Kabanata 39
Dahil sa biglaang pag-aaya ni Joanne na pumunta aa bar ay sumama na ako. May bantay naman si Star at gabi na rin naman kaya naman sinamahan ko na siya. Hindi ko alam kung may problema ba siya dahil sa pag-aaya niya.
"Hoy! Uso mag-open up. Ano? Okay lang, I'm all ears, Jo'."
She chuckled before she clapped after driving her vodka.
"I wanna get lost. Tapos kung sino makakuha sa akin bahala na. Baka makaramdam ako ng home."
"Hoy!" Natatawa na naman tuloy ako. "Marami kang home. Pwede ka sa amin."
"Hindi pa buo ang home mo. Tantanan mo ako. I'm okay. Need ko lang mag-walwal with waldas."
Napailing na lang ako. Sa aming lahat simula ng magkaroon ako ng Star parang ayaw na nilang pinuproblema ko ang mga problema nila. Hindi ako natutuwa pero may tiwala ako sa kanila.
"Buti ka pa may Star na," sabi niya habang nakatingin sa unahan namin na may mga nagsasayaw. "Kailan ko kaya mararanasang ako naman yung alagaan?"
"Jo', nandito kami."
She nodded.
"Nakakainggit kasi kayo. Sana all. Makipag-one night stand na lang din kaya ako tapos mabubuntis then boom! At least may makakasama na ako sa buhay."
Hindi ko alam ang sasabihin ko. Alam ko na mahirap para sa kaniya ang lahat pero ayokong may masabi ako sa kaniya para mag-udyok sa kaniya para gawin iyon.
Niyakap ko siya at isinandap ko ang baba ko sa balikat niya.
"You have me, you have Star, you have all of us. Kaya ka naming alagaan."
She chuckled.
"Umuwi ka kapag hindi mo na kaya. Iwanan mo ako rito. Seryoso na ako sa one night stand. My gosh! Bahala na! May pambuhay naman na ako sa bata kapag may nabuo."
"Gaga! Tumigil ka!"
Nagulat ako ng magsayaw-sayaw siya kaya binitawan ko na. Pumunta siya sa dance floor at nakipagsayaw. Nanatili na lang ang mga mata ko sa kaniya kasi baka mabastos pa. Lakas na rin ng tama niya. Nagulat ako ng may lumapit na lalaki sa kaniya. Nakamask ito at talagang hindi ko malaman kung sino kaya naman napatayo ako kaagad para lumapit.
"You want a hot one night with me?" tanong ni Joanne na halatang lasing na talaga. Kadiri ang pagtatanong niya. "Ayaw mo? Pangit ba ako?"
"Jo—?" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil yung lalaki ang lumingon. "Oy! Anong ginagawa mo rito? Lapastangan ka?!"
Hinila niya si Joanne papalapit sa akin. "Galit na naman siya kahit wala akong ginagawa eh. Don't worry ako na ang bahala sa kaniya. Baka may pinagselosan lang. Please… gusto ko maayos kung ano man ang mayroon kami. I don't want to let this girl go. Akin na ito. Sigurado na ako kaya ipupursue ko na."
Kinilig naman ang katawang lupa ko. Gusto ko na lang magpakain sa lupa.
"Fine. Pero please, promise me na wala kang gagawin sa kaniya. I mean lasing siya at gusto niya ng one night stand please huwag mong sabayan. I mean gusto ko maayos kayo pero baka lalo kayo masira kapag…"
"Don't worry I'll own her when she's not drunk. I want her in fully attention to me hindi yung hindi niya maalala kapag gumising na siya."
"Ay bet! Sige na. Iuwi mo na. Kapag talaga may nangyari diyan kay Joanne ako papatay sayo."
"Don't worry. She's safe with me."
Nang makaalis na sila ay inubos ko lang ang drinks ko bago ako lumabas sa bar. Nagulat ako ng makita ko si Zyle na mas kasamang babae. Bahagya ako lumapit sa kung nasaan sila dahil sa inis.
"Zylex, anu ba?! Can we talk naman?" she asked.
"Can't you just go away?"
"Hoy! You have the opportunity like this na tapos ipagtutulakan mo pa? Zyle, matagal ka na sa industrya kaya naman it's okay to have fun. Vlog lang yun at malaki ang makukuha mo at makakapagtravel ka pa. That's your last chance bago ka tuluyang umalis 'no!"
Narinig ko na rin siya noong may kausap. Ayoko maging hadlang sa buhay niya. Ayoko na tumigil ang mundo niya ng dahil lang sa amin ni Star. He has his life na bago nila malaman ang lahat.
"Uhm, hi." Pareho silang napalingon sa akin. "Don't worry, sasama siya. I'll talk to him."
"Sharise." May halong pagbabanta iyon pero wala akong pakialam. "Don't do this. Let's talk."
Hinila niya ang papulsohan ko pero lumingon ako sa babae. "Tell to your manager na sasama siya."
Wala kaming kibuan sa loob ng sasakyan. Nanatili lang nasa labas ang atensyon ko. Wala rin naman din akong sasabihin. Hanggang s
"Sha, please naman. Can we talk?"
Ayoko, Zyle. Opportunity iyon. Ayoko.
"Naririnig mo ba ang sinasabi mo?!" tanong ko. "Nagkakasakitan lang tayo, Zyle. Nakakapagod na. Sour high, Zyle. Huwag kang tanga."
"Tanga na kung tanga pero gusto ko rito. Gusto ko sa inyo! Last na yun kaya okay lang."
"Pwes hindi okay sa akin! Ayoko! Kung ganito rin naman mas mabuting—" Hindi ko na itinuloy pa kasi makakapagsalita na naman ako ng masasakit kasi galit na ako.
Kanina pa kami nagkokompratahan. Sobrang toxic na, to the point kahit wala naman kaming kami ay nagkakasakitan na kami.
"Daddy." Pareho kaming napalingon ni Zyle sa likuran namin at nandoon si Star. Nakatayo habang umiiyak. "Mommy."
Lumapit ako sa kaniya at yumakap. Dahil sa nangyayari sa amin ng daddy niya siya yung naiipit. Mas nasasaktan ako na makitang nasasaktan siya. Ang sakit mas okay na ako na lang yung nasasaktan. Tatanggapin ko lahat huwag lang siya. Hindi ko kaya.
"Daddy, diba sabi mo may travel vlog ka? Narinig ko rin na may kausap ka." Napalingon ako sa likuran ko at nandoon si Zyle na mahinang tumatango. "Give us space, daddy. Nasasaktan na si mommy."
Napatulala ako sa kawalan sa narinig ko. Nanghina ako dahil sa mga salitang binitawan niya. It's her dad.
"Anak, kahit hindi kami okay ni Daddy don't push daddy away from you. Diba you don't want daddy to go away again?" I asked while wiping her tears. "Anak, it's okay with mommy. You don't need to adjust dahil lang kay Mommy. Baby, Mommy wants you to be happy and I know you want your daddy."
"No. I wanna be with you, mommy. I hate seeing you crying. I hate it to the point that it's okay kahit tayo lang po huwag ka lang mahurt. I want you to be happy, mommy. We can see each other naman ni daddy but I want him to go to that opportunity."
Kaagad ko siyang niyakap. Ayoko lumingon kung nasaan si Zyle dahil bilang ina alam ko na masakit marinig ang lahat ng iyon sa anak niya. I hate to admit that even if I am hurt I don't want him to be hurt by our own daughter.
"Can y-you give me a hug, baby?" Ramdam ko ang panghihina sa boses niya. "Kahit ilang seconds lang. Please…."
Tila nabibiyak ang puso ko. Alam ko na nasasaktan namin ang isa't-isa pero ayoko na anak namin yung magiging dahilan.
"Daddy, I want you to go because we want space. But please come back okay?"
Umalis sa harapan ko si Star. Lumapit siya sa tatay niya. Habang ako halos mamatay na sa pagpipigil ng iyak.
BINABASA MO ANG
STRIPPING THE TRUTHS [COMPLETED]
Fiksi RemajaInfinity Series #3 Sharise Del Mundo The truths between off-cam and on-cam. Posted: July 28, 2021 Finished: November 29, 2021