Kabanata 10

12 2 0
                                    

Kabanata 10

Dala ko ang dati kong journal. Hindi ko ineexpect na madadala ko pala iyon. Kaagad ko binuksan ang front page at nakita ko ang bunggad nito na ikinailing ko "Kung Hindi Ka Si Sharise Huwag Kang Magpaka-Sharise kaya kung Hindi ka ako Huwag mo ng Subukan pang Buksan ulit."

Grade kami nito ng ginawa ko ito. Mahilig lang ako magsulat ng kung anu-ano. Kakatapos ko lang maghalungkat sa mga gamit na nadala ko kaya nakita ko journal ko noon. Iniingat-ingatan ko talaga ito kasi memories lang.

Bumungad sa akin ang message ko sa kanila. Ang sipag ko talaga sa mga ganito. Sobrang maeffort akong tao.

To Worth,

Baks, thank you ah. Salamat sa lahat-lahat. Salamat sa pagiging proxy sa lahat, pagiging classmate, friend, bestfriend, boyfriend, kuya, tatay, at kung anu-ano pa. Ang swerte namin sayo kasi napakacaring mo. Ikaw at ikaw yung parating handang gawin para sa amin ang lahat kahit makipagpatayan pa. Naalala mo noong kamuntikan na akong mabundol? Buti na lang nandoon ka kaya nahila mo kaagad ako. Ikaw ang hero namin kaya salamat. I love you, baks. Huwag ka masyadong kiligin ah baka mafall ka.

From,
Shâ

Napailing na lang ako sa nabasa ko kaya kaagad ko na itong binuklat para sa sunod na pahina. Mas lalo ko namiss ang baklang yon.

To Joanne,

Huwag ka na masyadong magpakastress sa buhay. Nandito lang kami. Salamat pala sa parating pagsabay sa mga trip namin kahit minsan hindi ka na makasabay kasi mahina signal mo, sobrang loading mo. Thank you sa pagtulong sa akin pagdating sa acads. Naappreciate ko lahat ng effort mo. I love you, girl.

From,
Shâ

To Chessca,

Hoy babaeng magaling sa math, salamat sa lahat. Ikaw ang sandalan namin pagdating sa math. Salamat sa pagbibigay ng mga solution para sa buhay mathematics namin kaya hindi kami napag-iiwanan sa grade at laging pumapasa. Huwag ka ng puro oppa hunting, pareho kayo ni Ally. Well, at least hanggang tingin lang naman kaya sige na kasama niyo naman ako para diyan. Huwag ka ng masyadong masungit ay palasekreto ah. Magsabi ka naman kung may boyfriend ka na kasi nakakapagod manghula. Mahal na mahal kita kahit napakapanira mo ng mood.

From,
Shâ

Kahit noon pa mukha na kaming ewan. Ganito pa rin kaya kami pagdating ng araw? Magkakasama-sama pa kaya ulit kami?

"Hey! What are you reading?" Nagulat ako sa pagsulpot ni Zyle. "Can I see?" Hinayaan ko na lang siya maupo sa tabi ko at kaagad ko binuklat ang bagong pahina.

To Ally,

Babaeng walang papantay sa taas ng standard umayos ka. Ang taas ng standard mo at hindi ko na maabot. Haha, well masaya ako para sayo. Taasan mo pa hah para hindi ka na muna magjowa. Salamat sa pagtulong sa akin sa acads at pakikinig sa lahat ng rants ko. Kahit may exam kinabukasan you always there para kausapin ako. I appreciate it a lot. Stay mabait and love yourself.

Pov ni Ally: Pasabi kay mama, papa, at kuya na ako lang ito. Sa sobrang taas ng standard ko ang totoong mahal ko yung hindi nag-eexist at yung iba nag-eexist pero ang hirap abutin kasi wala akong pera papuntang Korea, Japan, Thailand, at China para imeet sila. Basta amin pa rin ang Philippines sea. Taas-taas ng standard ko pero hindi ako pasok sa standard ng mga mahal ko. Napahaba na babosh!

From,
Shâ

Natawa ako maging si Zyle. Si Ally kasi nagsulat ng POV na iyon kasi may space pa naman daw at gusto niyang ilabas ang sama ng loob niya.

"Cute," Zyle murmured.

Nagpatuloy kami sa pagbabasa ng tahimik.

To Aishe,

Ikaw yung matured na isip-bata pa rin. Magulo pa sa magulong mundo. Hindi kita matyansa kaya magpakaisip-bata ka na lang. Salamat sa pagtatama ng mga English kong galing pa sa kung saan. Maiksi lang ito kasi wala ako masyado masabi. Kalmahan mo lang sa pagboboyfriend ah? Kapag sinaktan ka reresbak kami tandaan mo yan.

From,
Shâ

To Ecka,

Ikaw na talaga ang aming master. Neng, sana ayos ka lang ano? Hahaha, ikaw na ang aming tagapasilbing tagapagpatawa. Salamat sa lahat ng pambabara at jokes. Salamat sa pagtulong sa akin pagdating sa acads. Iwas fling na ah. Lagi ka na lang naghahanap ng kafling ayaw mo naman sa commitment. Hahaha, alam ko yung pero sige secret lang natin. Salamat sa pagpapaka-ate pero minsan isip-bata ka rin pareho kayo ni Jelayza. Iwas na ah baka madisgrasya ka eh. Tanging babala lamang.

From,
Shâ

To Jelayza,

Hoy! Babaeng adik sa online games! Umayos ka! Parati ka na lang one of the boys sa computer shop. Dami mong manliligaw ah. Salamat sa pastick-o nila. Well... nabubusog naman kami sa pasnack ng manliligaw mo. Hope you find better, yung same vibes kayo. Huwag ka na muna magjowa kasi nakakabigla ka kung umiyak. So ayun, keep safe. Hahaha. I love you.

From,
Shâ

Kung anu-ano pa ang mga nakasulat na binasa ko habang nakikibasa si Zyle. Hindi ko maatim yung iba as in super kajejehan. Napapaisip ako kung nasa tamang pag-iisip ako ng mga panahon na iyon. Nagsisisi ako sa mga pinaggagagawa ko noon.

"Paano kayo nagkakilala-kilala at nabuo bilang squad?" tanong ni Zyle.

Napaisip ako bigla dahil hindi ko matandaan. Wala kaming monthsary, hindi ko alam kung paano kaming nagsimulang mabuo. Basta yun na nagkasama-sama na lang kami. Bigla na lang kami pumasok sa buhay ng bawat isa.

"Ang hirap naman ng tanong mo. Pero hindi ko rin talaga matandaan. Basta bigla na pang kaming nabuo."

Pinatawanan lang niya ako kasi wala raw ang kwentang kaibigan kaya pinaghahabol ko siya at pinaghahampas ng unan. Nahinto lang kami ng marinig namin ang isa sa artist ni tito na si Eman.

"Ganyan sila kasweet, guys. Super comfortable nila sa isa't-isa kaya ayan, naghahabulan at naglalambingan ang tawag diyan."

Bigla akong nagtago sa likod ni Zyle. Nakakahiya. Nakalive pala siya sa tiktok. Bwiset na lalaki kasi ito.

"Comment #Zyrise for more update. Ako bahala sa inyo ah..."

Umalis na lang ako sa salas at umakyat sa k'warto ko. Inayos ko na lang ang gamit ko dahil may pasok ako bukas. Baka mapagalitan ako ni tito dahil sa nangyari. Nakakainis naman hindi kami nag-iingat. Baka kasi misinterpret na naman ng ibang tao ang pinaggagagawa namin. Buti na lang ig in a good way paano kung hindi? Bash na naman aabutin namin nito at galit ni tito ang sasalubong sa amin. Gosh! Nakakahiya.

STRIPPING THE TRUTHS [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon