Kabanata 31
Karga-karga ko na ngayon ang anak ko. Hindi ko maipaliwanag ang saya na nararamdaman ko. Tila nakalutang pa rin ako. Hindi ko alam na ganito pala yung feeling. Ang sarap lang na ngayon nasa mga bisig ko na siya. Sobrang saya ko na hindi ko na maipaliwanag ng maayos basta ang alam ko sobrang saya ko.
"Promise ko sayo anak na gagawin ko ang lahat. Parating nasa tabi mo si mommy. Hindi ako magiging katulad nina mama at papa dahil alam ko ang pakiramdam ng isang anak na tila walang boses at walang karamay. Hindi ko lang uulitin pagkakamali nila. Don't worry ipapakilala rin kita sa kanila."
Nang magring ang cellphone ni Ally na nasa may side table ay kaagad ako napalingon doon. Napatingin ako kay Ally na halos nakabaluktot na sa sofa habang natutulog kaya iniabot ko na lang ang phone niya habang karga ko ang anak ko dahil kaya ko naman.
"Hello?"
[Neng? Nasaan si Ally? Magkasama kayo?] Nakita ko na natutulog si Ally sa sofa at talagang deserve niya naman matulog. Linggo naman na ngayon kaya naman dapat umuwi muna siya matulog. Wala na siyang pahinga. [Neng?]
"Nandito kami sa *** hospital. Puntahan mo na kami ngayon. Huwag ng marami tanong."
Umaga na at kahit papano ay nakabawi naman na ako ng lakas. Kanina pa ako nakamasid sa anak ko na mahibing na natutulog habang karga ko. Sobrang nakakainit sa puso habang nakikita ko ang maamo niyang mukha.
"You're my light, Star. Mommy will always here to protect you. Ganda ba name mo? Want mo ba?" Nakita ko ang pag-galaw ng daliri niya kaya natawa. "My baby Star."
Halos hindi pa isang oras ang nakalipas ay nagbukas na ang pinto. Nasa private room kasi kami dahil na rin sa kagustuhan ko at ni Ally. Nakita ko na sabay na pumasok si Worth at Rome. Nagkasabay na siguro sila sa pagpasok.
"Nakita ko yan. Sakto ikaw din hanap. Omg! It's a girl ba or it's a boy?" Kaagad na lumapit sa akin si Romelyn. "Cute. Don't worry, baby. Ninang Rome will buy you everything you want."
"Girl."
Natuod si Worth sa kinatatayuan niya. Nakatakip ang kamay niya sa bibig niya na tila hindi makapaniwala sa nakikita niya. Napahalakhak pa ako ng bahagya dahil kung hindi nakahawak ang kamay niya sa edge ng pinto ay baka kanina pa siya natumba.
"Mukha kang ama na biglang-bigla," natatawang sabi ko. "Ayaw mo lumapit?"
Napailing pa siya na tila hindi pa tuluyang nagpoproseso sa kaniya ang nakikita niya. Nang tuluyan na siyang makalapit ay hinawakan niya ang kamay ng anak ng bahayad at maingat.
"She's so cute," he whispered. "Natatakot ako na baka mabalian siya. Nakakapang-gigil. I thought nakunan ka?"
"I had a twin but I lost one of them. Gusto mo kargahin?" tanong ko. Napalingon siya kay Ally na nakatulog na sa sofa. "Wala pa halos yan tulog ilang araw na. Kaya pala kita pinapunta rito para iuwi muna siya."
"Okay. Pero pakarga muna kay baby?"
"Star. Star Zayleen," nakangiti kong sambit.
Maingat niyang kinuha sa akin ang bata. Romelyn is recording the scene at nakangiting nakamasid sa dalawa. Kahit papano alam ko na kahit walang kagigisnang tunay na ama si Star ay alam ko na nandito si Worth para tulungan ako.
"Hi, baby Star. I'm your daddy ninong. Ang cute mo. Hawig kayo ng Mommy Ninang mo noong bata pa siya."
Napakunot ako ng noo. Sa dami ng masasabing hawig kay Ally pa? Paano naman ako na ina ng bata?
"Nambibigla naman ang mommy mo. Welcome to this world. Don't worry, daddy ninong will be your knight in shining armor." Nang umiyak ito bigla dahil nagising ay nataranta si Worth. "Neng, ikaw na. Baka gutom na."
BINABASA MO ANG
STRIPPING THE TRUTHS [COMPLETED]
Teen FictionInfinity Series #3 Sharise Del Mundo The truths between off-cam and on-cam. Posted: July 28, 2021 Finished: November 29, 2021