Kabanata 26

6 0 0
                                    

Kabanata 26

Gusto ko magalit or maghinanakit kina Ally at Romelyn dahil kahit support hindi man lang nila maibigay sa akin. Pero sa tuwing iniisip ko ang set-up namin ni Zyle tama naman talaga sila. Ang tanga-tanga lang. Ginusto ko rin naman. Ako nga talaga yung mali.

Paminsan-minsan ay tumatakas kami ni Zyle. Nagdadrive thru, nakain sa labas kapag lunch, minsan nag-istar gazing kami kapag nasa veranda kami. Sa isang linggo na nakalipas sobrang dami na naming nagawa ng magkasama.

Hindi pa ako pinapansin ni Romelyn kaya naman nagpatulong ako kay Zyle para magbake. Marunong na rin naman talaga ako dahil sa pagtuturo niya sa akin sadyang gusto ko lamg siya makasama sa paggawa ng cupcake para sa peace offering ko kay Romelyn dahil ako naman talaga yung lumayo eh. Tama naman siya.

"Bakit ba kasi kayo nag-away?" tanong ni Zyle habang tumutulong sa akin sa pagbibake ko ng cookies dahil sa inihahanda pa namin yung para sa cupcakes. "Sino nang-away?"

"Misunderstanding lang. And I actually at fault. Don't ask anymore. It's girls things."

"Fine. What my baby wants then I'll gladly support you na lang."

Pati sina Eman at ate Diane ay tumulong na rin pero ang ibibigay ko kay Romelyn talaga is yung ginawa ko at pinaghirapan ko. Siya yung yaong parating nasa tabi ko kaya naman ang sama ko para magalit sa kaniya eh totoo lang naman ang mga sinabi niya maging si Ally.

"Hello, Ally?"

Nagulat ako ng marinig ko ang pagbuntong-hininga niya.

[Ano? Natauhan ka na?]

"Sorry."

[Why are you saying sorry? Sorry kasi tanga ka? Sharise, gumising ka. Bakit mo ipagsisiksikan ang sarili mo diyan sa sitwasyon na yan? Masaya ka pa ba? Seryoso?]

"We're doing things not related to vlogging now, Ally. I love him. Alam mo na gusto ko siya noon pa."

[Pero hindi ko lubos maisip na talagang magtatagal ka. Gusto kita maging masaya. Kung diyan ka masaya go. Pero kapag nabalitaan ko na hindi ka okay sorry hindi ako support sa katangahan mo. Don't mind me. Mind your own. I'm just being like this kasi you are my friend. And you'll always be.]

Matapos ang pag-uusap namin ni Ally ay talagang medyo nabawasan ang bigat sa dibdib ko. Pinadalhan ko rin siya ng cupcake at cookies kahit alam ko na hindi siya into sweets. It's up to her kung ano ang gagawin niya doon.

After ko maiayos ang para kay Romelyn ay pasimple kaming tumakas sa bahay ni Zyle. Nakatanggap pa ako sa mysterious texter na ilalabas niya raw bakit hindi ako natatakot? Hinayaan ko na lang at inabala ko ang sarili ko kay Zyle.

"Namiss ko rito. Naalala mo ba noong pumunta tayo rito? Yung first time?" I nodded. "It's my favorite unforgettable moment here. I'm with you plus I felt like I'm just a normal person with simple lifestyle. Walang camera, at may privacy."

Kahit ako rin naman. Namimiss ko yung dating ako. Dating buhay ko na halos nakakakilala lang sa akin mga Marites sa barangay namin at mga kaschoolmates ko. Mga nangyayari sa buhay ko updated lang is mga kaibigan ko ngayon marami na rin naman kaming viewers at dati hindi ko kailangan magpanggap sa harap ng maraming tao para lang sa ganito. Dati pagiging okay lang ang pagpapanggap ko pero ngayon pinagkakakitaan pa namin.

"Shai, may problema ba?" Tila nabalik ako sa reyalidad sa sandaling kinalabit niya ako. ",May problema ba? Tell me baka makatulong ako."

Agaran ako umilis at tumingala para mapigilan ko ang pagtulo ng mga luha ko. I want world hear me. I want people know the truth. I want to live freely that's why I don't care on the mysterious texter and alam ko may idea na doon si Romelyn.

"Wala. Masaya lang ako." Lumingon ako sa kaniya saka ngumiti. "Masaya lang ako na nalaman ko na mahal mo rin ako kasi ako mahal na mahal kita."

Tumawag si Romelyn na susunduin niya ako kaya umuwi rin kami kaagad ni Zyle. Nagpalit lang ako ng damit bago ko kimuha ang ibibigay kong peace offering sa kaniya. Paglabas ko ng bahay ay nandoon na nga siya at nag-aantay sa loob ng sasakyan.

"Hi."

Hindi niya ako pinansin kaya inilapag ko na lang ang box ng cupcakes at cookies na gawa ko sa hita ko habang tila may pinoproseso pa siya sa isip niya dahilan para manahimik na lang ako at hayaan na muna siyang mag-isip.

"Buong magdamag ko itong inisip. Hindi ako makatulog dahil diyan sa texter na yan. Galit ako sayo kasi nagalit ka sa akin pero gusto ko lang malaman." Humarap siya sa akin ng seryoso ang mukha. "Sinasadya mo bang pikunin ang taong yun para ilabas ang sekreto niyo? Ang sekretong sa relasyon niyo hindi totoo at pang-camera lang? Alam mo kasi kahit na angdidate kayo ngayon wala ng maniniwala eh. Tell me. Sinasadya mo ba talaga?" kunot-noo niyang tanong.

I smiled a bit and try not to be serious.

"Bakit mo naman naisip yan?" I asked. "Masisira kami ni Zyle noon kapag nagkataon."

"Pero you want to start new, right?" Tila nag-aantay siya sa sagot ko na pagkurap ay hindi niya ginawa. "You want to be free with those lies because you want to start with a real relationship na walang itinatago since marami kaya ang viewers niyo. Is that what you planned? To let that person na ilabas ang alam niya at magsasalita ka na lang kapag hiningaan ka ng sagot at ipapaliwanag mo ang lahat para makawala ka na sa kasinungalingan niyo."


Akala ko dati kaya ko itago hanggang sa mamatay ako ang sekreto na iyon. Akala ko kakayanin ko pero hindi. Ayoko na kasi. Paano ako mabubuhay ng masaya kung kahit mahal namin ang isa't-isa ngayon paano yung dati? Ako lang kasi dati eh. Hindi naman mutual. Gusto ko malaman ng tao ang lahat. Gusto ko magkasama kami ni Zyle na alam na ng tao na ito totoo na wala ng halong biro. Wala ng halong pagsisinungaling kasi gusto ko na rin palayain ang sarili ko sa unang araw na natutunan ko magsinungaling para lang may ipambuhay sa pamilya ko.

I know that I'm still responsible for it pero hindi ako nagsisisi kasi baon kami sa utang if wala akong content. Wala na ang bahay at lupa sa amin kung hindi ako napasok dito. Hindi ako makakapagtapos ng pag-aaral kung hindi ako sumama kay Tito. Madaming bagay ang ipinagpapasalamat ko kaya kahit madungisan na ang pangalan ko gusto ko ibunyag sa mundo kung saan nag-simula ang aming kwento.

"You're right, I wanna be free with those lies. I want the people know what the story behind. It's time to strip the truth," I almost whispered. "Striping the truth means allowing myself to freely love the person I loved since our eyes meet."

STRIPPING THE TRUTHS [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon