Kabanata 35

8 1 0
                                    

Kabanata 35

Kinaumagahan matapos ang mga pangyayari si ate Diane at Eman ang nagbabantay sa akin. Pagkagising ko ay kaagad nila akong tinulungan na makaupo. Akala ko panaginip lang ang lahat. Akala ko okay lang ang lahat.

Nang nasa hospital ako ay nakausap ko ang doctor ako tuluyang mawalan ng malay.

"Sa akin mo ireport lahat, dra. Sa akin lang wala ng iba."

Matapos ay tinawag ni ate Diane ang Doctora. Umalis din muna si Eman dahil inutusan ko siya na puntahan si tito. Iniwan din kami ni ate Diane after niya masundo ang Doctor.

"3 weeks pregnant ka, misis." Tila gumuho ang mundo. "I'm sorry to say this but you lost one of your twins." Nangunot ang noo ko at tinitigan ko lang siya. "May laman pa rin ang tiyan mo. Nakaligtas ang isa."

After ko malaman yun ay tahimik akong umiyak. Bakit kailangan mawala ng isa? Bakit hindi ko alam? Bakit katawan ko hindi ko alam?

Tahimik akong umiyak. Sinabi ko na I lost my child kasi wala akong maipaliwanag sa pagdurugo na nasaksihan nila. Si ate Diane ang una ko sinabihan since siya ang nagbabantay sa akin at si tita Lei. Iyak ako ng iyak pero pinipilit ko tumahan kasi kailangan pa ako ng isa. May isa pa siya tiyan ko na kailangan ako.

Hindi ako padaraig sa nararamdaman ko. Para sa anak ko lalaban ako. Gagawin ko ang lahat para sa kanila kahit ano ang mangyari.

"G-gusto kang makausap ng tito mo." Napitlag ako ng marinig ko iyon. Kaagad ako isinakay ni Direk sa wheelchair at si tita Lei naman ang nagtulak ng wheelchair. Kaagad ako naawa sa kalagayan niya. "Malala ang tama niya, Sharise. Lumalaban lang talaga siya dahil may gusto ata siyang sabihin," sabi ni tita Lei na ikinalingon ko.

"What do you mean?" Kinakabahan kong tanong.

"Paralyzed ang kalahati niyang katawan, Shâ. Mataas din ang dugo niya at baka hindi kayanin ng puso niya."

Akala ko okay na kasi gising siya. Akala ko lang pala. Sa pagpasok ko ay doon nga tumambad sa akin ang lahat. Ang daming aparatos sa katawan niya. Maging ang mga tunog ng makina ay kinikilabutan ako.

"Tito." Kaagad ko hinawakan ang kamay niya. Dilat ang mata niya pero tama si Tita. Paralyzed nga ang katawan niya. "Bakit mo naman kasi ginawa yun? Ayos lang naman ako eh. Bakit kailangan kapalit noon ay ang kaligtasan mo? Why are you so selfless? Bakit parati na lang ako?" umiiyak kong tanong.

"K-kasi m-mahal k-kita." Mas lalo akong humagulhol na pilit niyang pinipilit ang sariling makapagsalita. "S-sell the… h-house and... m-make a new… one."

Napaangat ako ng tingin sa kaniya. Bakit kailangan yun ang marinig ko. Gusto ko lumaban siya. Bakit bahay?

"Tito naman. Bakit ko naman gagawin yun? Ang ganda noon tsaka sayo iyon."

"E-everything is... now for y-you. Tell kuya that I'm sorry. P-promise me."

Ayoko gumawa ng pangako pero kita ko sa mata niya na yun na lang. Yun na lang ang gusto niya marinig. Yun na lang ang dahilan kung bakit siya nakadilat at pinipilit huwag pumikit.

"Tito naman eh…" Pilit ko pa rin pinoproseso ang lahat. Inilapat ko sa noo ko ang kamay niya habnag umiiyak. Nandoon sa tabi si tita Lei na rinig ko rin ang paghagulhol kasama si ate Diane. "Oo na. Promise ko. I'll sell the house and make a new one. Sasabihin ko kay papa, tito. Mahal kita," sabi ko bago ang mas malakas na paghagulhol.

Ilang segundo lang ay nagsitunugan na ang mga kung anu-anong ng makina ng hospital. Napaangat ako ng tingin at kita ko si tito habang nakapikit na at tila nakangiti. May luha rin ng pumatak at ang tanging narinig ko ay ang pagsigaw nina tita at ate ng tulong at pagtawag sa doctor.

STRIPPING THE TRUTHS [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon