Kabanata 12

9 2 0
                                    

May tatlong tatlong klase ngayon. Dahil na rin sa kagustohan ko ay pinayagan naman ako ni tito. Okay lang din naman magvlog sa school as long na hindi makakaabala sa klase. Nagpaalam na rin ako sa prof and and okay naman daw as long na hindi okay lang din sa iba.

Maaga ako nagising at nag-intro ng vlog. Wala pa nga akong ligo. Medyo paos pa rin boses ko dahil sa kagigising ko lang.

"Hi, guys. As what you see wala pa akong ligo. Woke up like this ang aking sistema now. So for todays vlog, sa school tayo. A day with a math major student. Yeah, masakit sa tainga. So ayon see yah."

Pagkababa ko ay naghahanda si Zyle ng breakfast. Marami na ring foods ang nasa table mukhang para naman iyon sa lahat since marami kami sa bahay dahil sa mg artist ni tito.

"Morning," I greeted.

"Good morning," he greeted back while keeping on smiling. "Your recording?" I nodded. "Good morning, vlog. Have a good day," sabi niya sabay kindat.

Nagtimpla ako ng kape habang siya naman na ang may hawak ng camera. Nang maupo ako ay kami ng dalawa ang nasa harap ng camera. Nagrecord lang ako habang kumakain kami.

"Mamaya pa ang klase ko so ihahatid ko siya sa school niyo."

"Weh?" takang tanong ko.

"Oo nga po," natatawa niyang sambit. "Ihahatid kita."

Nang makarinig kami ng yabag sa hagdan ay pareho kami napalingon ni Zyle. Si tito iyon at ate Diane. Halata sa mga mukha nila ang antok kaya natawa ako ng ang sama ng tingin sa akin ni ate Diane.

"Ang agang kay tamis. Who cooked?"

"Siya." Turo ko kay Zyle na may nakasalampak na tinapay sa bibig. "Don't worry marami na siyang niluto kaya para na ito sa lahat."

"Good," tanging sagot ni tito.

Nang matapos magbreakfast ay si Zyle ang may hawak ng camera. Hinayaan ko na sa kaniya kasi maliligo at mag-aayos pa naman ako. Nagmadali na ako sa pagligo, pag-aayos ng sarili, at kung anu-ano pang mga dapat kong gawin.

Nang kinuha ko ang bag ko at ang libro ko ay lumabas na ako sa kwarto ko. Kasalukuyan kong binubuksan ang liptint ko habang yakap ko ang librong dala ko.

"Eman, pahawak!"

"Anong hahawakan ko?" Napatigil ako sa pagbubukas ng liptint habang pababa ako sa hagdan. Natawa ako ng malakas dahilan para mapalingon sila. "Hoy! Same na tayo magrespond sa mga bagay-bagay, Sha."

Tinampal ni Zyle ang braso ni Eman dahilan para ngumuso si Eman at saka kinuha ang camera kang Zyle at itinutok sa akin.

"Linawin mo kasi, Zyle. Basta mo na lang din ibinigay sa akin ang camera. Akala ko kung ano ipapahawak mo."

Hindi ko na mabuksan-buksan ang liptint sa kakatawa. Nahahawaan na talaga ako ng mga taong kasama ko. Kung hindi nagdodoble meaning nag-iiba ang meaning.

"Ako na." Kinuha sa akin ni Zyle ang liptint at saka niya ito binuksan. "Open your mouth so I-"

"So I can kiss you properly?" inosenteng tanong ni Eman. Nilingon siya ni Zyle at mukhang tinignan siya ng masama. "Hindi naman na ito mabiro pa. Kiss mo ko, Sha. Nagsisahare ako ng liptint through my lips."

"Bakit ako ba gusto mo halikan?" tanong ko sa kaniya pero nagulat ako ng inaangat ni Zyle ang baba ko at seryosong nillalagyan ng tint ang labi ko. "Ang lapit mo."

Super kasi ang lapit niya bonus pa yung pagkakahawak niya sa baba ko. Dinadaga tuloy ang puso ko.

"Pasentabi po. Malilate na yang si Sharise," sabi ni Eman kaya ako na yung lumayo kay Zyle. "Isa-oras ang kalandian."

Nagsountrip lang si Zyle sa loob ng sasakyan habang nagrerecord ako sa may bintana. Ganito kami kapag walang camera. Were friends and no sweet moments like sa mga couple. Pagiging boy bestfriend talaga ang makikita mo sa kaniya kaya okay lang din naman.

Nang makarating kami sa school ay pinagbuksan niya ako ng pinto at nagrecord na ako. He also gave me a kiss on my head before going inside the car. Nang makapasok na siya sa sasakyan ay hawak ko ang camera habang kumakaway ako sa kaniya.

"Hi, vlog. Welcome to my life." Napailing na lang ako sa kakulitan ni Rome. "May extra battery ka bang dala?" tanong niya and I just nodded.

So Rome become the star of my vlog. Siya halos ang may dala ng camera pero syempre kasama niya naman ako at parati na lang ako ang topic sa mga tanong niya. After namin sa isang subject na puro discussion ay dumiretso kami sa cafeteria.

"Guys, say hi to Zyle and Sharise vlog." Kaagad naman sumunod kay Romelyn ang iilang blockmates namin. "Grabe ang saya. Pashout kami, Zyle. Promise kami bahala kay Sharise kapag nagkataon."

Bumili kami ng pancit, burger, at drinks. Bumili pa si Romelyn ng fries dahil hindi raw kompleto ang araw niya na walang fries. 10:45 na at may klase pa kami ng 11:15 for next subject.

Nang pumunta na kami sa next subject namin ay kaagad ako naghanap ng mauupuan. Inilabas ko ang notebook ko. Inirecord din ni Romelyn at inireveal laman ng bag ko.

"Notebook, ballpen, pencil case, at wallet. Grabe may pacalculator siya, at liptint. Nakakainspire ka naman ang dami laman ng bag mo."

"Ganoon kasi dapat. Pumapasok ako sa school na maraming laman ang bag pero walang laman ang utak. Okay lang at least may laman ang bag," pagpapaliwanag ko.

Nagmeeting lang kami para sa reporting namin at after ay naglesson. Hindi na ako nagrecord dahil tinatamad ako. Halos malunod na ako sa dami ng numbers. Nakakamatay ang math diba? Pero nakakamatay naman lahat ng subject sa college.

Hinayaan ko rin mga classmate ko sa pagbavlog ng matapos ang klase namin pero hindi pa tapos ang time. Natatawa na lang ako kasi kung kani-kanino na napunta ang camera. Tiyak na pahihirapan nila ang mag-eedit. Bahala sila ang gugulo nila.

Dahil 1pm na ay lumabas kami at bumilii ng foods dahil may klase na kaagad kami ng 2pm. Kumain kami ng grahams ball dahil may dala isa naming classmates. Nakipagplastikan kami kaya nakaburaot kami ni Romelyn.

Pati mga lalaki kong blockmates panay ang pakikipag-gulo sa vlog. As in halatang-halata na mas mukhang nasa palengke kami kaysa nasa school.

"So kamusta pagiging Zyle's girl?" tanong ni Romelyn ng kami na lang ang magkasama ng matapos ang klase kasi may mga gala pa raw yung iba. Syempre nakasubsob pa rin mukha namin sa camera. "Padeadbat na kaya sumagot ka. Want lang din namin malaman side mo."

"Okay lang naman."

Hindi ko alam if itinadhana bang mamatay na ang camera para hindi na ako makapagsalita pa ng mga kasinungaligan. Hindi na ako kinulit pa ni Rome dahil pagod na rin naman ako. Nagcommute na lang ako pauwi. Pagkadating ko sa bahay ay kaagad ako nakatulog ng hindi man lang nakapagpalit ng pambahay na damit.

Sobrang napagod na talaga ako to the point na kinaumagahan na ako nakapag-end ng vlog syempre kasama ulit si Zyle.

STRIPPING THE TRUTHS [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon