Kabanata 24

4 0 0
                                    

Kabanata 24

"Sure ka?" Tumango ako habang inaayos ko ang gamit ko. Katatapos pa lang ng klase namin ngayon at pagod na pagod na ako sa pagiging student teacher. "Natatakot na ako Sharise. Pang-ilang ulit na yan ah. Sinabi mo ba kay Zyle?" Umiling ako.

"I'll deal this. Tsaka alam mo nasa bahay lang namin kung sino man ito. Sa loob ng bahay walang pwede maglabas ng mga sektrito dahil lahat naman masisira. Nalala mo si Wacky at Gela?" She nodded. "Nagkabalikan sila dahil lang sa career. After that wala lang parang naging sila rin yung nasa sitwasyon namin. At ngayon tuluyan na silang nabuwag."

After what happened sa bahay ay siya namang paglabas ng issue ng couple vlogger na sina Wacky at Gela. Nagkabalikan pero sa harap na lang ng camera ngayon naman ay nagkani-kaniya na sila.

After din ng mga nangyari doon ko lang napansin ang message ng isang tao. Na alam niya ang nangyayari sa loob ng bahay. Alam niya ang lahat ng galaw at pagmamanipula ni tito. Lahat-lahat daw alam niya.

Halos sa isang linggo isa ang threat na sinasabi niya dahilan para mapatakot ako. Kaso sa tuwing iniisip ko na masisira ang lahat at hindi ko gusto iyon dahil ayoko mahirapan si tito ay mas lalo akong nangangamba.

Ayos lang sana kung ako lang yung maapektuhan pero nandyan si Zyle, si tito, ang lahat ng talents. May maniniwala pa ba sa amin? May hahangga pa ba kung lahat ay pakitang camera lang? Na ang lahat ay para lang sa trabaho. Na ang lahat ay walang halong katotohanan. Baka itakwil na kami mundo kaya paano na lang. Paano na lang kaming lahat?

"Natatakot na ako para sayo. Paano kung dangerous pala yan? Paano kung may gawin yang masama? Nakakatakot, Sharise."

"I'm fine, Rome. Kaya ko and wala pa naman siyang hakbang na sinisimulan. Kaya ko pa."

That time na sinabi ko kay Rome ang mysterious texter ay mas lalo talaga siyang nangamba sa safety ko. Sa kaniya ko lang nasabi dahil sa kaniya ko lang naman talaga nasasabi ang lahat ng problema at issue ko sa buhay.

After din ng pangyayari sa bahay noong nailabas ko ang kinikimkim ko ay patuloy pa rin ako sa paghulog sa atm nila pero mas lalo akong nasasaktan na makitang ni piso ay wala silang ginagalaw.

Bakit kailangan pa nila na ako yung mag-overthink? Bakit kailangan na ako pa yung maguilty? Bakit ako pa rin?

Simula noon ay hindi na muna ako bumalik. Ayoko pa. Nahihiya ako sa mga pinagsasabi ko. Nakakahiya at alam ko na lumampas na ako sa linya. Pamilya ko pa rin sila at magulang pero noong araw na iyon ay tila nawalan na ako ng respeto sa kaniya dahil sa pag-sigaw ko. Nakakahiya ang inasal ko kaya hindi ako umuuwi.

Nang makita ko na nagchat si Worth ay kaagad ako nagreply.

Worth;

Kita naman tayo, Neng. Miss na miss na kita. Sunduin kita. Nandito ako ngayon eh kasama ko si Ally kaya sige naman na.

Ako;

Sige. Chat ko where ako. Miss you too, baks.

Makalipas lang ang halos isang oras ay may sasakyan ng huminto sa harapan ko. Nasa harap lang naman ako ng school kung saan ako naassign and hindi naman super dami ng students at tao kaya feeling ko ramdam ko yung dati kong buhay.

"Pasok," sabi ni Worth ng pinagbuksan niya pa ako ng pinto. "Grabe nakakaganda pala ang pag-bavlog. Minsan naman share ka naman ng mga product na iniendorse mo at ng maitry ko naman." Sinimangutan ko siya at ako na mismo ang nagsara ng pinto kaya dumiretso na siya sa driver seat.

Akala mo naman sa kaniya hindi clear skin. Kahit noon pa mas babae pa ang kutis niya sa mga kutis namin. Iba talaga pag-kutis mayaman.

"Kamusta naman kayo ni kuya?" tanong ni Ally na nasa front seat. "I mean may mga maliliit ng chika na may ibang babae raw si Zyle. Okay lang sayo? Napag-uspan niyo na setup niyo?"

Tila may kutsilyong bumaon sa dibdib ko. May usapan naman kami. Kapag may taong mahal na siya or may taong gusto siya parati niya sabihin sa akin para alam ko kung saan ako lulugar ganoon din siya

"Saan mo nakita?"

"Hindi ko na maalala. Akala ko pa naman aware ka. Tigilan mo na yan. Ikaw lang dehado bandang huli," sabi ni Ally na lumingon pa sa bahagi ko. "It's not healthy anymore, Sha. 4 years niyo na niloloko ang public pati ang mga sarili niyo."

Naging tahimik lang si Worth na tila nakikinig lang sa usapan naming dalawa. Wala nga palang alam si Worth.

"Paano? Umaasa ako, Ally. Paano na ako pag-wala siya. Nandito lang naman ako sa mundong ito kasi dahil sa kaniya."

Worth sighed.

"May sarili ka naman ng fans. Alam mo sobrang tagal na kayong naglolokohan. Sa mga ikinikwento mo puro lang siya action at walang verbal answer. Hindi naman okay na parati siyang magbibigay ng false hope. Kapag masakit na lumayo ka na. Kapag alam mo na nga sa sarili mo na wala lang naman huwag ka na magbulag-bulagan. Deserve mo naman na mahalin ng taong totoo ang nararamdaman para sayo."

Ano pa bang magagawa ko? Kung totoo nga na may iba na siyang babae ano naman ang laban ko? Ako katrabaho at kaibigan lang. No more no less.

Kaya ko pa naman.

Dumiretso kami sa isang restaurant at si Worth na raw ang bahala. Hindi ako makapaniwala na lahat ng serving ay puro gulay pati mukha ni Ally ay halos mapunit na sa kakangiwi habang nagbubukas ng menu.

"Ang pangit mo naman kabonding, Worth. Gosh! Pizza na lang sa akin, at itong pasta with veggie kahit mukhang hindi ko kaya. Hamburger na rin at pineapple juice na lang. Gosh! Kaya ko ba ito?" tanong ni Ally. "Ayoko na sumama sayo ulit, Worth. Kung kami lang ni Sharise baka ng street food na lang kami sa lagay naming puro gulay."

"It's bad, Ally."

"Uso naman na gora kahit bawal."

Nag-order ako ng veggie pizza, veggie salad, at fruit shake. Halos ngumiwi si Ally habang kumakain pero pinilit siya ni Worth at siya ang mababayad kapag hindi niya naubos nag pagkain niya.

"Worth, nahati ko na. Ayoko na talaga nitong pasta. Parang awa mo na." Pagmamakaawa ni Ally kay Worth. "Hindi ko na kaya."

Napailing na lang ako habang patuloy pa rin ako sa paglantak ng akin.

"Fine. Akin na nga ako na uubos. Sayang naman. Alam mo ang payat mo tapos hindi ka pa kumakain ng gulay. Mukha ka ng tangkay ng puno, Ally. Akala mo naman nakakasexy yan."

"Walang may pakialam," maikling sagot ni Ally.

"Ako kaya. Tanga neto." Mas lalo ako naasiwa sa sinabi ni Worth na pati si Ally hindi na rin maipinta ang mukha. "I'm just telling the truth."

Natawa na lang ako habang nakikita ko sila. Successful naman si Worth sa pagiging writer niya at ilang libro at book signing ang nagawa niya. Ni isa doon hindi na ako nakapunta man lang. Nakakahiya pero lagi na lang din ako nag-memessage sa kaniya kaya naman kahit papano ay talagang nagkakausap naman na kami.

Akala ko uuwi na kami pero dinala pa kami ni Worth sa isang coffee shop. Napag-usapan din namin kung ano yung mga gusto namin. Natatawa na lang ako na nakalimot na ako sa simpleng mga bagay na gusto ko noon.

"Diba gusto natin magpatayo ng coffee shop noon? Tapos sama-sama tayo or kahit isa man lang makatupad noon ay okay lang. May mga books since we also becomes a reader, may mala-aesthetic na vibe kasi yun naman halos ang gusto ng karamihan."

Doon lang pumasok sa isip ko lahat ng simpleng buhay na gusto ko. Dahil sa nga sinabi ni Ally naalala ko kung ano ang pangarap ko.

Gusto ko magkaroon ng sariling bahay. Makapag-patayo ng coffee shop at grocery store para sa pamilya ko. Gusto ko simple at walang inaalala pagdating sa publiko. Gusto ko tahimik at may privacy pero lahat ng iyon nakalimutan ko simula ng maging vlogger ako. Nawala ang simple at tahimik napalitan ng kasinungalingan at ingay.

Tila nakalimutan ko kung ano ako noon. Nakalimot ako dahil kinain ako ng sistema dahil sa natutuwa ako na may naitutulong na ako sa pamilya ko dahil sa kita ko sa pag-bavlog at sa mga ibang projec8at endorsement. Nakalimutan ko na ang dating ako. Nakakatakot yun pero yun ang totoo.

STRIPPING THE TRUTHS [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon