Kabanata 21

4 0 0
                                    

Kabanata 21

Maaga ako nagising at naligo. Wala na rin naman akong lagnat kaya naman nagsuot lang ako ng white long sleeves at white denim shorts bago ako tuluyang lumabas ng villa. Tumambay muna ako at nag-picture mag-isa. Nagchat na lang din ako sa gc na nasa labas na ako kasi baka na naman maghanap sila sa akin since umalis ako na tulog pa rin sila.

Nag-record lang ako ng iilang video for my IG story. I'm not in a mood to vlog this kaya pinapaubaya ko na sa kanila basta dapat extra ako sa mga vlogs nila. Mayroon din pineapple juice and sliced watermelon pero dahil sa galing ako sa lagnat gatas ang nasa harap ko ngayon dahil kay Zyle. Hindi na ako nagreklamo pa dahil hindi niya rin naman ako papayagan.

Sabay-sabay na kami pumunta sa restaurant. Bale may pancake, shanghai, tuyo, tomatoes, rice, corned beef, and pizza. Typical breakfast lang naman.

Naglibot-libot kami sa beach. Ang dami rin mga puno at mga halaman. Pumunta rin kami sa kabilang pool dahil magliwaliw. Nasa likuran ko rin si Zyle na panay cellphone habang naglalakad. Wala pa naman silang balak maligo since may trabaho pa kami.

After almost 1 hour ay bumalik kami sa room namin. Dahil sa nakaligo naman na ako ay inayos na ni tita Lei ang buhok ko. She also put a makeup on my face and inihahanda na ng team ang mga isusuot namin sa labas.

Limang pares ng damit ang kinailangan ko ishoot. Una is white floral off shoulder dress na kinuhanan sa tabi ng beach may mga shoot din na kasama ko si Zyle na nakasuot ng white short sleeve at shorts.

Panay pa ang hawak ni Zyle sa baywang ko kaya mas lalo akong naiilang. Ayoko na sobrang lapit niya dahil baka marinig niya ang tibok ng puso ko at mahalata niyang kinakabahan ako.

The 2nd one is evergreen fog Knitted push up pad swimsuit short sleeve two piece swimwear. Habang si Zyle namam ay naka-half-naked at tanging shorts lang ang suot at nakasunglasses habang ako ay nakasuot ng straw hat white brim floppy beach cap. Sa beach at sa pool kami nag-shoot noon habang ang mga kasama namin ay busy rin sa shoot na mayroon sila na sila rin ang magkakasama.

The third one is so simple and I love it. We're wearing couple outfit. We're both have a sunglasses. Nakatali rin ang buhok ko into two ponytail dahilan para mag-mukha akong bata at suot ko patin ang cap na gamit ko kanina. White shirts na may front print na parang island at may ulap at araw din and shorts namin ay parehong blue mas maiksi nga lang sa akin at mahaba sa kaniya. Magkahawak ang kamay namin habamg ang isang kamay ko ay nakahawak sa suot kong sumbrero at nasa labi naman niya ang hintuturo niya.

"Bagay na bagay talaga kayo," sabi ng may hawak ng mga damit namin. "Grabe sobrang bagay."

Ngumiti lang si Zyle kaya maging ako ay ngumiti lang din. Hindi ko naman alam ang sasabihin ko kaya minabuti ko na lang na manahimik.

The 4th one is a simple sport style one. Nakablack sport bra ako at white denim shorts. Nakahigh ponytail naman ang buhok ko at naka-sunglasses. Si Zyle naman ay naka-black shirts at naka-white khaki shorts at naka-sunglasses din.

"Ayos na ba talaga ang pakiramdam mo?" Tumango ako habang naghahanda pa ang team. "Kapag hindi ka okay sabihin mo. Baka mabinat ka eh." Tumango ako.

Nakaalalay siya sa akin na tila parati akong mawawalang bata. Malinggat lang siya ay parang akala mo naman hindi okay na mawala ako sa tabi niya.

Last ay ang all white couple outfit. Naka tube crop top ako at isang mahabang palda na may slit sa gilid. Ang hikaw ko ay Fringed Pineapple Earring Earrings habang si Zyle naman ay naka-3/4 white sleeves. Hindi nakabutones ang damit niya kaya kitang-kita ko ang katawan niya na mas lalo kong ikinailang. Baka lagnatin ako sa nakikita ko at kagagaling ko pa lang din naman. Nakawhite pants siya at pareho kaming nakapaa lang.

STRIPPING THE TRUTHS [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon