Kabanata 6

5 1 0
                                    

Kabanata 6

Nadatnan namin sina Ally nakaupo na at nagluluto na. Nagsisimula na rin si Ally kumain habang katabi siya ng pinsan niya. No choice, magkatabi kami ni Zyle sa upuan. Nauna ako maupo bago siya sumunod sa akin sa pag-upo sa tabi ko.

"Shâ, saan ka magka-college niyan?" tanong ni Ally. Nagkibit-balikat na lang ako. "Si Aishe aalis. Si Chessca, malalayo rin, at yung sa iba hindi ko alam."

"Hindi ko pa nakakausap si tito. Siguro bahala na si tito kung saan."

Sa time na ito kung ano yung nasa harapan ko tatanggapin ko na lang. Gusto ko may mapatunayan kina mama. Uuwi ako ng may dalang diploma.

"Ikaw po, anong grade or year mo na, Zyle?"

Buti naitanong ni Ally. Curious din ako eh. Gusto malaman yung kahit simpleng bagay tungkol sa kaniya. Nahihiya nga lang ako kasi hindi pa kami close.

"Magti-third year. Tourism student," sagot niya kay Ally. Nagkatinginan naman kami ni Ally. "Ikaw, what do you prefer?" tanong niya kay Ally.

Tourism pala ang nararapat sa akin. Nasa BS tourism management pala ang bubuo ng buhay ko.

"Baka related com.Arts. Bahala na, depende sa school."

Nagsimula na kami kumain. Nagpicture-picture at ngayon ko lang talaga nakita na may kaclose si Ally na pinsan niya maliban kay Aishe. Halos nga hindi na mapaghiwalay ang dalawa. Ako naman kay tito Racky talaga ako close since gusto na rin ako isuka ng pamilya ko kasi wala akong k'wenta para sa kanila lalo na pagdating sa acads.

"Want," sabi ni Ally. Kaagad naming sabay na tinapik ni Shawn ang kamay niya. "Char lang naman. Masyado naman kayo seryoso. Kuya Zyle, may girlfriend ka?" Umiling si Zyle sabay lingon sa gawi ko. Hindi iyon nakaligtas kay Ally. "Si Sharise rin, single."

Nahihiya na ako sa ginagawa ni Ally pero hinayaan ko na lang. Mas mukha pa siyang nakainom sa dalawa na umiinom ng soju.

Nang malapit na dumilim ay nagpaalam na sila. Sabay-sabay na rin kami lumabas. Nang makasakay na sila ay nilingon ko si Zyle.

"Bawal ba kay tito?" tanong ko. Tumango siya. "Tara hanap tayo ng convenient store."

Nang makakita kami ay pumasok kaagad kami. Nakasunod naman siya sa akin. Dahil sa medyo kumukulo na rin ang tiyan ko ay cup noodles na lang ang inorder ko at soft drinks. Hindi ko alam if bagay, pero sure na bagay kami.

"Close kayo ng tito mo?" tanong niya sa akin. I nodded. "Cute ni Ally."

Mukhang nakuha ni Ally sa cute ang lalaking ito.

"Yeah."

"Bagay siyang maging bunso kong kapatid." Nilingon ko siya na pinipigilan ko na huwag ngumiti. "Ang kulit niya sa chat. Parati kang binabanggit. Siya ba living cupid ng barkada niyo?"

"Parang. Ang alam ko oo. Hindi ko alam." Tumawa na lang ako dahil hindi ko naman alam ang pinaggagawa niya. "Maissue kasing tao pero parati kami pinagtutulakan."

Naging magaan na ang atmosphere naming dalawa habang nag-uusap kami tungkol sa mga bagay-bagay tungkol sa amin. Mukhang nakatulong nga si Ally. Deserve niya na ilibre ko siya ng libro kapag nagkita kami ulit pero mukhang malabo.

Nang makabalik kami ay saktong pagbukas niya ng pinto ay may sumalubong sa kaniya ng yakap. Nang may makita akong phone na nakatutok sa kanila ay kaagad na akong tumalikod saka nagkukunwaring nagcecellphone.

Napangiti ako ng mapait. Mukhang kailangan ko sanayin ang sarili ko na kung hindi camera ang nakatutok sa kanila ay parating cellphone. Napabutonghininga ako. Kung hindi ako hinila ni tito papasok ay hindi pa sana ako papasok.

Nanatili akong nakatutok sa phone ko. Scroll ako ng scroll sa facebook account ko habang nagkakagulo sila. Parati siguro silang maingay. Sanay naman ako sadyang hindi pa ako close sa kanila.

Maaga kaming nag-ayos, maaga nga raw kami aalis. Nasa iisang van kami. Pagpasok ko ay naupo ako sa pandalawahan lang na upuan. Nasa tabi ako ng bintana at isinandal ko na lang ako ulo ko sa bintana.

Nang may umupo sa tabi ko ay napalunok ako. Tumabi ba naman kasi sa akin ang crush ko. Wala lang, kinikilig ako.

"Zyle, bakit hindi mo tinabihan si Glysa?" tanong ni tito. "Naku... mukhang pamangkin ko ang nais mo."

"Tito." Saway ko sa kaniya.

"Naku, kawawa naman si Glysa."

HIndi ko na lang sila pinansin. Duh, mas maganda naman sa akin yung Glysa. Wala akong panama. Kung kasama ko ang mga kaibigan ko baka may lakas pa ako ng loob kasi mag-isa lang ako kaya tahimik lang ako.

Halos 3 hours ang naging byahe. Nang makarating kami sa bahay ay panay libot ko ng paningin ko.  Malaki ang bahay ni tito at kasama niya rin ang mga anak-anakan niya sa industriya. Kasama na ang crush ko.

Ako ang inuna ni tito. Parang walang kapaguran ang mga talents niya. May mga naiwan pa nga sa bahay niya. Mukhang hindi magiging tahimik ang buhay ko sa bahay na ito.

Pakiramdam ko mas lalo akong naging mag-isa. Ang hirap ata makipagsabayan sa mga tao rito. Ayoko man bumaba ay napilitan ako. Nagpahanda si tito ng mga snacks. Nagpapaluto pa lang kasi siya ng lunch.

Naupo ako sa couch ng tumawag si Worth kaya naman ay sinagot ko na lang. Video call pa ang gusto niya pero pinagbigyan ko na lang.

[Mahal, bakit naman hindi ka nagsabi,] Nakanguso pa siya at walang pang-itaas na damit. [Kapag umuwi ka rito, kita kits.]

"Sino yan? Si Worth?" tanong ni tito at kaagad naman ako tumango. Naupo siya sa tabi ko kaya naman hinarap ko sa kaniya ang screen para makita siya ni Worth. "Worth, sabi ko sayo eh sama ka sa amin. May mga fans ka naman sa pagiging writer mo. Kaya pa yan iboost."

Napangiti ako. Alam ko na walang interest si Worth. Marami na ang nag-offer pero wala talaga siyang tinanggap.

"Gusto ko magsulat at maging architect, tito baby.  Wala talaga akong balak. Bantayan mo yang si Sharise, tito. Malayo pa naman ako. Hindi ata ako sanay na malayo sa akin ang mga girl friends ko."

"Jowa mo lang naman ata ang mamimiss mo eh." Pang-aasar ko. "Huwag ka ng magsinungaling."

"Kung hindi lang talaga nagpaliwanag ng sobra-sobra itong si Sharise... iisipin ko na bading ka. Paano ba naman kasing natagalan mo ang pito mong babaeng kaibigan?"

Well. Kami na talaga ang nahihirapan na magpaliwanag sa mga tao. Bahala sila. Hanggang sa napagod na lang talaga kami.

Mahirap magpaliwanag sa mga taong sarado naman ang isipan. Bahala na silang mabuhay sa kung ano ang paniniwala nila

"Mahal na mahal ko ang mga iyan, tito baby. Sila ang treasure ko. Bahala na ang ibang tao sa iniisip nila sa akin. Basta mas'werte ako sa mga girl friends ko. Kung pwede lang na kasama ko pa rin sila hanggang ngayon pero alam ko na iba-iba naman ang opportunity para sa amin."

I almost cried. Wala eh, mahal na mahal din namin ang  bakla yan. Driver, classmate, Boy friend, at kapatid na rin namin siya. Ito ang isa sa kailangan ko sanayin, ang malayo sa kanila.

STRIPPING THE TRUTHS [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon