Kabanata 20

6 0 0
                                    

Kabanata 20

Hindi ko magawang harapin si Zyle matapos ang nangyari. Tanging sina Eman at Vicky ang siyang nakakapasok sa kwarto ko at sinabihan ko sila na huwag papasukin si Zyle ano man ang mangyari.

"Nag-away ba kayo?" tanong ni tita Lei bago niya inilapag ang isang basong tubig sa side desk sa kama ko. "Kanina pa siya nangungulit sa amin pero problemdo si sir sa nangyayari sa  career ni Glyssa kaya hindi na lang siya nangungulit sa tito mo. Mukhang wala na rin balak pa ang tito mo na papir-mahin pa si Glyssa para sa bagong kontrata. Tama naman yun. Mas mabuting huwag muna siya mainvolve sa social media."

"Ano ng nangyayari, tita Lei? Bakit feeling ko nagkakawatak-watak na ang mga artist ni tito." Ngumiti siya at hinawi ang buhok niya at tinarayan ako. "This is suck."

Kita ko kung paano mastress si tito araw-araw. Paanong galit siya off cam pero nakikisama at masaya on cam. Hindi madali ang trabaho niya kaya naman talagang nakaalalay si ate Diane sa kaniya at si

"Akala ko ba sanay ka na?" Akala ko nga rin eh. "Alam mo, Sha dito na umiikot ang mundo natin. Ako nga daming basher dahil sa trans ako hindi raw ako bagay dito pero still nandito pa rin ako. It's about the talent."

"Pakapalan na lang talaga ng mukha," sabat naman ni Vicky.

"Buti kayo talent ako kasinungalingan lang naman. Hindi ko na alam kung alam yung hindi sa camera lang eh. Nakakaligtaan ko na ang mga bagay na nakasanayan ko na noon."

"Ang sabihin mo hindi mo na siya kayang kasama. Kung masakit na noon mas masakit pa ngayon. Alam mo, Shâ, bilib ako sayo kasi nakakayanan mo. Kasi ang tapang mo kasi years na. Years ka na nagpipigil at nagsusunod-sunuran para sa content. Well hindi ka naman pinipilit ng tito mo dahil grabe nga ang pag-aalaga sayo pero sure ka na kaya mo pa? Mukhang malalim na eh."

Ayoko aminin. Ayoko may makaalam kahit na alam ko sa sarili ko na hindi ko na kinakaya makisama dahil sa may nararamdaman ako sa kaniya at lunod na lunod na.

Kahit papano ay nabawasan ang bigat sa dibdib ko ng makausap ko si Lei-Lei. Minsan lang siya nandito sa bahay dahil sa kanila pa rin siya kadalasan nauwi dahil sa iyon ang gusto ng tatay niya. Bilib din ako sa parents niya lalong-lalo na sa tatay niya na sobrang support talaga sa kaniya.

Halos magtalukbong na ako dahil sa lamig. Nagulat ako ng magkaroon daw ng interview kay Glyssa dahil na rin sa sinabi ni tito na magsampa ito ng kaso. Yes, hindi na pumayag si tito na pumirma pa si Glyssa ng bagong kontrata pero talagang desidedo si tito na hikayatin siya na magsampa ng kaso dahil sa walang alam si Glyssa sa pagpapakalat ng video na iyon.

Bakit may mga lalaking ganoon? Parang hindi naturuan ng pagrespeto. Dapat sa mga ganoong klaseng tao isinusuka na ng mundo.

"Hey!" Napalingon ako kay Zyle na may dala ng pagkain. "Sorry pero gusto kita bantayan. Walang pero-pero, Shai."

Wala naman na akong magagawa pa.

Naka-jersey shorts lang siya at nakasando. Kitang-kita ko tuloy ang braso niya. Tambay din naman siya sa gym kaya hindi na ako magtataka. Paminsan-minsan ay isinasama niya rin naman ako.

Sinubuan niya ako ng sopas. Suya raw ang nagluto at talagang masarap. Sa aming dalawa siya ang marunong at masarap magluto. I mean I know how to cook too but it's taste is always worst and unexpected.

Akala ko aalis siya after ko makakain pero nagulat ako ng tumabi siya sa akin. Pinagtututulak ko pa siya at nagulat ako ng bumukas ang pinto. Pumasok si Eman at Vicky habang may hawak na phone.

"Ganito sila kasweet," sabi ni Eman sabay harap sa amin ang hawak niyang phone. "Nandito si papa Zyle kasi may lagnat ang aming prinsesa."

It turns out that they are trying to manipulate everything. Kapag hindi ayos sa ibang artist kami ang parating kinukuhanan ng content ng halos buong team. Yung tipong alam na nila kahit hindi na magsabi pa si tito Racky.

STRIPPING THE TRUTHS [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon