Kabanata 28
Umalis kami sa bahay para magroadtrip ni Romelyn. Sumama na rin ako dahil feeling ko ayos naman ang mood ko. Sobrang saya ko kaya naman gora kaagad ako ng sinabi niya na aalis kami. Sure na kasi na kasama kami sa gagraduate. Noong unang invite sa akin ni Romelyn sa bahay nila ay hindi ko inakala na mayaman pa pala siya sa inaakala ko. Tinanong ko siya bakit naging education teacher siya if they are family of engineers pero sabi niya kasi mother niya ang nag-decide for her dahil siya ang bunso. Ayaw niya man ay wala na siyang nagawa yun ang sekreto na itinatago niya.
Minsan talaga hindi natin masasabi na ayos lang ang isang bagay para sa isang tao. Minsan kasi sadyang pinipilit lang nila para wala na masyadong issue. Para wala ng gulo.
Ilang araw na pinaparamdam sa akin ni Zyle na mahal niya ako. He's always making me smile, hatid-sundo, hindi masyado nag-bavlog, he's always preparing me a lunch and snacks, and we're always watching the night sky together. Sabay magigising. Doing our night skin care, morning routine and etc. Inaayos niya na rin ang mga document namin para mag-out of the country vlogs. May isa kasing project na inaalok sa kaniya para lang sa adventurous vlogging. Sa lahat ng simple man na galaw niya, it means a whole life for me. Sana ganito na lang palagi.
"Hala! Gosh, naiwan ko phone ko sa bahay." Kinalkal ko ang bag ko pero wala talaga. "Hala! Uwi na tayo."
Baka kasi may makakita ko makita ni Zyle. May hindi siya pwedeng makita doon.
"Bakit? Hindi naman siguro mawawala iyon kung sa bahay niyo lang naman."
Kinakabahan ako. Hindi maganda ang kutob ko.
"Hala! Dear, gosh! Ito na. Inilabas na." Nalilito ko siyang tiningnan bago ko kinuha ang phone niya sa kaniya. "Marites."
Wala namang sila. Here's some pictures behind the scene na wala naman talagang sila. Alam din ng mga kasamahan nila pero nanatili itong tahimik dahil sa pamangkin nga si ate girl ng manager ng mga talents na kasama nila. Unbothered girl huh? Mga mukha kayong pera. Niloko niyo ang mga tao. They deserve to know the truth.
Marami pang sinabi pero wala na ako pakialam. Hindi na kami nag-aksiya pa ng oras at kaagad ako nagpahatid kay Romelyn pauwi. Pagdating namin sa bahay ay nagulat ako ng nagkakagulo. Pati si Romelyn ay sumama na sa akin papasok. Halos sabay-sabay ang pagtunog ng mga cellphone ng lahat dahil na rin sa notification at messenger pero ngayon nandito sila nagsasabunutan.
"Wala hiya ka!" sigaw ni Gela habang inaawat siya ng iba. "Noon mapapalampas ko pa ang pang-aahas mo sa boyfriend ko. Sinira mo kami. Sinira niyo ako! Tapos ngayon malalaman ko na lahat kami sinira mo!"
"A-anong meron?" tanong ko.
Si Glysa lang ang tanging lumingon sa akin. Nagulat ako ng makawala siya sa pagkakahawak sa kaniya at lumapit sa akin at kaagad ako sinampal. Itinulak siya ni Romelyn at hinila niya ako at itinago sa likuran niya.
"Hoy! What's your problema ba?! Kararating lang namin tapos sasampalin mo ang kaibigan ko? How dare you!"
"Sa kaniya nagsimula lahat!" galit na galit na sigaw nito.
Akala ko okay lang siya pero ngayon kita kong hindi. Malaki ang pinagbago ng mukha niya. Tila ngayon ay wala na siyang tulog pero lumilitaw pa rin ang ganda niya.
"Ikaw ang may problema rito noh! Huwag mo isisisi sa iba kagagahan mo!" sigaw ni Romelyn bago siya itulak ng malakas ng Glysa. "Aray ko hah!"
Nilapitan ko si Glysa at itinulak. Hindi ako papayag na sinasaktan ang kaibigan ko. Mag-kamatayan man.
"Ano bang problema?!" sigaw ko. "Anong gulo ba ito? Mahiya kayo? Paano kapag biglang dumating si tito? Mapapagalitan tayong lahat eh!" dagdag ko pa.
BINABASA MO ANG
STRIPPING THE TRUTHS [COMPLETED]
Teen FictionInfinity Series #3 Sharise Del Mundo The truths between off-cam and on-cam. Posted: July 28, 2021 Finished: November 29, 2021