Kabanata 17

6 1 0
                                    

Kabanata 17

Nang matapos ang klase namin ay talagang nakaayos na ang lahat ng gamit ko. Nagpaalam na rin ako kay tito Racky at okay naman sa kaniya. Gusto ko nga sana na sumama siya pero marami raw siyang kailangan gawin bago magpasko kaya naman hindi na raw. Nagpadala na lang siya mg mga regalo para sa mga kapatid ko.

Nagkausap kami ni Ally kaya maghihintay siya sa terminal. Hinatid ako ni Zyle kasama si Eman at ate Diane. Nang nasa terminal na ako ay kaagad namin hinanap si Ally na may dalang isang maleta at isang backpack. Ako naman dalawang maleta ang dala ko dahil sa mga pasalubong na dala ko.

"Ally, ang kunti naman ng dala mo."

"Shâ, hindi ako ganoon kasipag para magdala ng mga gamit. Sapat nanito para sa Christmas break. Uuwi rin naman ako after new year. Around 3 siguro. Ikaw ba?"

"Not sure. Depende sa atmosphere."

Tinulungan kami ni Zyle na isakay sa van ang gamit namin. Siya na rin nag-ayos ay nagbayad na sinang-ayunan naman ni Ally. Para raw may pera pa siya total vlogger naman daw kami kaya natawa na lang ako.

Around 3-4 hours lang naman ang byahe pauwi sa amin pero ako talagang first time ko uuwi. Malapit lang naman pero nawawalan kasi ako ng lakas ng loob. Hindi ko rin alam kung anong klaseng pagwewelcome ang matatanggap ko sa kanila. Kaya ngayon kinakabahan tuloy ako sa maaring maging reaksyon nila.

Ally just slept on our way home. Buti na lang at marami ang pasahero kaya nakaalis din kaagad kami. Nagsoundtrip na lang ako at paminsan-minsan nanonood ng mga trending. Isa ito sa turo sa amin ni tito. If gagawa kami ng content dapat doon sa trending pa lang kaya hindi kami dapat nagpapahuli sa mga challenge mapa-tiktok man o youtube content.

Nang magising si Ally ay nag-inat-inat lang siya ng katawan niya at nagtanong if malapit na ba kami kaya sabi ko matulog na lang siya at gigisingin ko na lang siya kapag nasa terminal na kami.

Zyle;
Text me kapag nakarating ka na sa inyo. Sana next time makasama na ulit ako sayo.
Maging doon ay hindi ko siya maintindihan. He always gives me a hard time to get his point. Mas mahirap pa siya intindihin sa major ko.

Nang makarating kami sa terminal ay gising na rin naman si Ally. Pagkababa namin ay nagutom ang gaga kaya naman bumili siya ng burger at drinks. Gustihin man namin pumasok sa mga fast-food pero problema ang mga bagahe namin.

"May susundo sa atin. Hatid ka na lang namin."

"Si Worth?" Nawala ang ngiti sa mga labi niya. "Kuya mo ba?" Tumango siya at nilantakan ang burger na kinakain niya.

"Malapit na raw siya."

Nang dumating ang kuya Gael niya ay kaagad ito nag-aya na magdrive thru na pang daw. Nag-order na lang din ako para pang-pasalubong at pagkain ko kasi bumili rin si Ally para sa kanila. Nilantakan na lang namin ni Ally ang kaniya-kaniya naming pagkain dahil sa gutom.

Inuna ako nina Ally. Kaya naman sobrang pagpapasalamt ko sa kanila.

"Hindi na kami papasok ah. May lakad si kuya eh. Next time na lang ako tatambay dito para imeet sila tita." Tumango na lang ako. "Call me or text me kapag may nangyari ah. You can always count on me." I nodded.

"Sure. Kuya Gael, salamat po." He just give me a thumbs up sign. "Sige na
Babaye na."

Saka lang ako pumasok sa bakuran namin ng makaalis ma sina Ally. Iniisa-isa ko pa ang maletang dala ko dahil sa mabigat ito.

"Ate?" Napaangat ako ng tingin kay Dawin ay kaagad naman siyang lumapit at yumakap sa akin. "Grabe hindi mo ako sinabihan na uuwi ka pala."

"Surprise kasi. Sina mama ba?"

STRIPPING THE TRUTHS [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon