Kabanata 3
Dahil sa malapit na nga mag-exam ay nag-download ako ng tiktok. Nanonood ako ng mga kung anu-ano para naman makalimutan ko ang sitwasyon ko sa bahay. Naghahanap lang ako ng happy pill.
Nang mag-message sa akin ang isang tito ko ay kaagad ko nireplyan. Sinabi nito na pwede niya raw ako kunin sa bahay. Matagal niya na itong sinasabi sa akin. Gusto ko rin itry maging isa sa mga hinahandle niyang mga artist.
Ayaw nga lang nina mama. Baka nga kapag bumagsak ako ay itakwil na nila ako.
Kailangan ko pa rin magpaalam kina mama kahit alam ko na hindi naman nila ako papayagan.
Madaling araw ay gumising ako. Kailangan ko maglaba kasi wala naman naiiwan sa bahay namin para gawin iyon. 2 am ay kaagad akong naglaba. Halos 4 am na ako matapos. Nakapag-saing na ako at magluluto na lang ako ng ulam. Inaantok ako pero kailangan ko kayanin.
Nang magising si mama ay hindi na niya ako pinakilaman pa. Matapos ko magluto ay nag-plantsa ako ng uniform nilang lahat maging ng akin. Halos malapit na mag-6pm ng matapos ako. Naligo ako ng mabilisan. Napagalitan pa ako kasi ako naman daw ang huling umaalis nakipag-unhan pa ako sa mga kapatid ko.
7 am ay tuluyan na silang nakaalis. Malilate na naman ako sa lagay ko. Mabuti na lang at pagdating ko sa school ay wala pa teacher namin.
Tito Racky;
Sabihin mo kay mama mo. Ako na magpapaaral sa'yo. Gusto mo turuan pa kita sa pag-bavlog eh. Alam ko na nahihirapan ka na diyan. Kahit si papa mo hindi pa rin matanggap ang trabaho ko pero mas malaki pa nga nakukuha kong kita.
Me;
Sige po. Salamat, tito.
"Next week na exam natin. Monday daw and Tuesday. Kailangan na natin mauna since graduating tayo. Makakapasa tayo. Sure yan," sabi ni Joanne kaya ngumiti lang ako.
"Makakapasa tayo. Let's claim it," nakangiti ko namang sambit.
Habang wala pa ang sunod na teacher namin ay saka ko naalala ang vlogger na nakasabay namin. Kaagad ko hinanap ang youtube channel niya at nakita ko nga ito. May 15k subscriber at may sampung video content pa lang. Una ay tungkol lang sa kaniya at ang iba naman ay tungkol lang sa gala.
Ang cute at ang g'wapo niya. Matangkad, maputi, ang buhok ay parang gupit ng korean, ang amo ng kaniyang mukha at nakabrace rin ang ngipin. Ang pormahan ay tila talaga korean.
Hindi ko na natuloy pa ang panonood ko ng vlogs niya ng pumasok na ang next subject teacher namin. Antok na antok na ako kaya naman nakatulog na ako buti na lang at siniko ni Joanne.
Hindi na ako sumama pa kina Joanne. Umuwi na kaagad ako dahil kailangan ko pa magsaing, maglaba, at mag-ayos ng kung anu-ano sa bahay.
Nang dumating ang mga kapatid ko ay nilabhan ko na ang mga uniform nila. Nakapagsaing na rin ako at nakapagluto ng ulam. Nagkulong na ako sa k'warto ko para magsimulang magsulat para sa reviewer ko.
Hindi na umimik pa sina mama. Nagpatuloy na lang ako sa pagrereview.
*****
Kinaumagahan ay hindi ako lumabas ng k'warto. Minabuti ko na magreview na lang. Kahit papano ay may pahinga ako kasi si mama ang gumagawa ng mga trabaho ko araw-araw.
Nang mapagod ako sa pagrereview ay nahiga ako. Sabi ko sa sarili ko 15 minutes break. Nanood ako ng vlog ni Zyle. Napapangiti ako sa mga reaksyon niya. As in hindi ko namalayan na naubos ko na panoorin ang nga vlogs niya at naging 3 hours na pala ang break ko na sabi 15 minutes lang.
After ko kumain ng lunch ay ako ang naghugas. After ay balik ulit ako sa k'warto ko saka ako nagreview. Tuluyan ko na nga inilayo sa tabi ko ang cellphone ko. Hiniram ni Dawin at maglalaro raw. Wala naman ako naiintindihan masyado pero inabit ako ng gabi na may namemorize naman ako.
Pinipilit ko isaksak sa utak ko na kailangan ko makapagtapos ng walang naibabagsak na subject kasi kahit papano alam ko na hindi ko pinabayaan ang pag-aaral ko.
Isa kasi sa weakness ko yung alam mo naman na nga na ginawa mo na ang lahat pero hindi pa rin sapat.
Nang makatulog ako sa gabi ay halos maluha ako. 4 am na ako nagising at nagsaing ako na umiiyak na. Hindi ko na kasi natapos yung irereview ko. Kung anu-ano na ang pumasok sa isip ko. Kaagad ako naligo after, sa cr na ako umiyak ng umiyak.
Wala na. Baka bumagsak na nga talaga ako ng tuluyan.
Ayoko man lumabas pero kailangan. Nagbihis kaagad ako ng uniform ko kahit 6am pa lang. Kumuha lang ako ng tinapay at nilagyan ko ng palaman at nagpaalam na ako na aalis na ako. 6:30 pa lang pero wala eh, naiiyak lang ako.
Dumiretso ako sa simbahan. Doon ako nakayukong nagdarasal. Humihikbi na ako pero pinagpatuloy ko pa rin ang pagdarasal.
Nang naramdaman ko na may umupo sa kung nasaan akong upuan ay nanatili lang akong nakayuko at nakasandal ang noo sa dalawa kong kamay pinagsikop ko.
"Hey! Are you crying?" tanong nito pero hindi ako nag-angat ng tingin. "Want some chocolates? Iiwan ko lang dito sa tabi ng reviewer mo. Good luck. Kaya mo yan." Nang maramdaman ko ang pag-alis niya ay dahan-dahan kong inangat ang ulo ko.
Zyle?
Nakalayo na kaagad siya. Napatingin ako sa tatlong chocolates na iniwan niya sa ibabaw ng reviewer ko. Napangiti ako ng kusa at kaagad ko pinunasan ang mga luha ko.
"Tama ka, Lord. Kailangan ko maging matatag. Paano ko maasawa ang crush ko kung ilulubog ko ang sarili ko sa disappointment na nararamdaman ko sa sarili ko." Nakangiti akong tumayo at nagpupunas ng luha. "Sabi ko sign para hindi na ako umiyak tapos bagong crush ko pa ang naging instrumento mo. Love na love mo talaga ako, Lord. Bye na po. Salamat."
Nakangiti akong lumabas ng simbahan. Dumiretso na ako sa school at kaagad na nagreview ng subject na una naming ititake.
Inspired ako dahil mukhang pati si Lord nisiship kaming dalawa. Nagulat pa sina Joanne at Chessca sa pagiging maaga ko pero well masaya rin ako kasi nakita ko ang future ko.
Salamat sa jeep na nasakyan namin noon, salamat sa tulong ni Ally at sa connection niya, at higit sa lahat kat Lord. May bago na akong crush. Inspired na ako.
Natapos ang exam na masaya ako. Nasagutan ko naman at tinulungan naman ako ng dalawa kong kaibigan na patago. Sorry na kaagad kay Lord kasi kagagaling ko lang kanina sa simbahan pero nagcheat ako.
Sana kami pa rin ang ship niya ng crush ko. Dumiretso ulit ako sa simbahan at inamin ko ang pagkakamali ko. Humingi ako ng tawad kasi nangopya at nagpakopya ako.
One for all, all for one kasi. Alam ko na makakapasa ako. Kahit papano. Inspired by my new crush.
BINABASA MO ANG
STRIPPING THE TRUTHS [COMPLETED]
Fiksi RemajaInfinity Series #3 Sharise Del Mundo The truths between off-cam and on-cam. Posted: July 28, 2021 Finished: November 29, 2021