Kabanata 38

5 0 0
                                    

Kabanata 38

Maaga ako nagising at nag-ayos ng gamit ni Star. I also make breakfast and her snacks and lunch. She's in grade 1 kaya naman I need to prepare all her stuff before going to school. Hindi naman na si Star yung tipong kailangan pa samahan sa lahat ng bagay. She's a very independent daughter.

"Good morning, mommy." I smiled before I put her milk on the table. "I already took a bath, mommy."

"Yeah. It's obvious. Sabi ko naman sayo eat breakfast muna before taking a bath."

Naupo na siya kaagad sa upuan at nagsimula ng galawin ang pagkain niya. Isa-isa niya itong pinagmasdan bago nakangiting tumingin sa akin.

"I'm fine, mommy. Tomorrow na lang." Umiling na lang ako. "Sino po maghahatid sa akin, mommy? Is it daddy again?" I nodded.

Masigla niyang inubos ang pagkain niya ng malaman niyang ang daddy niya ang maghahatid sa kaniya. Napailing na lang ako dahil mukhang naungusan na ako ng daddy niya. Ako ang nagluwal pero ang walanghiyang lalaking yun ang excited na excited makasama.

Kinuha ko ang backpack niya at ang lunch box niya and put her foods there. Tumawag din si Ally na siya raw ang magsusundo sa bata kaya pumayag na lang ako dahil hindi na raw sila nakakapagbonding.

"Mommy, I'm done. I also finished brushing my teeth na. I'm ready na po!"

"Not yet! I'll fix your hair pa, baby. Wait there." Kinuha ko ang favorite clip niyang may star. Dali-dali ako lumabas sa k'warto at kaagad ko siyang dinaluhan. "You're so excited naman. Magseselos na si mommy niyan."

"I love you, mommy. Don't be jealous. I just want to hang out with daddy "

Hangout daw? Malilintikan na talaga sa akin si Worth.

Napailing na lang ako sa salita niya. Bwiset na Worth yun kung anu-ano ang itinuturo sa anak ko. Ba't kasi hindi na lang siya mag-anak at turuan niya ng katarantaduhan niya. Gosh!

Sinamahan ko siyang lumabas. Nandoon na nga talaga si Zyle na nakangiting sinalubong ng yakap si Star. Kitang-kita sa mata ng anak ko ang saya kaya naman sobrang saya ko. Wala na akong ibang mahihiling pa. Basta sa ikasasaya niya handa ako mag-adjust.

"Good morning," he greeted.

"Good morning too. Sorry medyo natagalan, babae kasi," sabi ko.

He chuckled and my daughter kept on clinging to him.

"It's okay. Anak ko naman."

"Daddy, tama na. I'm going to be late na." Mabilis na lumapit sa akin si Star kaya yumuko ako at humalik siya sa pisngi ko. "Mommy, take care. Sana marami ka ulit customer. Good luck po."

"Good luck din. I love you."

"I love you too po. Always, mommy."

Tinulungan ko siyang makasakay backseat. Inayos ko rin ang seatbelt niya. Matapos ay isinara ko ang pinto at kumaway ako ng umalis na ang sasakyan. Bumuntonghininga muna ako bago ako tuluyang pumasok ulit sa bahay namin. She's into her summer class. She wants it that's why I let her.

Nag-ayos muna ako sa bahay namin. Naglinis bago ako nag-ayos. Halos lampas isang oras din ako na natagalan. Pinili ko kasi na mag-ayos muna para mamaya pag-uwi ay hindi na ako masyado maggaga-galaw pa.

Nagulat ako paglabas ko ng makita ko si Zyle. Napaayos siya ng tayo ng makita ako. Nakasandal siya kanina sa sasakyan niya na waring may hinihintay.

"May naiwan ka ba?" tanong ko. "Ano? May naiwan ba si Star?" dagdag ko pa.

"Hatid na kita." Nangunot ang noo ko sa sinabi niya. "Luh! Gulat? Tara na. Libre mo ako."

Wala na akong nagawa kundi ang sumunod. Napag-usapan na rin namin na minsan ay sa kaniya naman si Star kahit weekend daw ay okay na sa kaniya so pumayag naman ako basta sabi ko if gusto ni Star then go.

Pagkarating namin sa coffee shop ay kaagad ako nagcheck sa mga stocks namin. Binati rin ako ng iilang mga katulong ko sa coffee shop. Nagpaka-busy lang ako dahil wala naman akong magagawa kundi maging busy.

Pinaghandaan ko ng chocolate cake at coffee si Zyle. Ako na rin ang naghatid sa kaniya. Wala naman masyadong customer kaya hindi hetic. Minsan okay din yung ganito kasi kahit papano ay may pahinga kami.

"Bayad na ako. Kahit hindi naman ako nainform na may utang ako," natatawang sabi ko. "Ang kapal ng mukha mo."

"Ninanamnam ko lang ang mga sandali. Dalawa na nililigawan ko ngayon. Mag-ina na kaya dapat pa-good vibes lang," sabi niya dahilan para ikagulat ko. "I'm sorry pero liligawan na kita without anything publicity."

"Ang kapal ng mukha mo. Diyan ka na nga. Manigas ka," sabi ko sabay tayo.

I heard him laugh and that's why I became more irritated. Minsan talaga nakakairita na nga ang mga lumalabas sa bibig nila pero mas nakakairita pa na panay ang ngisi nila at tawa na akala mo nakaka-g'wapo pero pagdating kasi sa kaniya okay naman. Bagay naman pangisi-ngisi pwede na maging asong nauulol.

I decided to design some cakes. Halos isang oras ko ng ginagawa ang pag-dedesign ng biglang sumulpot na naman si Zyle. Hindi ko alam kung may trabaho ba ito o tambay na lang.

"I'll help."

Nagulat ako sa papunta niya sa likuran ko. Ipinalipot niya ang braso niya sa baywang ko. Mukha bang may maitutulong yun? Ilang sandali pa ay nakasandal na ang baba niya sa balikat ko.

"Sa tingin mo nakakatulong ka? Umalis ka nga diyan! Nakakasira ka ng mood, Zylex!"

"I'll help na."

Nang sa wakas ay umalis siya ay kumuha siya ng cake. I know that he knows how to design a cake. He's good at it kaya nga rin ako natuto dahil yun sa kaniya.

Itinupi niya ang long sleeves niya hanggang siko. Kumuha rin siya ng apron at naglagay ng plastik gloves. He's so manly. Iniwas ko ang tingin ng nag-angat siya ng tingin sa akin.

Baka isipin niya patay na patay ako sa kaniya. Eh noon gustong-gusto ko na talaga siyang literal na patayin.

"Shai?"

"Hmm?" Patuloy pa rin ako sa paglalagay ng icing sa ibabaw ng cake.

"Ikaw at ikaw ang uuwian ko," sabi niya dahilan upang mag-angat ako ng paningin. "Sa lahat ng nangyari alam ko na hindi ko na kayo deserve pero baka naman pwede mo akong bigyan ng chance. Kahit isa lang, tanggapin mo ako."

Hindi ko alam ang isasagot ko. Ayoko ng masyado magsalita ng hindi pinag-iisipan. Oo nagalit ako pero sa aming dalawa mukha ako lang naman talaga noon ang nagmahal eh. Wala naman kasi siyang sinabi na malinaw tungkol sa amin basta nag-assume na lang ako.

"Zylex."

"It's okay na hindi mo muna sagutin pero let me try to fix what I broke. I wanna come back to you. Sa inyo ni Star. I'm so gago noon, let me change it. Kahit isang chance lang."

I sighed. I don't know.

"I really don't know, Zyle."

Hindi ko naman kinalimutan lahat eh. Nakalimutan kong kalimutan na mahal kita. Natapunan lang iyong ng hinanakit at galit pero hindi naman nawala ang pagmamahal ko. Sadyang pinilit ko lang kalimutan pero natatakot ako. Natatakot ako na baka hindi na naman magwork. Ayoko na munang magsalita. Ayoko ng bigla-bigla. Ayoko na maulit muli ang lahat.

STRIPPING THE TRUTHS [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon