Kabanata 1

38 1 0
                                    

Kabanata 1

Sa aming magbabarkada isa ako sa walang hiya. Yung tipong kahit saan mo isabak may maibubuga. Akala ko dati okay na. Yun na yun eh. Habang tumatagal mas lalo akong nahihilo. Na lahat ng plano ay talaga tumataliwas minsan dahil na rin sa tadhanang mapaglaro.

Minsan ako na lang parati. Ako yung walang choice. Ako yung kailangan sumunod. Ako yung kailangan kumilos sa loob ng pamilya namin. Alam ko naman na, ako na lang talaga ang aasahan.

Wala ang mga kapatid ko kaya naman ako ang kailangan na mag-grocery. Wala man lang mapag-utusan. Nag-suot ako ng denim pants at off shoulder shirts. Nagsapatos ako ng white bago ako nag-antay ng masasakyan. Actually kailangan ko muna pala hintayin sina Ally dahil may usapan kami.

Nang magkita-kita kami ay sabay-sabay kami sumakay ng jeep. Nagmumukha na naman kaming mga tita's nina Jelayza at Ecka dahil sa mga kasama naming hindi naman nalalayo ang agwat sa amin ngunit mga bata pa rin tignan.

Worth      

Aishe

Ecka

Joanne

Jelayza

Nasa kabila naman kami. Ganyan ang setup namin sa jeep. Pinagtitinginan na kami ng mga tao dahil sa dami naming magkakasama.

Chessca

Ally

Ako

May katabi akong lalaki na naka-mask. Kaagad naman akong kinurot ni Ally sa tagiliran ko dahilan para samaan ko siya ng tingin. Isang sign na alams na. Hindi man kami sinlalandi ng iba pero may makatabi lang kaming may itsura syempre kilig na kami. Huwag ng magkunwari pa.

Ang harot.

Nang biglang nag-preno ay malamang nasiksik ako kay Kuya pero itong dalawa kung kaibigan mas lalo pa ata akong siniksik. Pinagkakaisahan nila ako. Pinagbubulungan naman kami ng mga kaibigan namin na nasa kabilang upuan.

Nang may sasakyan na pilay ay nagpapausog sa may part namin pero wala ng space. Mas lalo tuloy ako nasiksik kay kuya at si Ally naman ay panay ang reklamo na hindi na raw talaga siya makaupo ng maayos. Kaunting preno baka raw mahulog na siya.

"Ikalong mo na lang ako. Mas lalo ata akong magkakasakit sa katawan dahil sa ipit na ipit na ako," hasik niya.

"Come to mama," sabi ko. Nang maupo siya ay tila nakahinga na siya ng maluwag. "Huminga ka naman Ally. Ayos lang," sabi ko pa.

"Baka mabigatan ka kahit hindi ako mabigat," sagot niya.

Nang biglang magpreno dahil may aso kamuntikan pa masubsob si Ally buti na lang ay nakayakap sa baywang niyang ang mga braso ko.

"Sorry po, kuya. Naapakan ko sapatos mo." Pagpapaumanhin niya. "Hala!"

"Kuya, dahan-dahan naman po. Punong-puno na nga po ang jeep kung magpreno kayo parang tatalsik na kami." Pagrereklamo ni Worth na nasundan pa ng iba. "Pare-pareho po ang bayad namin dito pero isa sa kaibigan ko wala ng maupuan pero okay lang po kasi pinasakay niyo tatay pero kalma lang po. Baka naman biyaheng papuntang langit o impyerno po ata ito."

Humingi ng pasensya ang driver. Naging maayos na rin ang pagmamaneho niya.

"It's okay." Yumuko ito saka pinagpagan ang sapatos niya. "Naano yung damit ko sa bag mo," sabi ng lalaki habang nakatitig sa akin.

Kinikilig talaga ako. Ito na ba yung sinasabi nilang I felt some butterflies on my stomach?

"Hala! Sha, yung damit ni kuya kinain ng zipper ng bag mo." Lalo tuloy ako nataranta sa sinabi ni Ally. "Maya na lang kuya pag may bumaba. Baka masira yang damit mo, ganda pa naman. Hindi kasi ako makaalis. Kapag may bumababa aalis na ako rito." Pagpapaliwanag ni Ally.

STRIPPING THE TRUTHS [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon