Kabanata 29

9 0 0
                                    

Kabanata 29

After mailibing si tito ay talagang wala na akong gana. It's more painful when I got miscarriage. Hindi ko na alam saan ako pupunta. Hindi ko na alam kung saan ako uuwi. Hirap na hirap na ako. Hindi ganito ang inaasahan ko. Hindi ganito na may mawawala sa buhay ko.

Romelyn helped me before and after our graduation. Sino ba naman matutuwa na gagraduate ako? Mayroon ba? Tulad ngayon that I have no one except for myself and my other child inside my tummy. I have a twin and I lost one of them and still it's painful. I can't accept that my baby is gone.

Gusto ko magalit pero baka ito na rin ang karma ko.

"Your condo is already ready. Yeah it's for you since ikaw na muna doon. I won't visit you there dahil alam ko na papasundan niya ako. I will not tell anybody where ka even sana sa friends mo lalo na kay Ally na alam ko na pupuntahan niya kaagad yun." I nodded. "Sabi mo pupunta siya. Ay speaking of." Paglingon ko ay nandoon na si Ally.

"Sorry muntik pa ako malate. Sinundo ko pa sila eh." Paglingon ko sa likuran ay nandoon ang buong pamilya ko. Nakangiti at sama-sama. "Actually they just contacted me pero it's they're plan talaga not mine."

Kaagad ko nilapitan sina mama at yumakap. Ayoko na magsalita. Ayoko na magtanong. Ang mahalaga nandito sila.

"Pahinga ka na," bulong ni papa. "Okay na. Okay lang."

Mas lalo ako naging emosyonal to the point na wala na akong pakialam kung umakyat ako sa stage na kumalat na ang makeup ko. Actually ayoko na sana since may issue ako pero ipaglaban ni Romelyn ang rights ko.

"Ang mahalaga kilala mo pa ang sarili mo. Huwag kang mag-alala nasabi na sa amin noong kaibigan mong si Romelyn ang plano niyo. Sana sabuhan mo rin yang si Ally kasi alam ko naman na hindi ka niya ilalaglag." I nodded. "Pag okay na. Pag kaya na dumalaw ka hah?" I nodded while crying again. "Sorry anak. Sorry sa lahat ng pressure na ibinigay ni mama sayo. Sorry talaga."

Sina ate at kuya ay sinuklian ako ng matamis na ngiti. Ang mga nakababatang kapatid ko ay ganoon din. Wala na akong pakialam sa sinasabi ng mundo basta ang alam sinabi ko na ang totoo. Wala na akong tinatago.

Ang isang katulad ko na simpleng babae lang ay kinaingitan talaga ng lahat. I used to be someone na laging sinasabihan ng sana all. Gasgas na nga ang mga linyang yan pero para sa akin hindi. Dahil sa inggit nila, nawalan ako ng hindi lang kung sino. Hindi lang sa kung sino at basta-basta.

I didn't even dream to have a fairytale story na pwede mo mabasa sa libro o mapanood mo sa mga movie. I used to be the someone na malaya, na tinatawanan lang ang lahat pero hahantong pala yun sa isang hindi magandang pangyayari sa buhay ko.

A nightmare that will bring me to too much pain.

I love him so much that I am willing to be with him forever but I didn't know that we'd end up like this.

"It's already midnight. Ba't ngayon ko lang?" he asked.

Ngumisi lang ako at nilampasan siya. Nang makita ko ang repleksyon ko sa salamin ay natawa ako ng bahagya. Halos pipikit na ang mga mata ko, basta ko na lang din itinapon ang sandals na dala ko. Manipis lang ang suot ko na black spaghetti strap dress na halos kita na rin ang likod ko dahil sa buhok ko na hanggang balikat lang ang haba at nakakulot pa.

Mukha akong lasing pero katunayan antok lang talaga ako. Yes, pumunta ako sa bar pero hindi ako uminom. Sumama lang ako kay Joanne ng mapag-usapan namin na magkita.

Gusto ko man lunurin ko ang sarili ko sa alak ay hindi pwede. Bawal at lalong-lalo na ngayon. Gusto ko mawala pero hindi pwede. Kailangan ko maging matatag.

"Huwag naman ganito, Sharise." Parang napitlag ako dahil sa sinabi niya.

Lumingon ako sa kanya kahit nahihilo ako. Ngumisi ako at naglakad papalapit sa kanya kahit tila pasuray-suray na ako. Hindi ako lasing pero tiyak na amoy alak ako dahil sa pareho kami nabuhusan ni Joanne ng inumin ng matapilok si Joanne.

"Pagod ka na? Suko ka na?" tanong ko habang hinahaplos ko ang pisngi niya. "Kulang pa yan, kulang pa. Hindi pa sapat," I whispered.

"Kapag wala na ba ako magiging sapat na ang lahat?" he asked.

"Baka sakali. Pero kahit mawala ka, hinding-hindi kita mapapatawad." Tinalikuran ko siya na may halong pagdaramdam at puot.

Hindi ako sasama. You'll travel the world without me. Mag-isa ka. Well wala naman talaga simula pa lang sa umpisa. Ako lang yung umaasa.

Gustong-gusto ko siyang patawarin... Hindi ko na nga lang alam kong paano... hindi ko kaya.

"Sana maging masaya ka na, hindi ako sanay at hindi ako masanay-sanay na ganyan ka. Kasalanan ko, I hate myself too. Sinira ko yung dapat papasimula pa lang, I'm sorry, ako kasi yung dahilan."

"Kahit ilang sorry. Kahit ilang patak pa ng luha yan, hindi na maibabalik ang dati. Sa tuwing binabangit mo na mahal ko ako, mas nadudurog ako. Kung mahal mo ako, ba't gan'to sitwasyon natin ngayon?"

Isinalampak ko na lang ang sarili ko sa isang sofa. Sobrang nagdidilim na ang paningin ko dahil sa pagod. Ito na lang kasi ang paraan ko para makalimot ako ng panandalian. Ang umalis sa bahay.

I'm sorry, baby.

Every time I close my eyes I always remember what happened and the reason why our relationship turned like this.

Hindi ko kasi kaya kalimutan na lang ang lahat. Nasasaktan ako. Hindi madali at hindi talaga magiging madali para sa akin ang lahat. Sana nga ay ganun-ganun na lang. Sana nga madali lang pero hindi kasi eh.

"I'm sorry," he whispered.

Mga katagang pagod na pagod na ko ng pakingan. Hindi sapat ang sorry na lang, kahit kailan hindi magiging sapat. Mas mabuti pang itigil na ang sa wala naman talaga nag-umpisa.

Simula ng mawala si tito ay tahimik na ang bahay. Umuwi na ang mga talents niya habang sina ate Diane at tita Lei ay nag-istay sa isang condo. They want me to be with them pero ayoko. Aalis din ako. Mag-isa. Ayoko ng kahit sino.

Nakaayos na ang mga gamit ko at handa na ako umalis. Handa na ako iwanan ang lahat ng meron ako sa bahay na ito. Lahat-lahat tatalikuran ko. Ayoko na magstay sa bahay na ito dahil nakakatakot. Punong-puno ng mga hindi magandang pangyayari. Ayoko na. I still need to move para na rin sa isa kung anak. I won't bother other people now. All what I want is to leave this house and hearing my tito's last words, sell this house and build a new one.

Dahan-dahan ang paghila ko sa maleta ko. Nakaabang na rin sa hindi kalayuan si Romelyn. Nasa taxi siya at baba kami sa isang bus station para iligaw daw ang pwede makakita.

Bago ako tuluyang makababa ay nakita ko na nakabukas ang pinto ng isang k'warto. Ngumiti ako ng mapait dahil wala na. Wala na ang lahat. Ibabaon ko na lang sa limot dahil masyadong nakakatakot.

Habang nasa labas na ako ay ang sakit at sikip ng dibdib ko. Gusto ko umalis ng tuluyan pero hindi ko namamalayan na lumingon pa ako. Wala ng kabuhay-buhay ang dating maingay at masiglang bahay.

"I'll fulfill what I promised. I'll sell the house and build new whatever I want. Thank you for everything, tito. Be happy. Papa is always proud of you kahit hindi niya sabihin dahil I saw it. Sana ramdam mo rin. He's scared of popularity because he thinks it will always be the downfall of a person. I know you are not at peace. I love you. Goodbye."

Kasabay ng pagtalikod ko ay ang pag-agos ng mga luha ko. Ang mga luhang isa sa natanggap ko ng umamin ako sa mundo. Nang sinabi ko ang saloobin ko. Pero hindi ako nagsisisi dahil alam ko sa sarili pinalaya ko na ang sarili ko sa kasinungalingan at pera. Sa kasikatan ngunit hindi sa puot at hinanakit. Balang araw alam ko na makakaya ko. Kaya ko.

STRIPPING THE TRUTHS [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon