Kabanata 14

7 2 0
                                    

Kabanata 14

"Girl, kamusta ka? Grabe congratulations."

Magkasama kami ni Romelyn sa starbucks. Nangako kasi ako sa kaniya na ititreat ko siya and may kailangan din kami gawing assignment kaya naman sabay na naming gagawin pero ito na naman kami at chinichika ako. May matatapos na naman ba kaya kami sa lagay na ito?

"Thanks. Ako lang ito, Rome. Kahit nasa iyo ang korona ako lang ito."

Tumawa siya at umiling bago nagnotes dahil sa iilang mga hindi niya pa nagagawa. Nang tumunog ang phone ko ay kaagad ko ito kinuha at nakita ko ang text galing kay Zyle. Napangiti kaagad ako ng buksan ko iyon.

Zyle:
What time ka matatapos?

Me:
Around 11am siguro.

Zyle:
Sunduin kita. Lunch tayo.

Me:
K. I'll just send you where I am.

After ko maisend sa kaniya kung nasaan ako ay nag-patuloy ako sa assignment ko syempre sa math. Ano pa ba aasahan ko eh math ito. Math. Math. Math. Sarap mamatay.

"Alam mo ba may kachat pala—" Hindi ko na pinatapos  pa sa sasabihin niya.

Ito na naman tayo sa pagkikwento pero baka sa sumunod na linggo iba na naman or baka naghihimutok na siya kasi naghost.

"Huwag mo ikwento baka mabulilyaso. Baka—"

"Oo na hindi na. Akala mo naman sa inyo may label din. Mag-ingat ka." Nakasimangot ako. "Diba ikaw din. Alam mo ayusin mo ang buhay mo. Baka sa huli na nasanay ka na makalimutan mo kung saan ka lang. Kung hanggang saan lang ang lahat," mahina niyang bulong.

Anong magagawa ko? Gusto ko naman talaga si Zyle at kailangan ko rin talaga ng pera para naman nakakapag-padala ako sa bahay.

After namin ni Romelyn sa activity namin ay nauna na siyang umalis. May imemeet pa raw siya kaya naiwan na ako at nagtext na ako kay Zyle na pwede na niya akong sunduin. Patuloy lang ako sa pag-iscroll dahil naman naman na akong magawa.

"Uhm excuse po." Napaangat ako ng tingin sa dalawang babae. "Pwede po bang magpapicture?" tanong niya.

"Ow sure. Hala! First time!"

"Napapanood po kasi namin kayo sa tiktok and isa rin po kami sa fans ni kuya Zyle. And syempre fans kami ng loveteam niyo."

Natawa ako sa isip ko dahil mukha ba kaming artista? I mean medyo kasi kasinungalingan naman at palabas ang lahat. Medyo nakalimot na naman ako.

"Thank you ah. Ano name niyo muna?"

"I'm Coezy and here's my friend Mayla."

We got a groupie picture with their phone. I also use mine so I can able to have a remembrance too. First time ko kaya na maka-encounter ng ganito yung tipong may magpapapicture kasi kilala nila ako.

"Bakit mag-isa ka po? Pwede pong paupo." Masayang tumango na lang ako since wala pa naman si Zyle. "Nasaan po si kuya?"

"Papunta na. Susunduin niya ako rito eh. I got to meet my friend here and study kaya nandito ako."

"Papasok po ba siya? Gusto sana namin makspagpapicture."

"I'll try my charm."

We chit chat about me being a vlogger. Sobrang nag-enjoy ako na maka-usap sila na hindi ko na napansin na nasa tabi ko na pala si Zyle.

"Hi," he greeted.

"Omg! Pwede po ba magpapicture?" tanong ni Coezy. "Grabe ang gwapo niyo po. Hala! Bagay na bagay kayo ni ate Sha. Me when kaya?"

STRIPPING THE TRUTHS [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon