ay tila natauhan ako. Sa dami at gulo ng naging pamumuhay ni Chessca ay natakot bigla ako para sa anak ko. Ayoko na lumaki siyang ang walang alam at basta-basta na lang may malalaman na hindi kumpleto that's why I shared my story to my daughter. Lalong-lalo na at alam ko na may mga tao pa rin na makakaalala sa nangyari sa buhay ko.

"Your daddy and I are vloggers, anak. Almost 4 years kami magkasama but there's many things that lead us to be separated. Your twin is in heaven with your lolo. Iniwan ko ang daddy mo kasi hindi kaya ni mommy na makasama pa si daddy mo and your daddy left the country and I don't know where exactly he is today."

"Hindi mo na po kaya makasama si daddy kasi nasasaktan ka po?" I nodded. "Lagi mo po ba naalala ang twin ko kapag nakikita siya?" I nodded again. "Then I won't ask na po about him. I don't want my mommy cry. It's okay po."

Akala ko okay na. Akala ko maintindihan niya. Akala ko hindi na siya maghahanap since iyon na ang sabi niya.

"Anak, you're not a kitten. You're my baby. G-gusto mo ba makilala si daddy mo?"

Parang sinaksak ang puso ko ng yumuko siya at nagsimulang humikbi. At her age 6 years old my daughter is hurting because of me. Bakit ngayon pa?

STRIPPING THE TRUTHS [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon